Chapter 11 (Him)

2.6K 73 0
                                    

Nagising na ako dahil ginising ako ni mommy. Nagpaalam ako sa kanya na pwede bang lumabas ako para sa project. Buti na lang at pumayag sya. Naligo na ako, at nag bihis.

To: Jacob Padilla
Jacob pinayagan ako ni mommy. :)

*sent*

Umupo muna ako sa sofa, hinihintay na mag reply si Jacob. Ilang minuto din bago sya mag reply. Aist! ang tagal.

Vibrate...
Vibrate...

From: Jacob Padilla
Nice! Saan tayo magkikita? :)

To: Jacob Padilla
Sa simbahan na lang. :) Pupunta na ako. See you! :)

*sent*

Hindi ako excited na makita sya ha? Hahahaha! Osge na nga! Oo na! Excited na akong makita sya. Hahaha. Lumabas na ako ng bahay at naghanap ng taxi. Nakarating ako ng simbahan bandang 9:30. Hindi nga ako excited, diba? Hahaha. Nakita ko yung mga bata na bihis na bihis. Hindi na sila msayadong madungis. Di kaya si Jacob ang may gawa nito? Ang bait nya talaga.

"Hi ate Ganda bait!" Sigaw ng mga bata palapit sakin

"Hello" sabi ko sabay ngiti. "Nakalimutan kong bumuli ng pagkain nyo. Ano? Bili muna tayo?"

Pero instead na sagutin yung tanong ko, tumakbo sila sa likod at para bang may pupuntahan. Paglingon ko, si Jacob ang dumating. Napangiti na lang ako sa reaction ng mga bata, kasi hinila nila si Jacob palapit sakin.

"Kuya Gwapo Bait, sya si Ate Ganda Bait" natutuwang sabi nila

Tumawa lang ako. Ang cute kaya nila. Hihi

"Ikaw?" Nagtatakang tanong ni Jacob

"Anong ako?" Pabirong sabi ko

"Ikaw yung Ate ganda bait nila?"

"Bakit? May angal ka ba?"

"Wala." Nakangiting sabi nya

Magsasalita na sana ako ng biglang may tumawag sa pangalan ni Jacob. Paglingon ko, babae. Maganda, matangkad. Basata pang Miss Universe. Bigla akong nawalan ng gana. Bakit nga ba?! Hmmp!

"Jacob!" Maarteng sabi nya

"Jade!" Sagot ni Jacob

Ano?! Sa harap ko sila maglalandian?! Uuwi na lang ako! Pero, joke Lang. Ayoko magpahalata noh!

"Uhm, Athena. This is Jade. My cousin." Sabay smile nya

Cousin!! Hahahaha! Ang oa mo kasi Athena. Cousin nya lang pala yang si Jade. Kung maka react ka, wagas! Selos ka lang eh! Ako?! Hindi ah. Syempre joke lang yun.

"Cous-cousin. He he he" sabi ko

"Oh?! Ikaw si Athena?! I heard so much abou--" MAsayang sabi nya pero bigla na lang tinakpan ni Jacob yung bibig nya

"Shut up Jade" Seryosong sabi ni Jacob

"Ok. Ok" sabi ni Jade sabay taas ng dalawa nyang kamay

Tumawa na lang ako. Ang cute nilang tignan eh. Nagsimula na kami sa project. Malapit na kami matapos. Ayoko pa umuwi. Hays! Habang busy kami sa pagsusulat ni Jacob, biglang nagsalita si Jade.

"Jacob. Babalik na lang ako, nag text sina Pau sakin. Athena, punta tayong bahay mamaya. Birthday ng mommy ko eh. Wag kang tatanggi. Love you" sabi nya sabay alis

Hindi pa nga ako nagsalita eh. Text ko na lang si mommy? O uuwi pa ako? Text ko na lang. Hahaha!

"Pano yan?" Tanong ni Jacob

My Boyfriend Cheated On Me With My Best FriendUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum