Chapter 20 (Flashback)

2.5K 56 0
                                    

Nagulat ako sa tinanong ni Jacob. Sasagutin ko ba? Syempre oo kasi may karapatan syang malaman dahil parte na sya ng buhay ko. Syempre hindi kasi wala na din naman yun. Pero, gaya nga ng sabi ko kanina, parte na din sya ng buhay ko. Wala na din naman yun eh. Kumbaga, kwento na lang yun.

"Sigurado kang gusto mong malaman?" Umupo ako

"Oo babe. Makikinig ako. Hindi ako magsasalita. Tsaka na lang ako mag rereact pag sinabi mong ok na. Tapos ka na mag share." Sabi nya

"Ok"

--

Flashback.. Flashback.. Flashback.. Flashback..

Pauwi na ako galing school. First year pa lang ako noon eh. Sa makalawa na yung anniv namin ni Dj. Akalain mo yun? Nagtagal kami. 2 years. Oh diba?

Nung makarating ako sa bahay, nakita ko si kuya sa pool side. Nilapitan ko sya, parang problemado kasi eh.

"Kuya, ok ka lang?"

Halatang nagulat sya sa presence ko.

"Huh? Oo Athena. Yung snack mo nasa loob. Kumain ka na doon. Puntahan ko lang ate Maegan mo"

Pumunta akong kitchen at dinala na lang sa kwarto ko ang meryenda. Nagbihis na ako, at naupo na sa harap ng computer. Nag open ako ng fb ko at nakita kong naka ol si Dj. Nag chat ako sa kanya pero hindi ako pinapansin.

DJ Soriano
Hi mahal..

*sent*
✔Seen 05:18pm

Dj! Pansinin mo naman ako. :(

✔Seen 05:20pm

Hindi ako sanay na hindi ako pinapansin ni Dj. Wala na nga syang masyadong time sakin, ganto pa. Minsan na nga lang kami magkita, tapos ganto pa. Hindi nya na nga ako masyadong mahatid sundo, tapos ganto pa. Hindi na nga sya masyadong dumadalaw sa bahay. Ok lang sakin kasi may dahilan sya. Busy daw sya sa practice ng basketball.

Dj Soriano
Pssst baby! :(

Pansinin moko!

Miss na kita oh!

Ako ba miss mo na? :(

✔Seen 05:27pm

Wala talaga. Miss na miss ko na sya. Hay! Kaya nag decide ako na tawagan sya. Naka ilang tawag din ako bago nya sagutin.

Hello Dj? Bat di mo pinapansin message ko sa fb. Puro ka seen.

Ako? Hindi naman ako naka ol sa fb eh. Dj

Huh? Eh seen nga lagi eh. Sino nagamit ng fb mo?

Mga ilang minuro din bago sya sumagot.

Ay! Sorry. Oo nga pala. Sorry athena, ano kasi. Uhmm. Ano.. may practice pa ako. Punta na lang ako dyan pagkatapos ng project. Malapit na 'to. Bye

Tapos binabaan nya na ako ng tawag. Tamo? Bastos eh! Mag i-i love you at mag i-i miss you pa sana ako pero binabaan na lang ako. Namiss kaya ako nun? Mahal pa kaya ako non? Oo naman syempre, magtatagal ba kami ng ganto kung hindi nya ako mahal? Hay! Pinag iisip mo Athena. Mag ayos ka na lang. Andyaan prince charming mo mamaya.

Naligo ako at nag ayos. Hindi naman yung ayos na ayos talaga ha? Yung simpleng ayos lang. Saktong pagbaba ko ng kwarti, tinawag ako ni manang Fe kasi nasa pool side daw si Dj. Na excite naman ako bigla. Namiss ko kaya sya noh!

My Boyfriend Cheated On Me With My Best FriendWhere stories live. Discover now