Chapter 43

6.2K 152 6
                                    


Nanlaki ang mata ni Keith sa narinig at binigyan ako ng masamang tingin.

Ngumisi siya.

"Dumating na pala ang prince charming mo. Nice timing. Kung hindi rin mapapasa-akin si Sehun, sabay ko nalang kayong papatayin." humalakhak siya na parang demonyo at sinampal ako.

Damn. Ang sakit nun.

"Sasalubungin ko muna ang mahal ko ha? Diyan ka muna." sabi niya at may sininyas sa tatlong tauhan niya.

Naiwan kami ni Danica at yung isang tauhan. Ang dalawa ay sumama kay Keith.

"S-sorry. Ginamit niya ako. H-hindi ko alam. Gusto ko lang talaga ipaghiganti ang mga magulang ko. A-akala ko manloloko ang mga magulang mo. Yun...yun pala sinisiraan niya lang sila. Naloko lang din ako. Sorry K-kaireen. Because of me..y-your –"

"Stop. Please."

Huminga ako ng malalim. I need air. Buti nalang at hindi umatake ang asthma ko.

"BITAWAN NIYO AKO! NASAAN SI KAIREEN?!"

Parang tumalon ang puso ko nung narinig ko ang galit niyang boses. Nandito siya. Ililigtas niya ako.

Lumabas galing sa pintuan ng rooftop ang dalawang tauhan ni Keith, hawak hawak sa braso ang nagwawalang si Sehun.

Nagtagpo ang mga mata namin at doon lang siya tumigil sa pagpupumiglas. Parang kumalma siya nung makita na ayos lang ako. Walang gasgas at sugat.

"Damn! Ayos ka lang, wifey?!" nag-aalala niyang tanong.

Tumango ako at akmang tatayo pero may humigit sa buhok ko.

"Not so fast, sis." sabi niya mula sa likod ko at mas lalo diniinan ang  pagsabunot sa anit ko.

Napapikit ako sa sakit.

"Bitawan mo siya, Keithleen!"

Dumilat ako at nakita ang galit na mukha ni Sehun. Masama ang tingin niya kay Keith.

"Ows? Pano kung ayaw ko? Ang rami pa namang atraso ng babaeng to sa akin." Hinaplos niya ang buhok ko.

Napasinghap ako nang itinutok niya ang matulis na dulo ng kutsilyo sa leeg ko.

"Hwag kang magkamaling gumalaw kung ayaw mong masaktan ang pinakamamahal mong asawa."

Tumigas ang bagang ni Sehun.

Napakagat ako sa labi. God, tulungan niyo po kami. Makaalis sana kami dito nang walang nasasaktan, even my sister. Hindi nga siya naging mabuting tao pero kapatid ko pa rin siya. Ngayon ko lang siya ulit nakita. Gusto kong magsimula ng buhay kasama siya.

"Shit! Shit! Fuck! Damn!"

Naririnig ko ang mahihinang mura ni Sehun.

"Naalala mo ba ang video namin, Kaireen?"

Tumingala ako at binigyan siya ng matalim na tingin.

Tumawa siya sa reaksyon ko.

"Ang tanga mo pala! HAHAHAHA! Akalain mo yun, naniwala ka pala? Well, actually totoo naman yun. Humingi lang naman ako ng maliit na maliit na favor sa kanya. It's just an act, sis. Scripted lahat. HAHAHAHA! Hindi niya alam na may nagvi-video na sa amin. Kapalit kasi ng partisipasyon niya ay titigilan na kita sa pagpapadala ng death threats. Hayy..Hindi ko matanggap sis na ikaw ang pinili niya over me. Mas sexy ako! Mas maganda! Mas matangkad! HAHAHAHA!" Humalakhak siya sabay lapit kay Sehun.

May binulong siya kay Sehun dahilan para mas lalong tumigas ang bagang nito.

Kinaladkad ako ng isa niyang tauhan sa may railings.

She's Secretly Married To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon