Suot niya ang gray niyang hoodie, at sa ilalim nito, makikita ang uniporme niya. Nakatayo siya sa harapan namin, inosenteng nakatingin sa amin ni Love.
Dahan-dahang humupa ang kaba sa dibdib ko nang makilala ko siya.
"I-Ikaw lang pala! Diyos ko, Dian! Halos himatayin na kami sa takot!" napabuntong-hininga akong hinampas ang braso niya nang mahina.
Nangunot ang noo nito, "Bakit?"
"Kasi may-" napahinto ako.
Mukha na akong tanga sa pag sigaw sa harap niya, ayaw ko nang dagdagan yon sa pagsabi na may nakita akong tao sa likod ng puno.
Ayaw kong kagaya ng Hexagon, ay isipin niyang weird ako.
"-Wala."
Lumingon si Love sa akin, naguguluhan. "Kilala mo siya?"
Mabilis ko siyang pinandilatan at tinampal nang mahina. "Gaga! Si Dian yan! Yung ipinakilala ko sayo sa-"
"Ahhh! Siya pala!" sabat ni Love nang bigla niyang marealize.
Tinitigan niya si Dian mula ulo hanggang paa bago nagtaas ng kilay. "Ikaw lang pala. Anong ginagawa mo rito?"
Wow, parang close na close.
Bahagyang ngumiti si Dian at nagkamot ng batok. Pero ewan ko ba, parang may kakaiba sa ngiti nya. Parang ang creepy.
"Napadaan lang ako. Nakita ko kayong dalawa, kaya lumapit na ako."
Natigilan ako sa sinabi nya.
Ibig sabihin nakita niya na pilit naming binubuksan ang pintuan ng glassroom.
"So... nakita mo yung ginagawa namin?" kinakabahan kong tanong.
Ngumiti siya ng banayad at tumango.
Tangina.
Nagkatinginan kami ni Love, parehong nataranta.
Agad akong humakbang palapit sa kaniya, handang magpaliwanag. "Dian-"
Pero bago ko pa masabi ang sasabihin ko, bigla niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang palad niya.
Mabango yung kamay niya, pero parang may amoy bakal na hindi ko maintindihan.
Nangangalakal ba 'tong taong 'to?
"Don't worry. I won't tell anyone." aniya. "Besides, pwede ko kayong tulungan."
Muli kaming nagkatinginan ni Love. Saglit kaming napahinto, hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin. Pero nang marealize namin, sabay at gulat kaming napatingin sa kaniya.
"Teka lang-Seryoso ka ba? Hindi mo kami isusumbong at tutulongan mo pa kami?" panigurado ko kung tama ba ang narinig.
"Tutulungan mo kami? Sa kalokohang 'to na pakana ni Eline?" dagdag ni Love, hindi makapaniwala.
Talagang sinabi pa niyang ako ang mastermind sa kalokohang 'to.
"Yeah," sagot ni Dian, walang pag-aalinlangan. "I don't care kung anong kalokohan ang ginagawa niyo. Eline and I are friends. At nagtutulungan ang magkaibigan-even at their worst."
Napangiti ako sa sinabi niya.
'Eline and I are friends. At nagtutulungan ang magkaibigan-even at their worst.'
Para akong niyupos ng anghel sa narinig ko. Hindi ko maiwasang kiligin.
Kaibigan ang tingin niya sakin!
"Tanga ka! Mapapahamak ka lang!" singhal ni Love, pero umiling lang si Dian.
"And why exactly would I be in trouble?" pagtatanong niya, tilting his head. "What are you two even planning?"
YOU ARE READING
Three O'clock | Hexagon Series # 1
RomanceThird Hionny Vellas distinguishes himself with his compassionate nature among his intellectually gifted yet morally flawed friends (HEXAGON). He encountered Celinee Hailey Gonzaga, a student grappling with academic challenges, and became her tutor...
Twenty four
Start from the beginning
