Chapter 44

13.6K 291 125
                                    

"Hindi siya tumatanggap ng bisita." Sabi ni Chanyeol.

"Ano? Bakit? Pupuntahan ko nalang siya."

Tatayo na sana ako...

"No..let her be, wifey. Kailangan niya ring makapag-isip isip. This is not the right time na magkaharap kayo ulit."

Umiling-iling ako.

"Ngayon ko lang siya m-makakasama."

"Sorry, Miss pero ayaw niya. Hindi natin pwedeng pilitin." Sabi ng isang babaeng pulis na nakatayo malapit sa amin.

Tumango nalang ako.

Balik na sa normal ang lahat. Dalawang linggo na ang lumipas simula nung nangyari. Nalipat na siya sa isang Mental Hospital. Mas lalo yatang lumala ang sakit niya. Hindi niya na kami makilala. Hindi niya rin maalala ang ngangyari sa abandonadong lugar na yun.

*snap!*

"Tulala ka na naman. Tss." Sabi ni Kris.

Sinimangutan ko siya at humalukipkip.

"Namimiss mo si Keith?" Nag-aalala niyang tanong.

Alam ni Kris lahat ng nangyari. Hindi ko alam kung sino ang nagkwento sa kanya.

"Correction, Leena." Inirapan ko siya.

Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti.

"Hwag ka ng malungkot diyan. Hindi naman siya pababayaan dun. Gagawin nila lahat ng makakaya nila para gumaling ang ate mo."

Ewan ko ba pero sa tuwing tinatawag kong ate si 'ate Leena' o ng iba ay napapangiwi ako. Hindi lang siguro ako sanay. Napatunayan naman na kadugo ko talaga siya dahil nagpa-DNA agad kami. Kakaiba lang siguro dahil yung taong gusto kong sakalin dati sa sobrang inis ay Ate ko pa pala.

"Nasaan na mga kaibigan mo? Sabay ba kayong maglu-lunch? Halika kain na tayo." Hahawakan niya na sana ang kamay mo para hilain patayo pero may malamig na aura ang pumalibot sa amin. Tinapik ng malamig na aura na yun ang kamay ni Kris.

"Tara na, wifey. Lunch." Sabi niya na deretsong nakatingin sa mata ko. Hindi man lang niya sinulyapan si Kris na laglag ang panga na nakatingin sa amin.

Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Nakangiting tinanggap ko naman yun. Nagulantang ako nang bigla niya akong hinila palapit sa kanya hanggang sa magkadikit na ang mga katawan namin. Bigla niya akong siniil ng halik sa labi! Gosh! 20 seconds yata ang tagal nun!

"Maraming tao!" Impit na bulong ko sa kanya. Ngumisi lang siya at hinalikan ako sa ulo.

Omg! Ang PDA niya po!

As usual, bulung-bulungan naman ang mga nakakita. Tss. Mga chismosa. Siguradong kakalat agad ito sa buong campus. Dadami na naman ang bashers ko. Inggit lang sila eh.

"She's mine. Kaya kayong IBA diyan, tigil-tigilan niyo na ang paglapit sa kanya."

Wala naman siyang ibang ibig sabihin sa 'IBA' niya kundi si Kris. Nagpaparinig. Hayy. Seloso talaga.

"Kris, sabay ka?" Kinindatan ko si Kris. Ngumisi lang siya at umiling.

"Hwag na. Next time nalang. May gagawin pa kasi ako." Kinindatan niya rin ako bago tumalikod.

"Tss."

"Hwag ka na ngang magselos sa kanya. Friends lang kami."

"Pero more than friends ang nararamdaman niya para sayo. Ugh!" Ginulo niya ang buhok niya sa inis at hinila ako papunta sa tree House namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's Secretly Married To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon