12

44 1 2
                                    

Keith's POV

Pagkatapos kong magpaalam kila Red na uuwi na ko ay agad na kong umalis. Pagod na talaga ang katawan ko. Ewan ko ba sa isang yon kung bakit naisipan nya na ngayon pa ihatid. Saglit lang naman yung byahe kasi gabi na. Katext ko din kanina si babes, hahahah de jk lang. Sabi ko bukas nalang kami magkita, pagod ang koya mo.

"Hi ma! Akyat na ko" bati ko ng makarating ng bahay

"Oh di ka na kakain?" sabay halik ko sa pisngi nya

"Di na ma, bukas nalang ng morning. Gdnight" umakyat na ko ng kwarto. Pero naisipan ko munang puntahan si Shane. Cousin ko, nasabi na naman ata ni Red eh. Pero nasa abroad yung parents nya. Shes 8 years old, almost 6 years na syang nandito. Kaya parang bunsong kapatid ko na din sya. Mahal ko yun kahit minsan di nya maiwasang maging pasaway.

Mahimbing na ang tulog nya. Madalas hindi ko na sya naaabutang giseng. I kissed her forehead and went out of her room. Makatulog na din ng maaga ng konti.

Compose

To: Red Sobrang Pogi

Hoy baktol! Nakauwi nako. Ingat kayo, wag mo na dalhin sa sogo magpahinga kana. Labyu

Send!

Pulpol talaga to, pinalitan nanaman yung pangalan nya. It should be "Red Baktol" yan para mas maangas.

Tinext ko na din si Cess. Gusto nyong malaman? Wag naaaaa hahahaha. Next time nalang matutulog na ko eh. Gdnight!

--

Nagising ako sa marahang tapik sa mukha ko. Nakita ko si mama, parang may kakaiba sa kanya. I check my phone 3 palang ng umaga eeh!!!

"Ma naman, 3 palang eh" maktol ko sabay taklob ng kumot

"Si Red" napabangon agad ako ng marinig ko yung pangalan nya. Hinihintay kong intuloy ni mama ang dapat nyang sabihin "Nagcollapse sya kanina, tumawag sakin Tita Lea mo. Basang basa daw ng ulan yun ng umuwi."

"Ha? Bat sya naulanan?!" naguguluhan ako

"Ako ata dapat magtanong nyan sayo" paktay

"Kasi nauna na po ako umuwi sa kanya kaya baka naabutan sya ng ulan." wag mo na kong gisahin mama.

"Hindi pa din sya nagigiseng ngayon. Wag ka nalang muna magtraining, alagaan mo din yung kapatid mo" yes kapatid si Red yun. Wala eh sayang nga at hindi talaga kami naging magkadugo

"Opo maliligo na ko."

"Bakit ang aga mo?" Mama

"Bibilhan ko muna po yun ng prutas, baka sa port pako bumili para sariwa"

"Oh sige tatawagan ko nalang si Lea para masabihan na pupunta ka. Pumunta ka muna sakin bago ka umalis" tumango nalang ako at dumiretso sa banyo

Ayoko muna mag-isip ng negative about Marie, pero bakit ganon nangyari sa kanya? Naguguluhan na ko sa earth na to.

Magkokotse nalang siguro ako para makabili ako ng pagkain nya. Dinaanan ko muna ang kwarto ni Shane, tulog na tulog ang prinsesa namin.

"Ma nasan ka?"sigaw ko pababa ng hagdan

"Sa kitchen po." amoy pancakeeeee waaaaaaaaah

"Mama pancaaaaakkkkeeee!!" ang tagal ko na bago nakakain ulit nito. "Pero alam ko namang kay Red yan" inantay ko nalang matapos yung niluluto nya. Sa drive thru nalang ako bibili ng akin.

"Sige na ingat ha? Meron ka din jan nakahiwalay na"

"Yeeeees!!! Thankyou maaaaa" pinuno ko ng halik ang pisnge nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She (GxG)Where stories live. Discover now