1

7.6K 169 19

ISA

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Official Page: Xianrandal Wattpad Stories

Info 1: Alam nyo ba na ang Malunggay ay kilala sa tawag na Moringa? Unbelievably, 300 diseases raw ang kayang gamutin ng Malunggay, bongga, 'di ba? Eto pa, ang batang bunga ng Malunggay ay lasa raw asparagus at ang bulaklak naman nito ay lasang mushroom. (hanggang dahon lang ako). And surprisingly, mas mataas raw ang sustansiya ng pinatuyong dahon ng Malunggay kesa sa fresh na dahon nito. (sa fresh pa rin ako). Ano naman ang kinalaman ng Malunggay sa kwento? Sikrit!

**********************************************

Lakad takbo na ang ginawa ni Arabia. Ang tanga-tanga naman kasi niya para umuwi ng madaling araw. Kasi naman gusto na niya talagang mahiga sa luma niyang kutson. Minalas naman na ang suki niyang taxi ay nasiraan pa kaya kailangan pa niyang maglakad pauwi sa kanyang maliit at lumang inuupahang bahay. Ang hirap talagang kumita ng pera.

Dadaan pa naman siya sa malaking puno ng malunggay bago makarating sa kanila. Sa hindi malamang dahilan, takot na takot siya sa punong yun, para bang may nakatira na hindi nakikita.

Malayo pa lamang ay natanaw na niya ang puno ng malunggay, dahil malayo ito sa poste ng ilaw, nagmumukha itong nakakatakot sa tingin niya, lalo pa at kalbo na ang puno dahil sa madalas na pagkuha ng mga kapitbahay niya. Malunggay ng bayan kasi.

Nung ilang hakbang na lang ang layo niya ay nakarinig siya ng ungol at alam niyang sa malunggay galing.

"Nanay ko po! Sinasabi ko na nga ba't may engkanto na nakatira sa punong yan! Maawa kayo, hindi pa po ako nagkaka boyfriend, huwag nyo muna akong kunin!"

"I-nnneeeng!"

"Nanay ko poooooo!" Gusto na niyang tumakbo pero parang namanhid ang mga paa niya.

"Ineeenngggg." Parang hirap na hirap ang babaeng nagsasalita.

"Juice ko! Juice ko! Angel of God my guardian dear, to whom----

Hindi na niya natapos ang kanyang dasal dahil may biglang may lumitaw na matandang babae sa harap niya.

"Maawa ka Lola, huwag nyo po akong dalhin sa mundo nyo, malakas po akong kumain, saka po maingay ako, maguguluhan ang inyong kaharian!" Pagmamakaawa niya sa kaharap.

"Sira-ulo ka ba? Naka drugs ka bang bata ka?"

"Hindi po ako nagdodroga. Lola, bumalik na po kayo sa puno ng malunggay." Pinag krus niya pa ang kanyang dalawang hintuturo, baka sakaling matakot sa cross na kamay niya.

Pinalo ng matanda ng kanyang tungkod si Arabia. "Ang salbahe mong bata ka, hindi ako galing sa punong yan! Mukha ba akong aswang ha?"

"Ha? Ah eh..." napatingin siya sa ayos nito, puting-puti ang damit pero maalinis naman, mahaba ang buhok na medyo wala na sa ayos, kulubot ang balat, pero bakit asul ang mga mata nito nung tumama ang ilaw?

Natatakot pa rin na sumagot si Arabia. "Ah eh, medyo po, Lola."

"Mga kabataan talaga! Naliligaw ako. Mamamalengke sana ako kaso hindi ko alam ang daan."

"Mamamalengke? Seryoso ka Lola?" Tumingin siya sa relo, alas tres ng madaling araw.

"Bibili ako ng atay at para presko ang dugong makukuha ko."

Love Beyond TimeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!