Chapter 33: No Escaping the Deadly Rose

The day started normally. No dragging arms. No ambush gangster attack. No assassinations. No bloods and wounds. I only got books and pen, notebooks and this fancy uniform. It was a very normal, boring day until I entered Arturia’s cafeteria. It was actually a very feminine and comfy place, except everyone was staring at me.

Nang makakuha na ako ng pagkain ay pinili kong maupo sa pinakamalapit na bakanteng upuan at mesa. I saw Maggie talking to another group of students. Saka ko lang napansin ang grupo ng mga nakabangga ko kahapon na kumakain sa di-kalayuan mula sa akin. Tinapunan nila ako ng tingin habang nag-uusap. Tahimik namang kumakain si Henrietta Arturia. She was very pretty and elegant even with her school uniform. At di katulad ng mga kasamahan niya, hindi man lang siya lumilingon sa direksyon ko.

Lumapit si Maggie sa mesa ko at saka umupo sa harap. “Everyone knows what you did yesterday and they are very curious about you.” That stopped me for a moment at sinikap kong huwag salubungin ng masasamang tingin ang mga estudyante sa paligid ko.

Huminga ako ng malalim at saka ngumiti kay Maggie. “Curiosity kills.” I bit my pepperoni pizza. Mukhang masarap gumawa ng pizza ang cafeteria ng school.

“Well, dito kasi, once na naging against ka sa isang high-profiled na estudyante, nagiging against din sa’yo ang lahat. Pag-uusapan ka at ang lahat ng bagay na pangit tungkol sa’yo,” sagot ni Maggie. Sa isang normal na sitwasyon, wala akong paki-alam sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa akin. Subalit rito, kailangan kong isipin si Autumn. Kailangan kong maalala na president ng Student Council ng Arturia ang kapatid ko. Kailangang tuparin ko ang pangako kong hindi na gagawa ng gulo.

I smiled a sweet, fake smile. “Hindi ko naman intension na sumalungat at maghamon ng gulo kay Henrietta Arturia. Isa lang akong transferee at ang tanging pakay ko lang ay mag-aral.” I gritted my teeth. This sucked.

“Naiintindihan kita, Summer. Pero hindi basta-basta maakalimutan ng lahat ang nangyari kahapon.”

I looked at her. “So, what do I have to do?” Tanong ko.

“Apologize, maybe?” Sagot niya. I dropped my pizza on my plate at nilingon ang direksyon ni Henrietta Arturia. Ganun pa rin siya tulad kanina. Tila walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.

“Wala akong ginawa na dapat kong ihingi ng tawad,” seryoso kong sabi.

“Well, we both know that. But if you want to prevent any trouble from happening, then sa tingin ko, mas mabuti na ang hakbang na ito. Dahil kung ang magiging katapat ng pangalan mo ay ang pangalang ‘Henrietta Arturia,’ kahit anong gawin mo, talo ka,” paliwanag niya. Para sa isang duwag na nilalang, masyado siyang maraming sinasabi. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at saka naglakad tungo sa di-kalayuang mesa kung saan naroon at tahimik na kumakain ang taong tila mataas na pader kung ilarawan ni Maggie.

Naramdaman kong tumigil ang nakararami sa kanilang ginagawa at ibinuhos ang atensyon nila sa direksyon ko. Mukhang kahit na anong gawin ko ay hindi na mawawala ang pares ng matang nakabantay sa akin. Lumapit ako sa grupo ni Henrietta at tumayo sa likuran niya. Everyone didn’t flinch as if this was a scene in a movie they wouldn’t want to miss. Well, almost everyone. Henrietta seemed unconcerned about what was happening around her.

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!