Twenty

92 4 0
                                        

Hindi mapigilan ni Love ang pagtawa matapos marinig ang kwento ko. Sinabi ko sa kanya kung paano ko pinag-untog ang tatlong babae dahil sa sobrang inis, at ngayon heto siya—gumugulong na sa kama ko, halos mamatay na kakatawa. 

"Kaya pala bigla kang nawala kanina! Gaga ka talaga!" aniya sa gitna ng kanyang hagikhik. 

"Eh kasi naman, ang kapal ng mukha nilang akusahan akong pinagsabay ko silang tatlo. Tangina nila." 

Pinunasan nya ang luha sa gilid ng mata nya na dulot sa pagtawa at umayos ng upo bago ako tignan ng seryoso.

"You never told me na may grupo pala yang crushiecakes mo. Hindi mo rin binanggit na yung sinasabi mong kaibigan ni Third ay isa don yung lalaking model na nakita natin sa restaurant at yung kasama niyang lalaki na mukhang mafia. Pati na rin yung nakasalubong natin sa cinema kaibigan nya rin pala." she complained, crossing her arms.  

Tinaasan ko sya ng kilay, "Kailangan ba talagang alam mo lahat?"

She pouted at my response, her shoulders slightly slumping. Tiningnan niya ako na dismayado ang mukha.

"Nakakatampo ka na! May tinatago ka paba sa'kin?"

Napaka oa!

Nginiwian ko lang siya, hindi sinagot, at sa halip ay tumayo at umalis sa harapan niya. 

Sinubukan pa niya akong sundan para kulitin, pero huli na—nakalabas na ako ng pinto at mabilis na bumaba. 

Kapag nagkuwento ako sa kanya, sigurado akong hindi kami matatapos dahil aatakihin na naman niya ako ng sandamakmak na tanong. Kaya mas mabuti pang hayaan ko na lang siyang matuklasan ang sagot sa sarili niyang paraan, kaysa ako pa ang sumagot isa-isa sa bawat tanong niya. 

___

Sa kasalukuyan, nandito kami ngayon sa La Vida International University kung saan tinu-tour ng mga student government officials ang lahat ng exchange students upang makabisado nila ang buong campus at maiwasang maligaw. 

Dahil maaga pa naman at wala pa akong klase, naisipan kong sumama sa kanila. Tutal, hindi ko pa rin naman naikot ang buong campus. 

Matapos naming libutin ang iba’t ibang gusali ng bawat departamento, naglakad kami patungo sa susunod na destinasyon. 

Nangunguna sa amin sina Chelzea at Noah kasama ang iba pang student government officials, habang ang mga exchange students ay nasa likuran nila. Kami naman ni Love ay nasa hulihan ng grupo. 

"We're here. This is La Vida's open field."  anunsyo ng isang opisyal. 

Sabay-sabay naming inilibot ang paningin sa buong paligid, at hindi namin maiwasang mamangha sa laki nito. Parang kahit dito ganapin ang  concert, kasya lahat ng tao. Sa totoo lang, parang mas maluwag pa nga ito. 

"This is where students hold practices, activities, sports events, and festivals. The field spans 50 hectares, which is why large-scale events are usually held here." paliwanag ni Chelzea. 

"Take note, this open field is for everyone. I mean, it's called 'open' for a reason, right?" biro niya, dahilan para matawa ang ilan.   

"Pero kidding aside."  biglang sambit ni Noah, kaya agad napunta sa kanya ang atensyon ng lahat. 

Kanina pa nagsasalita ang student government president at ibang officials, pero ngayon lang talaga siya sumingit. 

"You’re free to hang out here since there are plenty of benches around. Just make sure to dispose of your trash properly. The owner of this school hates littering. And yes, there are CCTV cameras all over this field. If you get caught dirtying the place, you’ll receive a violation—or worse, you might even get expelled from La Vida. The owner has no interest in keeping students who don’t know how to clean up after themselves."

Three O'clock  | Hexagon Series # 1 Where stories live. Discover now