"No, I insist. Put this on and go home. I'll take care of getting what you need."

Aabutin ko na sana ang hoodie, pero bigla akong natigilan.

Napagtanto kong nakasara nga pala ang Glassroom. Paano siya makakapasok para kunin yung reseta?

"What's wrong?" tanong niya nang mapansin ang pag-aalinlangan ko.

"Paano mo kukunin? Sarado yung Glassroom."

Napatingin din si Love kay Dian, halatang nagtataka na rin.

Pero ngumiti lang si Dian. Isang nakakasigurong ngiti.

"Don't worry, hindi ko gagawin ang ginawa niyo kanina. I'll just ask the guard for the key. Malakas ako sa kanila." sagot niya, may halong pagmamalaki.

Hindi na kami nagtanong pa. Pilit na niya kaming pinapaalis, kaya hindi na rin kami nagmatigas.

Matapos kong tanggapin ang hoodie na inaalok niya ay umuwi na rin kami.

___End.

Ngayon, isang malawak na ngiti ang nasa labi ko habang palihim kong sinisilip ang papel na nakatago sa loob ng bulsa ko.

Hindi ko alam kung paano nakuha ni Dian 'to nang hindi nahuhuli ng isa man lang sa myembro ng Hexagon. Pero sobra akong nagpapasalamat sa kaniya. Sa wakas, malalaman ko na kung ano talagang tinatago ni Third tungkol sa sakit niya na tinatago niya sakin, at siguro maging sa mga kaibigan niya.

Ang kaso lang ay hindi ko maintindihan ang nakasulat sa reseta. Sobrang pangit ng sulat-kamay-kahit AI hindi marecognize ang mga salita. Mas mukha pa itong sulat ng bagong silang na sanggol.

Buti na lang at may laman pa naman kahit papaano ang utak ko. Kaya sa halip na problemahin kung paano basahin ang reseta, naisipan kong magpa-schedule sa ospital para ipabasa ito.

Pwede naman sa pharmacist, pero masyado akong maraming tanong. Mas mainam na sa doktor na lang. At ngayon, hinihintay ko na lang ang tawag ng doktor na kakilala ko.

Para masigurong ligtas ang plano ko at hindi ito malalagay sa alanganin, pinili kong lumapit sa isang doktor na may koneksyon sa pamilya namin. Isang taong mapagkakatiwalaan ko.

Malalagot ako kay Third, pag nalaman niyang nakikialam ako. Lalo na't pinasok ni Dian ang Glassroom nila para kunin ang reseta, yari ako at baka madamay pa si Dian.

Ayokong mangyari 'yon.

"MS. GONZAGA?!"

Napapitlag ako nang biglang tawagin ako ng professor na kasalukuyang nagle-lecture sa harapan.

Nasa klase nga pala ako.

Dali-dali kong itinago ang papel sa bulsa at litong tumingin sa kaniya.

Huwag naman sanang magtanong. Hindi pa naman ako nakikinig.

"Y-Yes, Prof?" kinakabahan kong sagot.

Ngumiti nang matamis ang professor bago itinuro ang pintuan.

Bahagya akong kinabahan, iniisip na baka gusto niya akong palabasin dahil nahuli niya akong hindi nakikinig. Pero nang sundan ko ang direksyon ng itinuturo niya, agad akong natigilan.

Sa may pintuan, nakatayo ang isang pamilyar na pigura. Matangkad siya-sobrang tangkad na halos masagi na ng buhok niya sa doorframe.

Nakangiti siya sakin at bigla na lang kumaway.

"Noah?" nagugulohan kong sambit.

Oo, si Noah nga. Ang Noah na palaging masungit sakin at umaastang astig kahit cute naman talaga siya ay nasa pintuan, nakangiti sakin at kumakaway.

Three O'clock  | Hexagon Series # 1 Where stories live. Discover now