Naya's POV
-5:37 AM-
SECOND DAY
Nagising ako ng maaga, kailangan ko pa kasi maghanda para sa second day ng klase. Kahit nalibang ako kahapon nung kasama ko si Thirdy ay hindi parin mawala sa isip ko yung nagawa ko. Kaya naman ay sobra ang kaba na nararamdaman ko ngayon! napapaisip tuloy ako kung papasok ako! pero ngayong araw kasi papasok si Sir Alfonso! and nakasabi na ako kay Thirdy na pupunta kami sa library after class!
Siguro ay hindi ko nalamang papansinin si Lucio, nang saganon ay unti-unti niyang makalimutan yung ginawa ko.
Nagmadali na akong lumabas ng kwarto at bumaba para magbreakfast. Nakita kong nagluluto si ate Linda kaya naman ay lumapit na ako sakanya at nagtanong kung ano ang linuluto niya. Sumagot naman siya ng malumanay. "Sinangag, itlog, at longganisa po"
Labis naman akong natakam sa linuluto niya kaya naman ay hindi na ako umalis sa tabi niya at hinintay na matapos siyang magluto. Nang matapos na sa pagluluto si ate Linda ay agad na akong kumain at pagkatapos kumain ay agad ng umakyat para maligo at mag-ayos ng sarili.
Tapos na akong mag-ayos kaya naman ay nagpahatid na ako kay kuya Isko sa Riverdale. Sa biyahe ay nagsuot nalamang ako ng earpods nang saganon ay mawala ang kaba na nararamdaman ko kasi music really helps me kapag sobrang bigat ng nararamdaman ko.
Nakarating ako sa Riverdale around 7:08 AM, kaya naman ay napag-isipan kong maglakad-lakad na muna kaysa pumunta sa classroom namin dahil masyado pang maaga para sa first class namin at baka wala pang ibang student doon.
Sa paglalakad ko ay napansin kong maraming estudyante ang nakukumpulan sa daan. Mayroon akong naririnig na nagsasalita gamit ang mic pero hindi ito gaano kalinaw. Dahil nagtataka ako kung ano ang kaganapan ay minabuti kong lumapit para malaman.
Maraming estudyante ang nakapalibot kaya naman ay nahirapan akong makasiksik para malaman kung ano o sino ang nagsasalita. Tanging ingay na nagmumula sa iba't-ibang estudyante ang nangingibabaw kaya naman ay napagdesisyunan kong umalis nalamang at ipagpatuloy ang paglalakad.
Sa paglalakad ko ay dinala ako ng aking mga paa sa open field, kaya naman ay naalala ko yung nangyari kahapon. Mas minabuti kong umalis na don dahil mas lalo lang akong kinbahan. Tinignan ko ang oras sa phone ko. It was already 7:46 AM, malapit na ang first class ko kaya naman ay napag-isipan ko ng pumunta sa building namin.
Kinakabahan man ako, ay kailangan kong gawin! Ma'am Gonzales is very strict! one of her rules is never be late, kaya naman ay nagmadali na akong maglakad, base din kasi sa mga nakausap namin nila Ysa sa librarary kahapon na naging students ni Ma'am Gonzales ay laging on time si Ma'am, and once ma-late ka ay hindi kana pwede pumasok sa klase niya! you will wait two hours sa hallway and worse ay dinadala niya daw si Dean's office!
Maging ako ay saksi sa pagiging strikto niya! first day panga lang pinarusahan niya na ako!
-7:52 AM-
GAS BUILDING
Nakarating na ako ng building namin at kagaya ko ay marami ding estudyanteng nagmamadaling makapunta sa classroom nila. Paakyat na ako ngayon sa hagdanan ng biglang may makatama saakin na naging dahilan ng pagtumba ko at pagkatapon ng mga dala kong gamit. Nag sorry naman yung nakatama sa'kin pero hindi man lang ako tinulungan damputin ang mga gamit ko!
Dahil ilang minuto nalamang ang natitira sa'kin bago magsimula ang klase ko ay nagmadali akong damputin ang mga gamit ko, pero ilang segundo lang ang lumipas ay bigla nalamang may huminto para tulungan akong damputin ang mga gamit ko. Nang tuluyan nang makuha ang buong gamit ko ay agad kong liningon kung sino ang tumulong sakin at doon bumungad sa'kin si Thirdy.
Nakangiti siya sa'kin at inabot ang mga nahulog kong gamit. Nginitian ko rin naman siya at nagpasalamat pero dahil nga malapit na mag alas otso ay inaya ko na siya at nagmadali kaming pumunta sa classroom namin.
7:59 am ang oras sa cellphone ko ng marating namin ang classroom namin, naghihingalo kami dahil sa pagtatakbo. Sa pagpasok namin ay agad kong napansin ang pagtitig ng mga kaklase ko saamin ni Thirdy, pero hindi ko nalamang binigyan ng atensyon yon.
