Part 6

99 2 0
                                    

Breeze

Dati, super against ako sa mga nagliligawan sa text, nagcoconfess sa text, etc. Kasi naman, nasaan ang sincerity doon? Nasa sim?

Noong tinext sa akin ni Storm na gusto niya ako, tinanong ko sa kanya kung nagbibiro lang ba siya or what. Hindi naman daw. Kaya sabi ko na lang, sa Monday kami mag-usap. Shete! Kinakabahan ako! Paano ko sasabihin sa kanya na dati, crush ko siya pero ngayon, hindi na? 'Di ba, mas masakit yun? Margo! Friend, I need you! Kaloka. Ang drama ko na.

Pagkarating ko sa tapat ng classroom namin, nakita kong sarado pa 'yung pinto. Ibig sabihin, wala pa si Aero. Siya kasi key keeper namin. Himala at naunahan ko siya! Kaso, ang dami kong bitbit at ayoko namang itambak ito dito sa hallway. Kumuha ako ng clip sa bag ko at ginamit iyong pangkalikot sa padlock. Konting pihit lang, tenen! Bukas na!

Pumasok na ako sa loob tapos nilagay ko na ang mga gamit ko. Lumabas din ako agad at ibinalik ang padlock sa pinto.

Naglakad na ako papuntang Roxas Hall. Kadikit iyon ng building namin kaya malapit lang. Pagkapunta ko sa staircase, third floor, nandoon na si Storm, nakasandal sa railings. Napag-usapan naming ngayong umaga mag-usap, bago magflag ceremony. Kapag kasi sa tanghali o kaya sa uwian, panigurado marami nang tsismosa at usiserong nagkalat sa tabi-tabi.

"Bree!" bati niya nang makita ako. Gosh, ang sigla niya! Paano ko siya magagawang iturn down? Hindi ko naman kasi alam na makakasakit ako ng iba dahil nahulog sila sa taglay kong ganda. This is so effin' hard!

"Uy." Sumandal din ako sa railings pero medyo nakaharap ako sa kanya. "Di na ako magpapaligoy-ligoy ah? May gusto ka talaga sa akin?" lakas-loob kong tinanong. Hindi na mareach ang fighting spirit ko! Grabe. I wonder kung saan ko nahugot ito.

"Magagalit ka ba kung sasabihin kong... oo?" Nakahawak pa siya sa kanyang batok at halatang nahihiya.

"Ha? Ano ka ba, hindi noh. Pero ano kasi..." Sheez. Ang hirap sabihin! "S...sorry, Storm." Halatang natigilan siya sa sinabi ko kasi naging tensed ang balikat niya.

"Di pa nga nanliligaw, basted agad?" biro niya kahit halata naman sa kanyang mukha ang disappointment.

"Tsk. Storm naman eh! Wag ka ngang magdrama jan. You know we can always be friends right?"

"Nice, friendzoned. Mas masakit ata yun."

"Storm!" Lalo niya lang akong pinapaguilty! Pero natawa naman siya nang kaunti, thank God. Akala ko magiging super serious and mega awkward ang usapang ito.

"Lagi mong tatandaan, nandito lang ako ha," sabi niya habang pinipisil ang pisngi ko.

"Aray naman! Oo na. At thank you for liking me, though hindi ko talaga masusuklian yung feelings mo."

"Kasi may iba kang gusto." Tapos bumalik na naman 'yung malungkot niyang expression. Medyo nagpanic tuloy ako.

Hindi ko alam kung makakagaan ito sa loob niya pero naisip kong sabihin na rin. "Naging crush kita, Storm. Nagustuhan natin ang isa't isa... Hindi nga lang sabay." Medyo pabulong ang pagkakasabi ko sa last sentence, sakto lang para marinig niya.

"Tara na nga, balik na tayong Carpio Hall," pagchange ng topic ni Storm. I just nod then we headed back to our building. Akala niya siguro hindi ko napansing hindi niya tinanong kung sino 'yung gusto ko. Maybe he knew that I wouldn't tell him. Good thing since I think it's not the right time yet.

