NAKAKAIRITA!!

" MI...... Adrian?!" SI Adrian pala yung kinakausap ko.

"Gulat ka noh! As usual, kasama mo partner mo."

"Ikaw, bakit ka andito?"

" Syempre, para makuhang model para sa susunod na project ni Mr. Veronda. Lahat naman ng tao dito yun ang purpose."

Marami pala kaming kalaban. Para sa pangakong sinambit ko, kailangan kong magtrabaho ng maayos para sa kinabukasan ko at ng pamilya ko.

"Babalik na ako Adrian...... teka... may partner ka?!" Andito kasi siya e. Sa pagkakaalam ko bawal ang single pumunta dito. Yun ang sabi sa amin ni Mr. Chu eh.

"Oo naman, bawal single dito. *LEANS closer* gusto mo, ikaw na lang partner ko?!"

"HUH!!!!! Baliw ka ba?! May fiance na ako."

" PERO...... iba ang kutob ko Angel. Kaya, hanggang walang ibidensya, hindi ka makakawala sa akin."

" wag ka nga!!!! Nakakatakot ka e." Grabe, nakakagoose-bumps ang statement s niya.

"HAHAHAHAHA, ikaw matatakot?! Wag kang matakot dahil hindi ako nananakal."

Umalis na si Adrian. WHOO~ ano bang ginagawa ko sa party na ito? Dapat, nakahandusay ako sa kama ko ganitong oras e. Nagpakasal lang ako sa mayaman, humirap naman ang mundo ko. Huh!! Makapasok na nga lang.

*orchestra entrance music*

Ano ba 'yan. Feeling ko nasa Malacanang ako. Habang nag-iimagine ng kung anu-ano, nagulat ako nang may biglang humablot sa akin.

" Saan ka ba nagpunta?! " sabi ni Michael at nakakunot pa ang noo niya.

" Nagpahangin sa labas. Anyare sayo?! "

" Alam ko na kung paano natin mapapaimpress yung lalakeng yun!!! "

" TALAGA?! Paano? "

" Kanina, pagkatapos naming mag-usap, umalis siya at pumunta sa secretary niya. Narinig ko yung mga pinag-uusapan nila. Nag-hahanap si Mr. Veronda ng isang sweet at true couple para sa bagong project niya. "

" ANO?!!! So, sinasabi mo na dapat, maging sweet tayong dalawa?! "

" Oo. Bakit di mo kaya?! Natatakot ka bang mainlove sa akin? *grins* "

" Eeewww, magkamukha nga kayo ni Mr. Veronda e!! "

Sh*t!!! Ayoko sana. Kaso, para sa kanila at para sa akin, kailangan kong gawin ang bagay na ito. Mabigat man sa damdamin.

*orchestra stopped*

" Good evening, ladies and gentlemen. Tonight, is a very special occasion for me. This is a night of exploring and discovering different kinds of jewel, hidden in each people present here. Laconicly speaking, this party is an audition for the newest couple who will promote my new product. And, as an exchange of remuneration, I, myself, have decided to invest all my shares to the winning couple. No judges were hired for this event for I am the one who will be judging you. Good luck to everyone, act normal, and enjoy the party. Cheers?! "

*all cups raised*

" Cheers! " sigaw ng mga tao sa party. Except sa akin. Wala naman akong naitindihan sa introduction niya. Ang lalim. Deep words WHOO~~

Tiger Girl (editing)Where stories live. Discover now