Naglakad ako sa unahan para pumunta sa upuan ko. Naroon na si Lucio, nagsusulat siya sa isang kapirasong papel na ipinasa niya kay Basti. Umupo ako sa tabi niya pero hindi niya man lang ako liningon. Mabuti naman para mabawasan ang interaction naming dalawa.
Tumingin ako sa paligid. Naroon nadin sila Ysa at Mela, maging ang lahat ng kaklase ko. Tahimik lamang silang lahat kaya't mas minabuti kong manahimik nalang din.
Pagdating ng alas otso ng umaga ay doon na pumasok si Maam Gonzales, totoo nga ang sinasabi ng mga seniors namin! hindi nga siya nale-late. kinuha niya ang isang libro sakanyang bag at binuksan ito.Ilang minuto pa ay bigla siyang natigil, isinara niya ang libro at pumunta sa harapan namin. Binilang niya kaming lahat at ng makumpirma niyang kompleto na kami ay saka na siya nagsalita. "Goodmorning Class! today is your second day as a senior high school student! and to make your class more organize! we will be having our election of officers!"
Pakarinig ko noon ay agad akong tumingin sa direksyon ni Ysa, panigurado kasi na gugustuhin niyang maging class president ng klase namin. Nang simulan na ang nomination ay agad kong itinaas ang aking kamay para i-nominate si Ysa, yung iba ko namang mga kaklase ay ninominate sila Archie at Kisha at pagkatapos ay sinimulan na ang pagpipili.
Nagkaroon ng eighteen votes si Ysa, nine naman kay Archie at seven naman kay Kisha. Isinulat na ang pangalan ni Ysa sa blackboard bilang president ng klase. masayang naman itong tinanggap ni Ysa. Agad siyang pinapunta ni Ma'am Gonzales sa unahan para pamunuan ang nagaganap na election.
Naging maayos ang flow ng election, Naging parte ng mga officers sina Archie, bilang vice president. Kisha, bilang secretary. Mikha bilang treasurer. Marco at Mela, bilang business managers, at Basti, bilang PIO. Mag no-nominate na sana kami for muse and escort ng bigla kaming pigilan ni ma'am Gonzales.
Muli siyang pumunta sa harapan namin at nagsalita. "Everyone, no need to elect a muse and escort. I already have someone in mind!" Pagkatapos niya itong sabihin ay tumingin siya sa'min ni Lucio.
Agad akong kinabahan sa tingin ni ma'am na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Muling nagsalita si Ma'am Gonzales at sa puntong yon ay alam ko na ang sasabihin niya.
"Ms Amor, and Mr. Franshawe, will be the muse and escort of this class!"
-10:51 AM-
BWISIT! Sigaw ko habang naglalakad kami nila Mela palabas ng Riverdale. Maaga kasi kaming pinauwi ni Sir Alfonso dahil may importante parin daw siyang gagawin ngayong araw. Palabas na kami ng Riverdale dahil inaya ko silang pumunta sa Aquino park para doon muna kami magpalipas ng oras at para nadin kumain ng ice cream.
Mainit kasi dugo ko ngayon! pano banaman! si Ma'am Gonzales! ginawa banaman kaming Muse and Escort ni Lucio! mas lalo tuloy akong madidikit sakanya!
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating na namin ang gate ng Riverdale. Pakalabas namin sa gate ay agad na naming nakita ang aquino park. Malaki ito at napapalibutan ng malalaking puno. Sa mga gilid din nito ay mayroong mga vendor na nagtitinda ng iba't-ibang mga pagkain kaya naman ay nagmadali na kaming pumuntang tatlo para nadin makabili kami ng ice cream.
Sa pagpasok namin ay bumungad saamin and isang napakalawak na park. Maraming bata ang nagsisitakbuhan at mayroon ring mga alagang aso na pinapasyal ng kanilang mga may-ari. Agad kaming umakyat sa hagdanan at naghanap ng available na bench para doon kami magpahinga.
Sa paghahanap ay nakita namin ang isang bench na nasa ilalim ng isang malaking puno ng Mangga. Dito kami umupo dahil natatabunan nito ang init. Dahil ako ang nag-aya ay ako na ang nagsabing bibili ng ice cream. Ikinatuwa naman ito nila Mela kaya naman ay nagmadali na akong pumunta sa Ice cream cart.
Pakababa ko ay hindi ko namalayang nakaapak ako ng bato na naging dahilan ng pagtumba ko. Pero sa pagtumba ko ay hindi ko rin namalayang may natamaan ako. Agad akong humingi ng sorry pero wala itong naging reaskyon kaya naman ay itinaas ko ang mukha ko at laking gulat ko sa nakita ko!
"WHAT THE FUCK!"
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Paths Bounded by Red
Любовные романыShanaiah Leandra Amor, an upcoming Grade 11 student, decided to take the General Academic Strand in Riverdale State University. This new chapter of her life introduces her to Luciano Franshawe. The one who's determined to help her change for the be...
