____Flashback.
Sinubukan na namin ang lahat ni Love para mabuksan ang pinto ng H-Glassroom, but no matter what we did, we just couldn't get it to budge.
Kung pwede lang sigurong basagin ang pinto, ginawa na namin.
Wala na akong ibang pagpipilian kundi huminto. Kailangan kong tanggapin na hindi ko na makukuha ang mga sagot sa mga tanong ko. So I gave up.
"Umuwi na lang tayo." malungkot kong sabi kay Love.
Hindi na siya tumutol. Kanina pa siya takot na takot sa ginagawa namin at matagal na niyang gustong umalis. Kaya agad siyang pumayag.
Just as we were about to step away from the door, may nahagip ang mata ko-isang anino sa likod ng puno na pinagtataguan namin kanina.
Madilim sa parteng iyon, pero mula rito, kitang-kita ko ang anino niya-malapad ang katawan, matangkad. Hindi ko maaninag nang buo ang mukha niya, pero sa tindig pa lang, halata na. Lalaki siya.
Hindi siya gumagalaw. Nakatayo lang siya roon. Nakatingin. Nagmamasid.
A chill ran down my spine, and I instinctively stepped back, fear gripping me.
Hindi kaya't siya yung lalaki? Siya ba yun? Yung lalaking nakita ko noon sa likod ng puno? Ang lalaking may hawak na matulis na bagay?
Napansin ni Love ang reaksyon ko, kaya marahan niya akong tinulak at kinalabit.
"Bakit?" nagtatakang tanong niya.
Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya, my voice trembling as I pointed to where the figure stood.
"M-May...tao sa likod ng puno." nanginginig kong usal.
Agad niyang sinundan ng tingin ang kamay ko, pero lalo lang nagulohan ang mukha niya nang bumaling ulit siya sakin.
"Saan? Wala naman akong makita." aniya.
Muli kong nilingon ang puno-at nanlaki ang mata ko nang makitang wala na siya roon. Ang taong nakita ko-Wala na.
"N-Nandiyan lang siya kanina..." kinakabahan at nanginginig ang boses na sabi ko, sabay atras ng dalawang beses.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Kakaibang kaba ang bumalot sa akin. Kasabay ng malamig na hangin, may dumampi ring hindi maipaliwanag na takot sa balat ko. Mas lalong nagsitayuan ang balahibo ko.
"Baka naman namalik-mata ka lang-"
"Hindi! Nandiyan lang siya!" giit ko.
Natawa si Love, pero agad ding nawala ang tawa niya nang marinig namin ang kaluskos mula sa paligid.
Sabay kaming napa-atras sa gulat. Hindi namin namalayan na nakasandal na kami sa pintuan ng H-Glassroom, parehong naghahabol ng hininga.
"W-Who's there?" mahinang tanong ni Love.
Umiling ako at mahigpit na humawak sa kaniya. "Sabi ko sayo, eh..."
"Akala ko-Ahhh!" Love's words turned into a scream as her eyes locked onto something.
Mahigpit akong napakapit sa kwintas ko at sinundan ang direksyon ng tingin niya. Nang makita ko kung ano ang nakikita niya, napasigaw na rin ako.
"-Ahhh!"
Sa harapan namin... may nakatayo.
Nakatitig.
Pinagmamasdan kami.
Kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin, dumagundong ang boses niya.
"Bakit?"
Sa harapan namin, biglang lumitaw si Dian.
KAMU SEDANG MEMBACA
Three O'clock | Hexagon Series # 1
RomansaThird Hionny Vellas distinguishes himself with his compassionate nature among his intellectually gifted yet morally flawed friends (HEXAGON). He encountered Celinee Hailey Gonzaga, a student grappling with academic challenges, and became her tutor...
