KABANATA 1

1 0 0
                                        

KABANATA 1
Hurt again


Nagluluto si Serena ng almusal para kay Lucian. Maaga pa lang ay bumangon na siya upang ihanda ang paboritong pagkain ng kanyang asawa, garlic rice, beef tapa, at isang perfectly cooked sunny-side-up egg. She made sure everything was perfect, from the crispiness of the tapa to the aroma of the freshly brewed coffee.

Habang hinahalo ang kape, hindi niya mapigilan ang isang maliit na ngiti. Kahit paulit-ulit siyang binabalewala ni Lucian, hindi siya tumitigil sa pagsubok. Maybe today would be different. Maybe today, he would finally look at her.

Pagkatapos niyang ayusin ang hapag-kainan, lumapit siya sa hagdan at mahinang tinawag ang kanyang asawa.

"Lucian, nandito na ang almusal mo."

Makalipas ang ilang saglit, bumaba si Lucian. Suot niya ang itim na polo, bahagyang gusot na parang kararating lang mula sa isang mahabang gabi sa trabaho o kung saan man. Matikas pa rin ang tindig niya, gwapo at intimidating gaya ng dati, pero ang ekspresyon niya ay malamig. He barely acknowledged her presence.

Serena swallowed hard, pero pinilit niyang ngumiti. "Good morning," bati niya, pero wala siyang natanggap na sagot.

Umupo si Lucian sa hapag, tumingin saglit sa pagkain, at saka tinanggal ang relo niya.

Naghintay si Serena, umaasang kahit papaano ay magpapasalamat ito.

Pero hindi man lang niya hinawakan ang kutsara at tinidor.

"I'm not hungry," Lucian said coldly before standing up.

Napakurap si Serena. “Pero… ginawa ko ‘yan para sa’yo.” Mahinang sabi niya, pilit na pinipigilan ang sakit sa kanyang boses.

"I never asked you to," he replied, his voice devoid of emotion. "Next time, don't waste your time."

At sa isang iglap, tumalikod siya at umalis, iniwan siyang mag-isa sa hapag-kainan.

Serena sat there, staring at the untouched food. The garlic rice was still warm, the tapa perfectly cooked, but none of it mattered. Sa loob niya, parang may malaking espasyo na unti-unting napupuno ng lamig.

Bakit ba siya umaasa pa? Ilang beses na ba siyang naghintay ng kahit anong senyales ng pagmamahal mula kay Lucian? She had lost count.

She took a deep breath and picked up her fork. Kailangan niyang kumain kahit wala siyang gana. Pero nang isubo niya ang unang kagat, napagtanto niyang walang kahit anong lasa ang pagkain. Maybe it wasn’t the food, maybe it was her heart growing numb from the pain.

Maya-maya, narinig niyang bumukas ang pinto. Napatingin siya, umaasang baka bumalik si Lucian. Baka naisip nitong nagkamali siya. Baka gusto nitong bumawi.

Pero hindi siya ang dahilan kung bakit ito bumalik.

"I forgot my phone," Lucian muttered as he grabbed his phone from the counter. Wala man lang siyang lingon kay Serena. Wala man lang "Goodbye" o kahit isang pasasalamat.

At sa pangalawang pagkakataon ngayong umaga, iniwan na naman siya.

***

Serena sat still for a moment, listening to the sound of the door clicking shut. Ilang beses na ba itong nangyari? Ilang beses na ba siyang iniwan?

Napailing siya at marahang pinunasan ang mga mata bago tuluyang bumangon upang iligpit ang hapag-kainan. One by one, she gathered the plates, the cups, and the utensils, moving with mechanical precision, paulit-ulit, gaya ng sakit na nararamdaman niya.

Mula nang ikasal sila, si Serena na lang ang palaging gumagawa ng paraan upang mapanatili ang kanilang relasyon. She was the only one trying. Siya ang nagpaplano ng dates, siya ang nag-aalaga kay Lucian, siya ang sumusubok na punan ang katahimikan sa pagitan nila. Pero si Lucian?

Parang wala lang. Parang wala siya.

She closed her eyes for a moment, trying to suppress the ache in her chest. Ngunit hindi niya maiwasang maalala ang araw ng kanilang kasal, kung paano siya tumingin kay Lucian, puno ng pag-asa, habang siya naman ay walang emosyon. He didn’t smile. He didn’t even hold her hand tightly. It was as if the entire wedding was just a formality for him, not a celebration of love.

At mula noon, wala namang nagbago.

Pilit niyang inisip na baka pagod lang ito. Baka nahihirapan lang mag-adjust. Baka darating din ang araw na matututunan din siyang mahalin ni Lucian.

Pero ngayon, hindi na siya sigurado.

She washed the dishes quietly, staring blankly at the soapy water. Sa likod ng kanyang isipan, naisip niya kung paano siya humantong sa ganitong buhay, isang buhay na puno ng paghihintay, ng tahimik na pagluha, at ng pagmamahal na hindi naibabalik.

Matapos siyang magligpit, umupo siya sa sofa, hawak ang isang tasa ng malamig nang kape. Her fingers trembled slightly as she held the cup. Was this really the life she wanted?

She glanced at the clock. Alas otso pa lang ng umaga.

The day had barely started, yet she already felt exhausted.

***

The house was silent. Masyadong tahimik. Masyadong malamig.

Dati, pangarap niyang magkaroon ng bahay na puno ng pagmamahal. Isang tahanan kung saan masaya silang kakain tuwing umaga, tatawa sa maliliit na bagay, at magpapalitan ng matatamis na salita.

Pero ngayon, parang hindi tahanan ang lugar na ito. It was just a house.

A house where love had no place.

Serena closed her eyes, gripping the cup tightly. Alam niyang mali ang umasa. Alam niyang matagal na siyang dapat sumuko. Pero paano?

How do you stop loving someone who never even tried to love you back?

Minsan, iniisip niya kung paano kaya kung ibang lalaki ang pinakasalan niya. Would she be happier? Would she have the love she had always dreamed of?

Napabuntong-hininga siya. No, it had to be Lucian. It had always been Lucian.

She loved him. She had always loved him.

But love should not feel this lonely.

She wiped a tear that had fallen down her cheek. Hindi niya dapat ito iniiyakan. Pero sa bawat umagang lumilipas na walang pagbabago, mas lalo siyang pinanghihinaan ng loob.

She shook her head and stood up. Enough. She wouldn’t let herself drown in sadness today. Not again.

Pumunta siya sa bintana at tumingin sa labas. The sun was shining, the world outside looked alive. Napakaraming tao ang abala sa kanilang araw, mga magkasintahang magkahawak-kamay, mga pamilyang sabay-sabay na kumakain, mga kaibigang nagtatawanan.

And there she was alone, waiting for a love that might never come.

She took a deep breath. Maybe she needed to stop waiting. Maybe she needed to start living for herself.

But could she really walk away from a love that had already left scars?

Serena wasn’t sure.

But one thing was certain, she couldn’t stay like this forever.

And deep inside, she knew... something had to change.

---

Love that left ScarsWhere stories live. Discover now