12

21 5 0
                                        

Lucio's POV

*A FEW MONTHS EARLIER*

Nandito ako ngayon sa kwarto ng hospital kung saan na confined ang mama ko. Eight months na kasi siyang lumalaban sa sakit niya na cancer. Labas pasok kami sa hospital kaya naman unti-unti kaming nalubog sa utang.

Kami lang ng mama ko ang nandito sa London while yung papa ko naman ay nasa Edinburgh, separate na kasi sila kaya kami nalang ng mama ko ang magkasama.

Sa ilang buwan na pakikipaglalaban niya sa cancer ay unti-unti nang humihina ang katawan niya, kapansin-pansin din ang pag payat niya maging ang pag lagas ng mga buhok niya. Ayaw kasi ng mama ko na mag undergo ng Chemotherapy, natatakot daw kasi siya don at mas magastos pa kaya naman hindi ko na siya pinipilit pa.

Habang nakadungaw ako sa bintana ay bigla naman pumasok ang doktor ng mama ko. Si Dr. Enriquez. Agad ko siyang linapitan pero malungkot na mukha ang sumalubong sa'kin.

"Mr. Franshawe, may I talk to you outside" Panimula niya. Agad naman akong nakaramdam ng kakaiba, kaya naman ay tinanong ko siya kung bakit. "Why doc? what seems to be the problem?"

Tinignan niya ako ng malungkot at nagsalita. "I have to tell you something important" Pagkatapos ay lumabas siya ng kwarto. Bago ko sundan si Dr. Enriquez ay tinignan ko muna ang mama ko. Maroon siya sa kama niya at natutulog, agad kong inayos ang kumot niya at dumiretso na sa labas.

Pakalabas ko ay nakita ko si Dr. Enriquez na kausap yung mga nurse kaya naman tumayo muna ako sa isang sulok. Pakiramdam ko masamang balita ang ibibigay niya sa'kin, dapat na akong maghanda.

Tapos na yung pag-uusap nina Dr. Enriquez at nung mga nurse kaya naman ay linapitan ko na siya para tanungin kung ano ang sasabihin niya. Bago siya magsalita ay hinawakan niya ang kanang balikat ko at tinignan ako ng seryoso.

"Mr. Fransahwe....I'm sorry, you're mother only have 2 months to live, we've already done our best pero ayaw ng tanggapin ng katawan niya ang mga gamot na binibigay namin, siguro kung nag undergo siya ng Chemotherapy ay pwedeng naagapan pa ang sakit niya, I'm sorry." Saad ni Dr. Enriquez at pagkatapos at umalis na.

Hindi na ako nakaimik pa, alam ko naman kasi na dadating ang araw na toh! stage four na kasi ang cancer ng mama ko kaya naman malaki talaga ang possibility na mawala siya sa'kin. Hindi ko na alam ang gagawin ko, wala akong makapitan, sobrang bigat sa pakiramdam.

After two months ay nangyari na nga ang kinakatakutan ko. Ang mama ko, wala na siya, iniwan niya na ako, ako nalang mag-isa. Sinubukan kong humingi ng tulong mula sa papa ko pero hindi niya sinagot ang mga tawag ko.

Halos mabaliw ako kakaisip kung pano ko bibigyan ng magandang burol ang mama ko, dumating nga ako sa point na gusto ko narin wakasan ang buhay ko. Sobrang hirap nadin kasi, buong buhay ko kasi siya lang ang kasama ko, tapos ngayon, iniwan niya na ako.

Ilang araw din akong tulala habang nakatingin sa kabaong niya, hanggang ngayon kasi hindi ko parin tanggap na wala na siya. Iba't-ibang salita ang narinig ko mula sa mga nakikiramay pero isang salita lang ang mas lalong nag palungkot sa'kin.

"What will happen to Lucio? will someone take him?"

Nang marinig ko ang mga salitang yon ay napaisip nadin ako. Paano na ako ngayon na wala na si mama? magiging mag-isa na ba ako? may kukuha ba sa'kin?

Lahat ng tanong sa isipan ko ay nawala nung may tumawag sa phone ko. Isang unknown number, sasagutin ko ba? o hahayaan nalang? wala namang mawawala kung sasagutin ko diba?

Sinagot ko yung tawag at laking gulat ko ng malaman kung sino iyon. It was my cousin, Rave. Sa pagkakaalala ko ay pinsan ko siyang nakatira sa pilipinas. Noong bata kasi ako ay madalas kaming pumunta ni mama sa pilipinas, specifically Ilocos Region, dahil doon ang hometown niya. Tuwing sasapit ang summer ay doon kami magbabakasyon at mananatili sa maliit na rest house na pinamana pa sakanya ng mga magulang niya.

