"Sandali lang, medyo masakit ang ulo ko," sabi niya habang minamasahe ang ulo niya. Ngayon ko lang napansin pero medyo maitim iyong ilalim ng mata ni Shiloah. Dahil ba 'to sa practice para sa university week performance? Pero umaga lang naman sila nagpapractice...

Hindi na lang ako sumagot.

"Gusto mo ng gamot?" I offered nung isang minuto na pero masakit pa rin ang ulo niya. Hindi na siya nagpaarte pa. Tumango na agad siya kaya naman mabilis kong kinuha iyong tableta sa bag ko at saka iniabot sa kanya. Tumayo pa ako para kumuha ng tubig at baso mula sa counter. Pagbalik ko, iniabot ko sa kanya iyon at ininom niya ang gamot niya.

"Kapag okay ka na, sabihin mo lang sa akin," I said.

Gusto ko sanang kuhanin ang cellphone ko at itext na lang si Quin. Papuntahin ko kaya siya rito? He can definitely take the tension away!

"Okay na ako," mabilis niyang sabi. Hindi ako naniniwala dahil mukhang hindi pa rin siya maayos.

"You don't look fine," I said.

"Kulang lang sa tulog," he replied.

Bakit siya kulang sa tulog? Ano ba ang pinagkakaabalahan niya? Magkasama ba sila ni Candy hanggang gabi? E ano naman kung magkasama sila? Matanda na si Shiloah. Kung anuman ang gusto nilang gawin, e 'di gawin nila. Labas na ako doon.

With this thought in mind, hindi na ako nagtanong pa.

Nagsimula na kami ni Shiloah sa pag-uusap sa proposal. Nung matapos din kami, wala pa rin sina Candy at Carl. Ano ang nangyari sa dalawa na 'yun? Sabi ni Candy malapit lang naman si Carl pero lagpas isang oras na kami nag-uusap ni Shiloah pero ni anino nila ay wala pa rin.

"Alis na ako," sabi ko sa kanya. Tanghali na rin pala. Nagugutom na ako. Hindi naman ako mabusog sa cheesecake dito. Wala akong kasama. Itext ko kaya si Quin?

I didn't wait for him to say anything. Labas na talaga ako doon. Naiintindihan ko na iyong gusto niyang ipahiwatig. He'll keep distance ibig sabihin hindi na siya masyadong lalapit sa akin pero hindi siya mawawala sa buhay ko... Paano nga naman kasi siya mawawala kung sa bawat sulok ng eskwelahan na ito, nandun siya?

Ayoko lang talaga na masyado siyang malapit sa akin. Sa tingin ko dapat physical distance na talaga ang dapat mangyari.

Tinawagan ko si Quin at sinabi ko na wala akong kasama maglunch. Sinabi niya na nasa cafeteria siya kaya naman pinuntahan ko na siya doon. Unlike Parker na hindi pwedeng makita ako na kasama siya sa loob ng univ, kay Quin, kahit saan okay lang na magkasama kami. It felt nice. It felt good na okay lang sa kanya na makita na kasama ako. Hindi naman kasi ako nakakahiyang kasama...

Pagdating ko sa cafeteria, nandun si Quin kasama si Hunter.

"Hi," bati ko sa kanila. Hindi ko pa masyadong nakakausap si Hunter kaya naman hindi ko alam kung paano aarte sa harap niya.

Inirapan ako ni Quin. "'Wag ka ngang masyadong mahinhin. Hindi bagay," sabi niya sa akin habang dahan-dahan akong umuupo. "Si Hunter lang 'yan."

I shot him a glare. "Mahinhin talaga ako."

He scoffed. "Hindi halata lalo na kapag sinasaktan mo ako," sabi niya at saka itinaas iyong sleeves ng shirt niya. "Tignan mo, oh! Kinurot niya ako! Nagkasugat tuloy ako!" parang bata na sabi niya kay Hunter. Sabay na lang kaming dalawa ni Hunter na napailing. Minsan talaga nagtataka ako kung 21 na ba talaga si Quin o 12, e. Sobrang isip bata niya pero kapag may magaganda at sexy na babae, biglang 360 degree ang pagbabago niya.

"Saan niyo gustong kumain?" Quin asked.

"Akala ko dito?"

Quin looked around. "Maraming tao masyado," he said na para bang obvious na na dapat alam ko iyon. Sila lang talaga iyong grupo ng mga sikat na tao sa school na ayaw ng atensyon. Kaya mas lalong elite ang tingin sa kanila dahil mahirap talaga silang makausap. Sila-sila lang talaga ang friends.

Just The Benefits (PUBLISHED)Where stories live. Discover now