My Boyfriend Cheated On Me With My Bestfriend

6.8K 68 12
                                    

Akala ko talaga na magtatagal kami ni Jacob gaya ng ineexpect ko. Pero hindi pala.



Ganun talaga siguro ang buhay, may darating at may aalis. Siguro dapat na masanay. Dapat siguro maging handa. Pero paano ka magiging handa sa mga pangyayaring hindi mo inaasahang mangyari sayo? Hindi mo naman pwedeng pigilan ang lahat.



Kung nasaktan ka, edi masaktan. Parte na ng buhay natin yan. Tsaka sabi nga daw nila, hindi ka nagmamahal kung di ka nakakaramdam ng sakit or di ka makakaranas ng sakit.




May ibang tao na, nasaktan din tulad ng nangyari sakin. MAy ibang nagpapatawad, may ibang hindi nila matanggap. May ibang naghihiganti, may ibang nagbabago ng dahil lang sa naranasan nioang sakit. Iba iba kasi ang nararamdaman ng bawat tao eh. Kung sa panglasa pa, may sweet, may bitter, at iba pa.







Pero minsan, nagpapasalamat din tayo sa mga taong nakasakit satin, kasi kung di dahil sa kanila di mo makikilala yung taong magmamahal sayo ng tapat.




















Alam kong masaya na si Nicole at Jacob. Masaya na din naman ako para sa kanila eh, kasi pareho ko silang mahal bilang kaibigan. Kahit na ginawa nila sakin yun, hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanila kasi naging parte ma din sila ng buhay ko. Si Nicole? Hindi ko nga maisip na ginawa nya yun sakin eh. Nung una di ko matanggap, pero sa huli natanggap ko din kasi alam ko na doon sasaya ang kaibigan ko. Kahit sa tingin ng ibang tao mali ang ginawa nya sa una, di naman namin sila masisisi kasi di nila alam ang buong kwento.





Bat ko sila pinatawad? Kasi gaya nga ng sabi ko, diyos nga nagpapatawad, ako pa kaya na tao lang. Lahat naman tayo kailangan magpatawad, pero nasa tamang oras at panahon. Hindi ka naman minamadali eh. GAya nga ng sabi ko, kailangan ng oras at tamang panahon para dyan.










At lastly, ako? Masaya na ako kasi alam kong masaya na ang taong nakapaligid sakin. Masaya din ako kasi andyaan ang pamikya ko para sakin, lalo na si Kyle. Alam kong may tamang tao na nilaan para sakin. At sana, sana si Kyle na yun. :)



















End.

My Boyfriend Cheated On Me With My Best FriendWhere stories live. Discover now