Since magkaibigan naman kami, sasabihin ko na.
Hinila ko ang hoodie niya, pinalapit siya sakin, at sinenyasan siyang yumuko nang bahagya. Kaagad naman siyang sumunod kaya inilapit ko ang labi ko sa tainga niya at bumulong.
"Mangako kang hindi mo sasabihin sa iba?"
Agad siyang tumango, kaya ay ibinulong ko sa kaniya ang pakay ko.
"May ginagawa akong imbestigasyon, at isang bagay na lang ang kailangan ko para makuha ang sagot ko." mahina kong sabi.
Bahagya siyang lumayo at tumingin sa akin, kita sa mukha niya ang pagtataka. "Imbestigasyon?"
Tumango ako.
"Isang bagay na lang ang kulang... at nasa loob iyon ng Glassroom. Sa Glassroom ng Hexagon."
"May I know what it is?"
"Ako rin, bruha! Hindi mo pa sinabi sakin!" biglang singit ni Love mula sa gilid.
Oo, nga pala. Hindi ko pa siya nasasabihan.
Lumayo ako kay Dian, at umayos ng tayo, glancing between the two of them.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. "Kailangan kong makuha ang reseta sa ilalim ng lamesa ni Third."
Kita ko ang pagguwang ng kilay nila, halatang nagtataka. They're silently questioning kung anong gagawin ko sa reseta.
"Gaya ng sabi ko, may iniimbestigahan ako, at ito na lang ang kulang. Ang reseta."
Bigla silang nagtawanan. Kaya Sinamaan ko sila ng tingin.
"Anong nakakatawa?"
Umiling lang silang dalawa, pilit pinipigilan ang mas malakas pang pagtawa.
Nakakainis.
"Yun lang ba?" natatawang tanong ni Dian.
Kahit naiinis, tumango ako.
"Alright, I'll get it for you."
Natigilan ako. Pati si Love, na kanina lang ay tawang-tawa, biglang napahinto. Pareho kaming hindi makapaniwala sa narinig.
"Weh?"
Tinapik niya ang ulo ko at ngumiti nang matamis. "Umuwi na kayo. Bukas, ibibigay ko sayo yung reseta na sinasabi mo."
"Seryoso ka ba?" Love asked, still doubtful.
"Oo nga." natatawang sagot ni Dian.
Biglang tinakpan ni Love ang bibig niya at tiningnan ako na may malisyosong ngiti, bago bumaling ulit kay Dian.
Alam ko na ang iniisip ng bruhang 'to.
"You have a crush on Eline, don't you?" tanong niya, kinikilig.
Tangina! Sinasabi ko na nga ba!
Mamaya ka sakin!
Ngumiti si Dian, mas matamis pa sa una. Pero hindi siya sumagot. Sa halip, hinubad niya ang hoodie niya at iniabot sa akin.
Nagtaka ako, napatingin sa hoodie na nasa harapan ko.
"Ano yan?"
"Wear this, it's cold."
Mas lalo pang lumapad ang ngiti ni Love. Hindi ko na kinaya. Mabilis ko siyang binatukan, dahilan para matigil ang pang-aasar niya at mapasimangot siya.
Bumaling ako kay Dian, na nakataas pa rin ang kamay niya, hinihintay akong kunin ang hoodie na iniaalok niya.
"Huwag na. Okay lang ako." tanggi ko.
YOU ARE READING
Three O'clock | Hexagon Series # 1
RomanceThird Hionny Vellas distinguishes himself with his compassionate nature among his intellectually gifted yet morally flawed friends (HEXAGON). He encountered Celinee Hailey Gonzaga, a student grappling with academic challenges, and became her tutor...
Twenty four
Start from the beginning
