Diez

47 0 0
                                    

Jared's POV




This is it. Grab some FreshV. Legoo. Tumayo na kami ng makita naming tapos na sila Tam .




"Tamayo and Smith" rinig ko pang sabi ni Marie. Seryoso lang kami ng papuntang mini stage sa hapar.




"Good afternoon." pagsisimula ni Keith. "Napili naming word is Pag-ibig"




"Pag-ibig" sabay pakita ko ng isang papel, nakasulat don yung mga words na babanggitin ko. Mga ibang tawag lang naman. "Love in english. Amor in spanish. Leiben in german and many more. Pero iisa lang naman ang ibig sabihin nito diba? Pag mamahal. Mapa-kapwa, kaibigan, pamilya oh kung sa mga girlfriend o boyfriend man natin. Love? Hindi yan hinahanap kundi nararamdaman. Hindi yan kayang bayaran ng kayamanan. Ito yung isang bagay na panghabang buhay mong mararamdaman. Minsan hindi mo mapipigilan at kung kanino mo nalang to mararanasan" sabay sulyap ko kay Marie



"Pag-ibig? Wala tong pinipiling edad, tao, kasarian. Kahit sino tinatamaan nito. Parang epidemya na kumakalat at magugulat ka nalang meron kana. Sa mga katulad naming lesbian?" huminto saglit si bon "Hindi din namin ginusto na magmahal ng kapareho namin ng gender. Sino ba namang may gusto na tignan ka ng ibang tao na parang may sakit ka? Wala naman diba." Keith



"Sige ikaw Alonzo, ano para sayo yung meaning ng love?" tanong ko sa kaklase kong nakaupo sa harap. Napaisip sya "Hindi mo masasagot agad kasi maski ako hindi ko alam." napatawa sila. Eh totoo naman eeh! "Yung love kasi hindi mo madidiscribe sa mga words right?"



"Kaya para samin, love is pagibig. Amor is leiben. Ang pag-ibig ay pag-ibig. Minsan sa hindi mo inaasahang panahon mararamdaman mo nalang to" pagpapatuloy ni Keith



"Its about not the age, nationaliity nor gender. But the feelings that the two person share with each other" pagtatapos ko. Nagpalakpakan naman yung iba. Bumalik na kami agad sa upuan namin.




"Phew" rinig kong sabi ni Keith. Nagfist bump nalang kami. Ewan ko ba lumabas nalang to sa bibig namin eh. Walang preparation. Yung sinulat ko lang sa papel hahaha.




Konti nalang din naman yung magrerecite kaya hindi nalang kami natulog. Baka mabawasan pa grade namin.



Naglaro nalang kami ng nba sa phone namin. Hahahaa magkalaban kami ng kumag. Lakers ako tas Cavs sya. Nandun daw si LeBron idol nya. Tawa lang kami ng tawa dalawa. Syempre yung walang boses no. Magalit pa si Marie Cruuuuz.

She (GxG)Where stories live. Discover now