02

40 11 0
                                        

Naya's POV
-1:23 PM-

CALLE CRISOLOGO

Ala-una na ng hapon bago ko narating ang Calle Crisologo, kumain na muna kasi ako sa malapit na restaurant para naman hindi ako mahimatay habang linilibot ko ang dream destination ko. Unang bumungad sa'kin ang napakalawak na kalye kung saan maraming tao ang kumukuha ng mga litrato nila gamit ang kanilang mga cellphone, naroon rin ang mga ancestral house na pinag daanan na ng napakaraming taon.
sa paglilibot ko ay agad kong nakita ang pinaka gusto kong gawin, ang sumakay ng kalesa.

Sumakay ako sa kalesa at inilibot naman ako nito sa iba't-ibang sulok ng Calle Crisologo, hanggang sa makakita ako ng mga tindahan na nagtitinda ng mga souvenir, sa puntong iyon ay naalala ko na nagpapabili pala si mommy ng souvenir dito sa Vigan, kaya naman ay bumaba na ako sa kalesa at inabot ang bayad.

Pumasok ako sa tindahan at nagtingin-tingin kung ano ang magandang ibigay kay mommy, yung totoo ay hindi ko alam ang bibilhin sakanya since hindi talaga ako magaling pumili sa mga ganyan. May nakita akong mga damit, kaya lang nag dadalawang isip ako kung bibilhin ko, hindi ko kasi alam mga gusto ni Mommy sa damit, moreon si Ysa kasi talaga ang pinapapili ko since same taste sila ni Mommy pag dating sa damit, mga tita outfits ba! and to be honest, minsan nga napapaisip ako kung ako ba talaga anak niya ba talaga ako kasi magkaibang magkaiba talaga kami, pero kahit ganon, okay naman relationship namin.

Dahil wala akong mapili ay napag desisyunan ko nalamang na lumabas na ng tindahan, pinagpatuloy ko ang paglilibot para sulit naman ang pag punta ko. Matagal din akong nagpalibot-libot sa Calle Crisologo, Sobrang ganda din kasi talaga ng lugar, para kang binabalik sa spanish era, feel ko tuloy ako si Maria Clara. "Florante, ang bawat sandali ika'y hindi ko kapiling, ay katumbas ng maraming taon saakin."

Ay gago! Florante at Laura pala yan! Haha sorry! ako kasi naging Laura back then nung play namin nung grade 8 kaya medyo naalala ko pa script ko. Sa paglalakad ko ay nakakita ako ng nagtitinda ng bagnet kaya naman ay bumili ako para may kakainin ako mamaya, mayroon din na empanada, which is my favorite kaya naman bumili ako ng tatlong piraso, at nagpatuloy na sa paglalakad.

Patuloy kong linibot ang Calle Crisologo kahit halos dalawang oras na akong pabalik-balik sa mga sulok nito, sa sobrang pagkamangha ko sa lugar ay di ko na napansin na mayroon palang naglalakad sa direksyon ng pinagkakatayuan ko kaya naman ay pareho kaming natumba at natapon ang mga pinamili kong pagkain!

Shet! yung empanada ko!

Dali-dali akong tumayo para damputin ang mga binili kong pagkain habang yung nakatama saakin ay kinukuha rin ang mga nahulog niyang gamit. Nang makuha ko na ang mga pagkain ko ay agad akong humarap sakanya para awayin. "Kuya! ano banaman yan! di kaba marunong tumingin sa dinadaanan mo!" Pagtataray ko nanaging dahilan ng pagtingin ng nakatama sa'kin.

Lalaki siya, sa tansya ko ay nasa 5,8 ang height, at maputi. Una kong napansin ang maamo niyang mukha, kasabay ng maganda niyang buhok na tila ba sumasayaw dahil sa hangin, sinabayan pa ng mga mata niyang tila ba nang aakit.

Halos limang minuto din kaming nagkatitigan hanggang sa nagsimula siyang magsalita. "Miss okay kalang?" Malumanay niyang tanong saakin. Sumagot naman ako ng malumanay. "H-ha? oo okay lang ako." Papalagpasin ko na sana yung ginawa niya pero bigla siyang nanumbat. "Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo!" Saad niya habang nagsusuplado sa'kin. Bigla naman nagkulo ang dugo ko "Teka lang nga! eh ikaw ang nakatama sakin! ba't ikaw pa galit!" Pagsagot ko sakanya.

Aba gago din pala toh, siya na nga may kasalanan siya pa pa-victim!