Mayaman kasi ang mga magulang ng mama ko. Sa pagkakaalala ko ay mayroon silang madaming negosyo at ari-arian isa nadon yung rest house ng mama ko. Doon sa rest house ng mama ko unang nakita si Rave, madalas kasi siya don dahil malapit lang yon sa bahay nila. Sa tuwing sasapit ang summer ay umuuwi kami ng mama ko sa pilipinas kaya naman naging close kami ni Rave.

Mayroong kapatid yung mama ko, si Tito Felix, siya yung asawa ni Tita Celine at siya yung tatay ni Rave, mabait sa'kin si Tito Felix, parang anak nadin kasi turing niya sa'kin.

Labis kong ikinagulat ang pagtawag niya, matagal nadin kasi nung last naming pagkikita, pagkakaalala ko ay twelve years old ako nung last kaming nagkita......five years na ang nakalipas.

"Condolences Lucio" Panimula ni Rave. Agad akong sumagot. "R-rave? ikaw ba yan?" Pagtanong ko. "Oo ako toh!, kamusta? matagal nadin nung last tayong magkita." Pagsagot ni Rave sa taning ko. Bigla nalamang akong natahimik, hindi ko din kasi alam kung anong isasagot ko.

Ilang minuti pa ay muling nagsalita si Rave sa kabilang linya. "Ahh Lucio, pupunta nga pala sila mama at papa dyan para tulungan ka sa pagpapalibing kay Tita Grace." Saad niya na naging dahilan ng pag-iyak ko.

Finally, may tutulong na sa'kin.

"Rave pakisabi sa parents mo thankyou..... thankyou talaga....sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin ko, halos mabaliw na ako kakaisip kung pano ko ipapalibing si mama" Saad ko habang bumubuhos ang luha sa mga mata ko.

Muling nagsalita si Rave. "Pasensya na Lucio, natagalan! ngayon lang kasi nakarating sa'min ang balita, kung nalaman lang namin ng mas maaga ay baka pumunta na sila papa dyan ng mas maaga."

I felt relieved sa mga oras na yon, atleast now alam kong may tutulong na sa'kin. Lumipas pa ang ilang araw at nailibing na ang mama ko. Umuwi narin sila Tito Felix at Tita Celine sa pilipinas, pero bago yon ay sinabihan ako ni Tito Felix na sumama na sakanila sa pilipinas, isang bagay na hindi ko naman tinanggihan dahil kinakailangan kong pumunta roon para ayusin ang mga papeles para maibenta ko ang rest house ni mama, yun kasi ang huling habilin niya sa'kin bago siya mawalan ng buhay. Hindi muna ako sumama kila Tito at Tita dahil inayos ko muna ang mahahalagang bagay na naiwan ng mama ko dito sa Uk.

*AFTER 3 MONTHS*

Nandito ako ngayon sa boarding house ko, mas pinili ko kasi na manirahan ng mag isa kaysa manirahan kila Rave, nakakahiya din kasi, dadagdag pa ako sa poproblemahin nila. Mayroon namang natirang pera si mama na nakalaan para sa'kin, yun ang ginagamit ko ngayon para sa pag-aaral ko.

Nag-enroll ako sa Riverdale State University. Temporary lang dahil babalik lang naman ako sa Uk after one year. Inaayos ko lang yung mga papeles nung rest house ni mama, bilin niya kasi sa'kin ay kapag nawala na siya ay ibenta ko iyon at ang pera ay gamitin ko para sa pag-aaral ko.

Wala pa akong nahahanap na potential buyer pero sa mga susunod na buwan ay paniguradong makakakuha din ako, mababa nalang kasi ang presyo ko doon, medyo kalumaan nadin kasi pero malakas parin naman ang pundasyon kaya pwede pang tirahan.

Ngayon, ang tanging problema ko lang naman ay yung kaklase kong si Naya, yung babaeng natamaan ko sa calle crisologo. At first akala ko hindi siya ganon kamaldita pero napatunayan kong mali ako ng bigla niya akong pakitaan ng tunay niyang ugali nung first day of classes. Dahil sakanya ay napagalitan ako ng adviser namin! isang bagay na pinaka iniiwasan kong mangyari!
Dahil sa kamalditahan niya ay seatmate ko na siya for the whole semester sa klase ni Ma'am Gonzales!

To be honest, she's beautiful. Kapansin-pansin ang magaganda niyang mga mata na sinabayan ng pag galaw ng mahaba niyang buhok. Kagandahang nakikita lang sa panlabas na anyo niya.

Hangga't makakaya ay pipilitin kong magtimpi sa pag-uugali niya, ayoko din kasing magkarecord sa principal office at baka magkaproblema pa ako sa pagkuha ng mga papeles ko pag aalis na ako ng Riverdale. Sisikapin kong lumayo sakanya, para sa reputation at para sa peace of mind ko.

Paths Bounded by RedWhere stories live. Discover now