* * * *

Aero

Tatlong buwan. Tatlong buwan ko nang iniiwasan si Bree sa pag-aakalang mawawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Wala namang talab. Para lang akong tanga sa ginagawa ko.

Mga bandang August nung nabasa ko 'yung notebook ni Bree. Puro tungkol iyon sa asungot na si Storm kaya nalaman kong ang lalaking 'yun pala ang gusto niya. Langya, si Storm pa napansin niya, nandito naman ako na apat na taon na niyang kaklase? Nakakainis. Nakakaselos.

Noong araw na nakita ko sila sa McDo, nag-usap kami ni Storm. Nag-CR si Bree kaya kaming dalawang lalaki ang naiwan.

"Pre, pinopormahan mo ba si Breeze?"

Sabi ko na nga ba, magtatanong 'yan.

"Ano naman sa iyo?" ganti ko habang nakangisi.

"Gusto ko siya. Kaya kung naghahanap ka ng babaeng pagtitripan mo, humanap ka ng iba."

Tangna. Gusto nila ang isa't isa. Saya pala.

"Kung totoong gusto mo siya, aminin mo sa kanya. 'Di yung sa akin mo sinasabi."

Pagkatapos ng araw na iyon, nagsimula nang magpabida si Storm. Sa room namin, nakikita ko 'yung paghampas ni Bree kay Margo kapag kinikilig siya. Nakikita ko 'yung kanyang pagngiti tuwing nakatingin sa cellphone niya.

Gusto kong laging masaya ang mga taong importante sa akin. Kaya sige ayos lang. Kahit masakit. Kahit nakakalungkot.

Hindi ko malilimutan 'yung araw na nagdampi ang mga labi namin ni Bree. Nakita kong nagulat siya at ganoon din naman ako kahit hindi ko pinahalata. Gusto kong magsorry nang mga oras na iyon pero hindi lumabas sa bibig ko. Hindi ako nakatulog noong kinagabihan dahil hindi maalis sa isip ko 'yung pakiramdam ng malalambot niyang labi. Hindi ko na rin siya nakausap tungkol doon. Sa palagay ko, binaliwala na lang niya at inisip na aksidente lang ang nangyari.

"...crush kita, Storm. Nagustuhan natin ang isa't isa..."

Napamura ako nang marinig ko iyon. Hindi ako pwedeng magkamali, boses iyon ni Bree at mukhang nagkakaaminan na sila ngayon ni Storm.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at hindi pinansin yung kirot sa dibdib ko. Tsk. Bakit ba kasi naisipan kong magshortcut sa Roxas Hall?

Pagkarating ko sa room namin, nagtaka ako dahil bukas na ang pinto kahit nasa akin yung susi. Nakita ko ang bag ni Bree na nakapatong sa upuan niya kaya malamang siya ang may kagagawan. Napailing na lang ako.

Nilagay ko na rin ang mga gamit ko sa upuan at kinuha 'yung flash drive mula sa isang bulsa ng bag ko. Tinamad kasi akong ipaprint kagabi yung pinapagawa sa Physics kaya ngayong umaga na lang. Sana bukas na yung paprintan dito sa school.

Pero bukod sa flash drive, may iba akong nakita. Isang pulang sobre. Isang sulat na ginawa ko para kay Bree noong mga panahong naisipan kong magpakasecret admirer. Hindi ko alam kung anong nakain ko noon at gumawa ako ng ganitong kabaduyan. Ang alam ko lang, binuhos ko lahat ng nararamdaman ko sa sulat na ito. Nyemas. Ang bading pakinggan. Paniguradong aasarin ako ng mga kaibigan ko kapag nalaman nila ito.

Bigla na lang yata akong nawala sa katinuan noong kinuha ko 'yung sobre at pasimpleng inilagay sa loob ng bag ni Bree. Eksakto pagkatapos kong gawin iyon, nagsidatingan na ang iba ko pang kaklase. Phew. Muntik na.

Lumabas na ako ng room at napaisip. Siguro ito na ang panahon para ako naman ang umamin.

Galawang BreezyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon