05

35 12 0
                                        

Naya's POV
-1:27 PM-

Narito ako ngayon sa hallway palabas ng Riverdale, natatanaw ko na ang gate kaya binagalan ko na ang paglalakad. Siguro naman ay walang nakasunod saakin. Konti lamang ang mga estudyanteng dumadaan dito sa hallway, yung iba ay nagmamadaling pumasok habang ang iba naman ay nagsisitawanan! pakiramdam ko tuloy ay ako ang pinagtatawanan nila, hindi din kasi biro ang ginawa ko kanina kaya baka may gumamit ng cellphone nila para kumuha ng video at inupload online.

Yumuko nalamang ako at sinubukang wag nalamang silang pansinin pero hindi ko parin maiwasang mahiya sa ginawa ko. Nagmadali akong naglakad para iwasan sila. Nang malapit na ako sa gate ng Riverdale ay bigla nalamang may sumisigaw sa likuran ko. mas minabuti ko itong wag pansinin pero papalapit ng papalapit ang sumisigaw.

"Naya!"
"Naya!!"
"Naya!!!"

Tatlong beses niyang ulit. Dahil narinig kong pangalan ko ang isinisigaw ay mas lalo akong kinabahan. tatakbo na sana ako ng biglang may humatak sa kamay ko na naging dahilan ng pagharap ko. Sumalubong sa'kin ang isang lalaking pakiramdam ko ay nakita ko na dati. Matangkad siya, may maamong mukha, singkit, at maputi.

Labis akong napahanga sa facial features niya, kaya naman ay hindi ko namalayang limang minuto na pala akong nakatingin sakanya. Binitiwan niya ang kamay ko at nagtanong. "Uhm, You're Naya right?" Tanong ng lalaki sa'kin. Agad naman akong sumagot. "A-ah, oo, bakit?" Mautal-utal kong sabi. Ngumiti siya at inabot niya ang kamay niya at nagpakilala. "I'm Thirdy, we're classmates, I don't know if nakita mo ako kanina sa classroom pero ako na-notice kita, lagi ka kasi napapagalitan ni Ma'am Gonzales."

Labis akong nabighani sa ngiti niya kaya naman pinuri ko ito. "Ang ganda naman ng ngiti mo." nasiyahan siya sa sinabi ko kaya naman ay nagpasalamat siya at napansin kong mas lalong lumaki ang ngiti niya. Napansin kong may kinuha siya sa bag niya at iniabot ito saakin. Labis akong nagulat sa nakita ko! yung tumbler ko! bakit nasakanya! Magsasalita na sana ako pero inunahan niya ako. "Nakita ko yung tumbler mo kanina sa desk mo, naiwan mo kaya naman kinuha ko para hindi mawala, ibibigay ko sana sayo bukas pero nakita kita ngayon sa hallway kaya't nagmadali ako para maabutan ka."

Naiwan ko pala! hay nako!

Agad naman akong nagpasalamat at nginitian niya naman ako. Aalis na sana ako ng bigla niya akong pinigilan at nagsalita. "By the way Naya, pupunta nga pala ako sa Caffè Amore, yung malapit na cafe dito, gusto mo ba sumama?" Tinignan ko siya ng mabuti, mukhang hindi naman siya gagawa ng masama. Sumagot ako sa tanong niya. "Sige, wala naman akong gagawin this afternoon eh" Pagkatapos ay sabay na kaming pumunta sa Caffè Amore.

Lucio's POV
-10:23 AM-

AROUND FIELD

Magkasama kami ngayon ni Basti, naglalakad-lakad kasi kami, masyado pa kasing maaga kaya't napag-isipan na muna naming maglakad-lakad at kabisaduhin ang bawat sulok ng Campus, para naman ay hindi kami maligaw sa mga susunod na araw.

Malawak ang Campus at madaming malalaking puno kaya naman ay napakagandang maglakad-lakad kapag walang ginagawa. Galing din kami kanina sa Library dahil may hiniram na libro si Basti, tungkol ata sa Earth and life Science, mag aadvance study ata siya and nabanggit niya din na mahilig siya magbasa ng mga libro tungkol sa Science kaya sinamahan ko nalang siya.

Narito kami ngayon malapit sa open field. Marami kasi ang nagtatry-out para makapasok sa varsity. Inaya ko si Basti na maghanap ng bench para doon muna kami magpahinga. Pumayag naman siya at sabay kaming naghanap. Sa pagtingin-tingin namin ay mayroon kaming nakitang bakanteng upuan malapit sa mga nagta try-out, kaya naman ay kumaripas na kami ng takbo para hindi na kami maagawan.

Naghihingalo kami ng makaupo sa bench, para kasi kaming mga bata na nag aagawan ng laruan. Bigla nalamang kaming natawa ni Basti sa pinag gagagawa namin. Nang kumalma na kami ay bigla nalamang nagsalita si Basti. "Lucio, sino ba yung babaeng kaaway mo kanina?" Pagtatanong ni Basti na tinawanan ko nalamang. Tinanong niya ulit ako kaya napilitan na akong sumagot. "She's just a girl that I bumped into nung nasa vigan ako"

Agad namang sumagot si Basti habang tinutulak-tulak ako ng mahina "Wow! destiny" Tinawanan ko siya at sumagot. "Destiny your ass! mas gugustuhin ko pa mamatay kaysa makatuluyan yun." Pagkatapos ay tumingin ako sa field. Pinagpatuloy parin ni Basti ang pagbibiro niya pero tinatawanan ko nalang siya hanggang may sinabi siya na nagpa isip sakin. "Pero seryoso Lucio, If fate brought you guys together, then maybe the both of you have a connection" Pagpipilit sa'kin ni Basti.