Sumagot ulit siya. "Anong ako! ikaw ang paharang-harang sa dinadaanan! ano! sarili mo ba ang daan!" malakas ang boses niya, kaya naman mas lalo akong nainis "Hoy lalaki! hindi porket gwapo ka ay di kita papatulan!"Pasigaw kong sabi habang tinitignan siya ng masama. Bigla nalamang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, bigla siyang nag smirk at unti-unting lumapit sakin habang tinitignan ako ng diretso. Umatras naman ako pero mas lalong binilisan niya ang paglapit kaya naman nakatama ako sa pader ng ancestral house na nasa harapan lang namin, dahilan para ma-corner niya ako.

Umiwas ako ng tingin at bigla siyang nagsalita. "You're moody" pagkatapos ay hinawakan ang aking mukha para iharap sakanya. "Exactly my type" Dagdag niya. Bigla akong natulala sa sinabi niya hanggang sa unti unti na siyang umatras at tumalikod sa'kin. Akala ko ay nakaalis na siya pero bigla siyang nagsalita. "It was nice meeting you Miss beautiful "Sabay kindat " I guess I'll see you when I see you."

See you when I see you? Aba! Fuck you!

Agad naman akong sumagot dahil sobra na akong naiinis sa pinagsasabi niya. "It was not nice meeting you! you jerk! Pasigaw na sabi ko habang iritadong tinitignan sya " Pipikit ako when that time comes" Tumawa siya ng malakas at tumalikod na sa'kin, ganon din ang ginawa ko dahil ayoko ng makita ang bwisit na lalaking yon! Binuksan ko ang cellphone ko at nakita kong 5:47 PM na, kaya naman ay dali-dali na akong pumunta sa address ng hotel na sinend ni Ysa sa'kin, ayoko kasi abutan ng gabi sa daan lalo na't hindi ako taga rito.

SATURDAY
-7:36 AM-

Saturday na ngayon. Ngayon narin ang last day namin dito sa Vigan. Naging maganda naman yung bakasyon namin, napuntahan namin yung iba't-ibang lugar dito sa Vigan especially the Syquia Mansion wherein marami kaming nakitang paintings na may significance sa history ng Vigan, napuntahan din namin yung Baluarte Resort and Mini Zoo wherein nag enjoy kami ng sobra dahil nakita namin yung mga kapatid ni Gino, yung mga unggoy Hahaha.

Sa RG jar factory naman ay tinuruan kami gumawa ng mga clay pots na mauuwi namin as souvenir, speaking of souvenir, nakahanap na ako ng perfect na damit for mommy na nabili ko while we're taking a quick stroll sa Plaza Salcedo. Pumunta nga din pala kami sa Hidden Garden nung thursday, para matry ang ilocano cuisine like bagnet and bagnet sisig, and also para makabili rin kami ng iba pang souvenirs na ibibigay namin sa families namin.

Overall, pinaka naenjoy ko nung pumunta kami sa Mindoro beach kasi very relaxing ng ambiance nung lugar, and napakaganda nung beach, as in sobrang linaw ng tubig and napakaganda ng view ng sunset doon but ofcourse! special yun kasi kasama ko ang mga kaibigan ko.

Naging okay naman yung vacation namin, lahat kami nag enjoy, lalo na ako, maliban lang dun sa part na nakakilala ako ng bwisit na lalaki sa Calle Crisologo. Sana ay hindi ko na makita ang pagmumukha niya dahil bwisit na bwisit ako sakanya, pero sabi nga nila, don't let a stranger ruin your vacation, kaya para dun sa lalaking nambwisit sakin! sorry! hindi ka ganon ka importante para masira ang bakasyon ko ng dahil sayo!

Furthermore, lahat na kami ay nakaayos na ng gamit, nilinisan narin namin ang kwarto namin dahil isinabuhay namin ang CLAYGO or clean as you go, though hindi sa restaurant ay pareho lang naman yun! mas better nadin kasi, para mabawasan na ang tatrabahuhin ng mga staff dito, and they've treated us very well naman kaya yun nalang ang way namin to repay them.

Sinara na namin ang pintuan ng kwarto at pumunta sa malapit na terminal, naroon kasi ang sasakyan namin pabalik sa Laoag Ilocos at pag nandon na kami ay sasakay ulit kami ng jeep pabalik sa Manila. Ngayon palang ay naiisip ko na kung ano ang mangyayari sa monday. Sana ay maging maganda ang first day namin sa Riverdale University at sana classmates padin kami ng mga bestfriends ko. Kung magkataon na hindi ko sila kaklase baka mabaliw ako lalo na't hindi ako friendly at lapitin ng gulo. Pero kung ano man ang mangyari, isa lang ang masasabi ko! RIVERDALE UNIVERSITY! I AM READY FOR YOU!

Paths Bounded by RedWhere stories live. Discover now