Twenty two

94 3 0
                                        


Matamlay akong lumabas ng disciplinary office. Matapos pag-usapan ang nangyaring gulo, pinapirma kami sa Red Book-kung saan nakatala ang ganitong mga insidente-at binigyan ng warning. Tatlong warning lang ang limit, at kapag lumagpas doon-tanggal agad sa university.

Ginanti ko lang naman ang sarili ko, at si Noah. Pero ngayon, nagka record pa ako sa disciplinary.

Ang galing talaga.

Sana lang talaga hindi 'to makarating kay Dad, kundi yari ako.

Kahit anong paliwanag ang gawin ko, pinapirma pa rin talaga ako-pati na rin 'yung mga babaeng sinabunutan ko. Maging si Shaun, hindi rin nakaligtas.

"Ba't mo ba kasi siya sinuntok?!"

Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa likuran, at nakita si Shaun, Ximon at Noah palabas ng opisina. Para hindi mahalata na nakikinig ako ay ibinalik ko ang tingin sa daan at binagalan ang paglalakad para marinig ang usapan nila.

Curious din kasi ako kung bakit bigla siyang sumulpot at sinuntok 'yung tinatawag nilang Arevallo. Alam kong siraulo at hambog siya, pero hindi naman siguro siya mananapak nang walang dahilan.

"She touched her, and you guys did nothing!" Ramdam ko ang galit sa boses ni Shaun.

Ayown, kaya pala nanuntok-nagalit pala kasi hinawakan si Chelzea. Hindi naman pala siya ganun ka abnormal para manapak nang walang dahilan.

Pero ano nga ba ang pakialam niya kung hinawakan ni Arevallo, si Chelzea?

Magkaano-ano ba sila para magalit siya nang ganun?

Napatakip ako sa bibig nang biglang may maisip ako.

Hindi kaya't mag-ex talaga sila? Kaya madalas silang mag-away pero mahal pa rin nila ang isa't isa, hindi lang nila pinapakita at hindi masabi?

Hays. Akala ko astig. Mahal pa pala 'yung ex.

"Alam mong hindi ako mahilig sa gulo Shaun." sagot ni Noah.

"So you're saying na kailangan mo pang gawing hilig ang gulo, bago ka gumawa ng aksiyon?"

"No. What I mean is, I don't usually get involved in fights that don't concern me. But if necessary, I will step in."

"Same." tipid na segunda ni Ximon.

"You know that guy. You know who he is. He has a long record, and most of it involves harassing women. And you just stood there while he touched Chelzea?"

Ay ang caring naman ni papa Jesus 2.0

"Hayaan mo next time-"

"There won't be a next time. I'll handle it myself. You're all useless. Mga walang silbi!" putol ni Shaun kay Noah.

Mabilis siyang naglakad paalis at sindaya akong banggain bago dumaan, kaya napatingin ako sa kanya nang masama.

Ang sama ng ugali!

"Habolin ko ba?" rinig kong tanong ni Noah, kaya napalingon ako.

"Aso ka ba?" sagot ni Ximon bago tuluyang umalis.

Naiwan si Noah, nakatayo lang, pinapanood ang mga kaibigan niyang naglalakad palayo.

"Sabi ko nga, huwag ko na lang habulin." bulong niya sa sarili.

Abnormal.

___

Hawak-hawak ko ang ulo ko nang pumasok ako sa library. Hanggang ngayon, nahihilo pa rin ako sa lakas ng pagkakabato sa'kin ng bola kanina-parang nagkabukol na ata ako. Pero may session pa akong kailangang puntahan, kaya sa halip na dumiretso sa clinic, naisip kong unahin ang library.

Three O'clock  | Hexagon Series # 1 Where stories live. Discover now