Akala ko tulog! Ba't alam niya?!
"Are you fantasizing about me again?" pang-aasar niya.
Mariin akong napapikit, bigla akong kinapitan ng matinding hiya.
Pati 'yon alam niya?! Tangina naman!
"Hey look at me." Kalmado niyang utos sa'kin.
Napakapit ako sa pendant ng kwintas ko at nagpaka-deadma bago siya lingunin. Dahil kung hindi, aasarin niya lang ako nang husto at mas nakakahiya 'yon.
"O-Oh?" Kung gaano ka-blanko ang ekspresyon ko, ganun naman katindi ang kaba ng boses ko.
Ngumiti siya sa'kin-isang ngiti na hindi umaabot sa kanyang mga mata, pero kahit ganun, sapat na para manghina ang tuhod ko. At kahit nakaluhod na ako, pakiramdam ko may iluluhod pa ang mga tuhod ko.
Lord tabang ang gwapo!
"What took you so long?" tanong niya, ngayon ay seryoso na, the teasing completely gone.
Napalunok ako, pilit na kinakalap ang lakas ng loob para makapagsalita.
"N-Nag-May-" But the words refused to come out. Wala akong mahanap na tamang salita.
Bigla siyang tumawa-malakas, puno ng tuwa, tila ba aliw na aliw sa naririnig niya.
"Calm down. Bakit ka kinakabahan?"
"H-Hindi ah!" agad kong tanggi.
"Sigurado ka?"
"O-Oo! Siguradong sigurado!"
Naningkit ang kanyang mga mata, tila ba inaaral ang mukha ko, bago niya lalo pang inilapit ang kanyang mukha. Napaatras ako nang bahagya.
"Then why are you sweating?"
Napa-kunot ang noo ko at itinuro ang sarili. "A-Ako?"
Tumango siya, kaya mabilis kong sinapo ang noo ko para tingnan kung may pawis na ako. But there was nothing-not even the slightest trace of sweat.
"Wala naman ah-"
"Not there." He pouted slightly, motioning toward something.
Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya-at nanlaki ang mga mata ko.
Our hands.
Hawak pa rin namin ang kamay ng isa't isa.
Mahigpit na mahigpit. Para bang walang may balak bumitaw.
His hand was large, veined, strong. Kaya sa tabi noon, nagmukhang maliit at parang kamay ng bata ang kamay ko.
"Do you want us to stay like this the whole session?"
His teasing tone sent a rush of heat to my cheeks. Agad kong binawi ang kamay ko, sabay idinikit ito sa kabilang palad.
Tama siya. Basa nga.
Pinagpapawisan ang kamay ko.
"Sit beside me. Let's start the session." aniya bago binuklat ang librong nasa lamesa.
I was about to sit down when something caught my attention-his phone. At pagtingin ko saktong may lumitaw na notification mula sa Instagram.
Leanne Drecious Villarama started a live.
Napaawang ang labi ko sa pamilyar na pangalan. If I wasn't mistaken, she was the woman on that magazine cover.
Hindi kaya't girlfriend nya nga ito?
YOU ARE READING
Three O'clock | Hexagon Series # 1
RomanceThird Hionny Vellas distinguishes himself with his compassionate nature among his intellectually gifted yet morally flawed friends (HEXAGON). He encountered Celinee Hailey Gonzaga, a student grappling with academic challenges, and became her tutor...
Twenty two
Start from the beginning
