Chapter 6 (School Days)

3.7K 84 1
                                    

Ginising ako ni mommy kasi ma lalate na ako sa school. 7:30 na nila ako ginising. Kasi naman! Hays. Ayoko din namang umabsent noh! Kaya dali dali akong tumakbo sa banyo para maligo. Tapos bumaba para kumain. Nag commute na lang din ako kasi wala si kuya at daddy. Walang maghahatid sakin.

Nakarating ako ng school bandang 7:55. Grabe, sobrang late na ako. Pumasok na ako sa gate. Buti wala yung guard at hindi na confiscate yung I.D ko. Hahaha! May bayad kaya pag kukunin mo na I.D mo. Sayang din yung 25 noh! Kumaripas ako ng takbo papuntang classroom. Nung nakarating ako ng pinto, swerte, walang teacher pero parang may ginagawa silang activity.

"Athena! You're late!" Sigaw ni Pat

"I know. I know. I'm sorry." I replied

Pumasok na ako at tumabi na kay Jacob. Halatang busy na busy sya sa ginagawa nya.

"Jacob" bulong ko

"Late ka. May parusa ka sakin" seryosong sabi nya

"Huh?" Pagtatakang tanong ko

"Ang hirap kaya ng seatwork! Buti na lang nagpaturo ako kung pano gawin to" pagrereklamo nya

Natawa lang ako sa reaction nya kasi para syang bata na nagrereklamo. Kamot pa sya sa ulo nya tapos nag pout. Hahahaha!

"What's funny Athena?" Pagtatakang tanong nya

"Nothing. Oh sige, anong parusa ba?" Sabi ko sabay tawa

"Lilibre mo 'ko ng waffle mamaya sa canteen"

"Ok" I replied

Sus! Waffle lang pala eh. Hahaha! Sisiw. Natapos na ang second subject. Pumunta na kami sa canteen para maka bili ng waffle ni Jacob at para makapag break na din. Habang naglalakad, tinanong ako ni Nicole

"Athena, ok ka na ba?" She asked

"Yes. Why?"

"Yung nangyari kahap--"

"Forget about what happen yesterday Nics. It's not your fault, ok?" I replied then kissed her on her cheeks.

"How about me?" Pat pouted

"Of course." Then I kissed her too

"Eh ako?" Jacob added

Nagulat ako. Grabe! Sya? I-kikiss ko? Baliw na din ba 'tong lalaking 'to?!

"Joke lang" sabi nya

Nakahanap din kami ng vacant table sa canteen. Tapos binilhan ko na din si Jacob ng waffles nya. Habang nag uusap kami, napunta sa lovelife ang topic namin.

"So Jacob, may girlfriend ka na ba?" Patricia asked

"Ako? Wala eh." Jacob replied "Eh ikaw Pat"?

"Ako? Boyfriend wala, crush meron" sagot nya tapos tawa ng nakakaakit

"Eh ikaw Athena?" Jacob asked me

Napatigil ako sa tanong nya. Kamusta na nga ba lovelife ko? As far as I know, mahigit years na din akong single. May mga nanliligaw naman sakin, kaso ayoko pa. Sguro takot masaktan ulet? I don't know!

"Sus! Wala muna sa vocabulary ko ang mga ganyan ganyan." I replied

"Wag magsalita ng tapos Athena" Singit ni Nicole

Sa sinabi ni Nicole, wala ni isa samin ang umiimik. Tahimik lang kaming kumakain ng biglang tumunog ang bell.

"Let's go" Anyaya samin ni Pat

"Tara" Jacob replied

Habang naglalakad kami oabalik ng classroom, bigla akong napa-isip. Oo nga, wag dapat ako magsalit ng patapos. Oo, may mga nanliligaw sakin pero bakit nga ba hindi ko sila ina-appreciate. Bakit? Kasi ako ang may problema? Kasi takot akong masaktan ulet tulad nung ginawa sakin ni DJ? Pero paano ako magiging malaya kung ako mismo ang nagkukulong sa sarili kong takot?

My Boyfriend Cheated On Me With My Best FriendWhere stories live. Discover now