11

45 1 1
                                    

Bago ko makarating sa bahay nakita ko na si mama sa labas. Mas lalo kong mapapagalitan neto.




"Jared anak! Bat ka naman nagpaulan?" kalmado pa din sya kahit pano. Pinayungan nya ko habang kinukuha yung gamit ko.



"Eh wala nako magagawa ma. Mabuti kung naka-kotse ako" sabi ko na lang



"Pasaway kang bata ka. Ang lakas lakas ng ulan. Bat kasi hindi nalang yung binigay ng papa mo yung gamitin mo!" ayan na sya



"Ma please. Bukas na po yan. Lumalakas lalo yung ulan" naglakad na kami papasok ng bahay.



Binigyan agad ako ng towel at bihisan ni manang. Lumapit ako kay mama ay yumakap. Feeling ko kasi babagsak na yung katawan ko anytime.




"Jared! Jared!" rinig kong sabi ni mama bago ko tuluyan mawalan ng malay.



-



Nagising ako sa mga marahang tapik sa mukha ko. Masakit pa din. Yung katawan ko, pwede na din kasama yung puso. Daig ko pa ata naggym ng 10 days ng walang hinto. Pakshet to. Nakita ko si Keith. Puno ng pag-aalala yung mukha nya. Bigla akong napatayo.



"Anong oras na?" tanong ko. Taena nabigla pa yung katawan ko. "King ama ang sakit" di ko alam kung may tumunog sa buto ko



"Dahan dahan lang tanga. Di ka na po nakapasok." ang sweet nya pwe



"Bat di ako ginising ni mama?"



"Nilalagnat ka na mula kagabe, di ka din pinayagan nung doctor mo. 2 days ka muna daw hindi magttraining"



"Taenang yan" yung lang nasagot ko



"Mas gusto mo ata sa ospital eh" akma nyan kukunin yung phone



"Namo tumigil ka!!!" sigaw ko.



"Uminom kana ng gamot mo" sabay abot nya ng tray. May tubig na din



"Anong gamot to?" tanong ko bago isubo yung binigay nya



"Sleeping pills"



"Pakyu" nilapag ko nalang. Sleeping pills amputa dat di nalang ako ginising nito



"Joke lang gago. Sige na para makapagtrain kana agad, ayaw mo nun?" ininom ko nalang. "Tsaka bumangon kana jan. Kain na tayo"



"Masakit pa katawan ko. Pwede dito nalang muna ko?"



"Aalalayan naman kita eh. Dali na, gutom nako" tska nya inextend yung kamay nya para tulungan ako makabangon.



"Shit" sabi ko. Ang sakit talaga swear! Para kong hinazing amp.




Ang tagal namin bago makausad. Piniggy back nalang ako ni Keith pababa ng hagdan.




"Thank you best friend" saka ko sya kiniss sa cheeks



"Basta magpagaling ka, tsaka may ikkwento ka din sakin diba?" tumango nalang ako.




Parang fiesta yung dinner namin. Puro favorite ko pa yung niluto. Napangiti naman ako. Nakita ko din yung relief sa mukha ni mama.




Hay nako Marie. Hahahahaha nagkasakit lang naman ako. Wala ka namang paki eh.

She (GxG)Where stories live. Discover now