Napaisip ako sa sinabi niya, may possibility kaya na meron nga akong koneksyon sa babaeng yun? Halos ilang minuto rin akong natahimik kakaisip sa sinabi ni Basti, habang siya naman ay nagpatuloy na sa pagbabasa ng hiniram niyang libro. Ilang minuto pa ay bigla nalamang kaming natigil sa ginagawa namin ng biglang may lumapit saamin at nagsalita. "Mga iho, gusto niyo bang maging varsity? nag tatry-out kasi kami ngayon para sa bubuohin naming team." Saad ng matandang lalaki na lumapit saamin.

Agad naman kaming nagtinginan ni Basti, pero binalik namin ang tingin sa lalaki at nagsalita si Basti. "Football po ba ang laro?" Agad namang sumagot ang lalaki. "Oo mga iho" Tinignan muna ako ni Basti bago magsalita. "Hindi po ako marunong mag football pero baka siya po marunong." Sabay turo saakin.

Tumingin naman ako sa lalaki at muli niya akong tinanong. Matagal na nung last time na naglaro ako ng football kaya nagdadalawang isip ako kung maga try ako, pero napansin ko rin na konti lamang ang nasa field, kaya siguro sila naghahanap. Magsasalita na sana ako ng bigla akong putulin ng lalaki. "Ay oo nga pala, hindi pa pala ako nagpapakilala, ako nga pala si Coach Angelo Vergarra, matagal na akong nagha-handle ng football players, kaya if maga try-out ka at makukuha ay rest assured na you're in good hands" Patuloy na paghihikayat ng lalaki habang nakangiti.

Since wala naman akong masyadong ginagawa ay napag-isipan ko na tanggapin ang alok niya. Hindi naman ata ito makakaapekto sa pag-aaral ko at para nadin malibang ako. Pumunta na kami sa field at pinahiram ako ng damit para makalaro ako ng maayos.

-1:16 PM-
OPEN FIELD

Natigil ang laro namin dahil may natamaan yung isa sa mga kasama ko mag try-out. "What the fucking fuck?!" Inis na Sigaw ng babae habang tumatayo pero bigla ring natumba dahil sa pagkahilo. Agad kaming lumapit para tulungan yung babae pero bago paman ako makalapit ay agad itong tumayo at lumapit sa'kin sabay sinuntok sa mukha ko.

Nabigla ako at napaatras. Napansin ko rin na
mayroong dugong tumutulo sa labi ko. Agad kong tinignan kong sino ang babae at laking gulat ko sa nakita ko! Talagang mapaglaro ang tadhana! si Naya! ang babaeng toh nanaman!

"Ganyan ka ba talaga kainis sa'kin at nagawa mo pa akong saktan physically? Alam kong sinadya mo yun! Nakita mong dadaan kami ng mga kaibigan ko!" Galit na galit na sigaw ni Naya habang dinuduro ako.

Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Ganyan rin ba kakitid ang utak mo para sugurin ako at basta basta nalang susuntukin kahit hindi ka naman nakakasigurong ako nga ang nakatama sayo!" Galit na galit na sabi ko.

Dahil sa pagsasagutan namin ay unti-unting nagsilapitan ang mga tao pero hindi ko yun pinansin dahil kay Naya lang ako nakatingin! inis na inis na ako sa babaeng toh!

Magsasalita pa sana siya ng biglang putulin ni Marco ang sasabihin niya. "U-uhm, Miss, I'm sorry, ako yung nakatama sa'yo. P-Pero maniwala ka hindi ko naman sinasadya. Hindi ko kasi napansin na may dadaan kaya napalakas ang pag sipa ko"

Nang marinig yon ni Naya ay biglang nawala ang galit sa pagmumukha niya. Tumingin siya sa'kin pagkatapos ay tumingin siya sa paligid. Napansin niya ata na napakaraming tao na ang nakapalibot sa'min kaya naman bigla nalamang siyang kumaripas ng takbo kahit tinatawag pa siya ng mga kaibigan niya para bumalik.

Humingi ng pasensya sa'kin yung dalawa niyang kaibigan pero sinabihan ko nalamang sila na ayos lamang yon. Humingi rin ng pasensya si Marco pero pareho lang ang sinabi ko, wala din nama kasi siyang kasalanan. Pagkatapos ay unti-unti ng nagsi-alisan ang mga tao at nagpatuloy na kami sa paglalaro.

Alas kwatro na ng hapon ng matapos ang try-out namin at pareho kaming napili ni Marco para maging Varsity. Pauwi na ako ngayon sa boarding house ko. Yung sinabi ko kanina sa klase na nakatira ako sa bahay ng tito ko ay gawa-gawa ko lang. Mas gusto ko kasing mag-isa para masanay na ako besides yun nadin naman magiging takbo ng buhay ko.

Paths Bounded by RedWhere stories live. Discover now