Pagdating ko sa psychology section, agad kong nakita si Third. Sa unang pagkakataon, hindi siya naka-complete uniform. Puting T-shirt at brown na slacks lang ang tanging suot niya. Nakalapat ang ulo niya sa maliit na mesa, hindi gumagalaw.
"Tangina, anong nangyari sa kan'ya?"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Natakot akong baka naulit na naman ang nangyari at patay na siya.
Dali-dali akong lumapit, halos aatakihin sa kaba nang makitang nakapikit pa rin siya.
Sana tulog lang 'to.
Hindi ko na ininda ang sakit ng ulo ko at kaagad na lumuhod sa harapan niya at inilapit ang tainga ko sa dibdib niya para pakiramdaman kung maayos pa at humihinga pa siya.
Nang marinig ko ang maayos at normal niyang tibok ng puso, napabuntong-hininga ako. Para akong nabunutan ng tinik sa puso.
"Tangina, akala ko patay na." bulong ko sa sarili, hindi mapigilang mapangiti.
Ang oa ko!
Napatingin ako sa mukha niya. Ang maamo niyang mukha. Pero sa halip na kumalma ako ngayong alam kong buhay pa siya, mas lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko.
Napako ang tingin ko sa nunal sa dulo ng ilong niya... pero biglang bumaba ang mata ko sa mapula niyang labi ng hindi ko sinasadya.
At parang inaakit ako nito.
Napalunok ako, ramdam ang init sa pisngi ko.
At bago ko pa namalayan, natagpuan ko na lang ang sarili kong nilalagom ang kurba ng ilong niya pababa sa labi at dinadama ang lambot nito.
Sayang, hindi ko nahalikan ang labing 'to.
I was in the middle of imagining nang bigla siyang gumalaw! Agad kong tinanggal ang kamay ko-pero bago pa ako makalayo, biglang hinawakan ni Third ang kamay ko.
Nakapikit pa rin siya, pero mahigpit ang pagkakakapit niya-tila ba pinipigilan akong lumayo.
At mas ikinagulat ko ang sumunod niyang ginawa.
Hindi niya binitawan ang kamay ko. Sa halip, pinaglakip pa niya ang mga daliri namin.
Nanigas ako. Napasinghap.
Hindi inaasahan ang ginawa niya.
Gusto kong bawiin ang kamay ko at bumitaw, pero bigla akong nanghina at nawalan ng lakas para gawin 'yon.
At eto na naman tayo sa kakaibang pakiramdam.
'Yung pakiramdam na parang may naghahabulan sa loob ng dibdib ko.
Ang lakas ng pintig ng puso ko. Mabigat ang bawat pag hinga ko.
Iba talaga ang epekto niya sa'kin.
"You like it?"
Bumalik ako sa huwisyo nang bigla siyang magsalita. Ngayon, nakadilat na siya at nakatingin sa akin. Nakangiti.
Pero wala akong naramdamang awkwardness-ang tanging nararamdaman ko lang ay ang mas lalong pagbilis ng tibok ng puso ko.
Napamaang ako. Hindi alam kung ano ang isasagot. "H-Ha?"
Dahan-dahan niyang binangon ang ulo mula sa mesa at umayos ng upo. Magkahawak pa rin ang mga kamay namin nang yumuko siya at ipinantay ang mukha sa akin.
"Malambot ba ang labi ko?"
Tangina.
Automatiko akong napaiwas ng tingin.
YOU ARE READING
Three O'clock | Hexagon Series # 1
RomanceThird Hionny Vellas distinguishes himself with his compassionate nature among his intellectually gifted yet morally flawed friends (HEXAGON). He encountered Celinee Hailey Gonzaga, a student grappling with academic challenges, and became her tutor...
Twenty two
Start from the beginning
