Two

40.6K 1K 119
                                    

NAGLAKAD ako hanggang Bonifacio High Street... in heels. Malayo siya pero hindi ko napansin 'yung pagod or 'yung init ng araw. I just needed to walk my anger off. Kumain ako mag-isa sa Italianni's pero kinausap ko 'yung isa sa mga best friends ko, si Alessa, at nagsumbong sa kanya tungkol sa bago kong assistant. Siyempre, kampi siya sa 'kin and she was as disgruntled as I was.

But then she suddenly asked. "Gwapo?"

Oo—MEREDITH!

"You are not helping me!" I scolded her.

"But you think nga gwapo siya?"

"What?" I exclaimed, exasperated.

"That's a yes, Mere."

I rolled my eyes. "Walang kinalaman ang pagiging guwapo niya sa efficiency niya as an assistant, 'no!"

"Hmm, avoidance. That definitely is a yes."

"No!" I cried.

"I'll tell the girls."

"I hate you."

"Pero, girl, kung guwapo, I think I'll give him a chance. Kahit nga one month lang."

"Hindi nakakapag-set ng tamang appointments or nakakapag-compose ng e-mails ang kaguwapuhan."

"So you think nga guwapo siya?"

"I think I did mention that I hate you," I repeated.

She laughed. "Look, why don't we meet up. Mamayang gabi? You sound like you need a girls' night."

"Kung buhay pa ako mamaya. Or kung hindi pa ako nakukulong for killing him," I retorted.

"'Wag kang OA," she said, laughing. "Does 7 P.M. sound okay?"

"All right. Dito na lang sa BHS?"

"No problem. Ako nang bahala kila Charlie at Pia. Love you, sweetie. And okay lang 'yan. I'm sure kaya mo 'yan."

I sighed. "Right. Love you, too. I'll see you tonight."

Nag-caffe latte din ako sa Starbucks sa sobrang stress ko at pumasok sa ilang shops sa High Street. Nakabili ako ng libro sa Fullybooked na matagal ko nang gustong basahin and a new blouse na hindi ko naman kailangan from Muji. Cute kasi eh. Saka hayaan mo na! Di ko man kailangan 'yung blouse, kailangan ko naman 'yung therapy!

Anyway, nag-cab na ako pabalik sa office. Busy sa mesa niya ang assistant ko. Sana lang di siya nag-de-delete ng kung anu-ano 'no! Di ko na siya binati. Iinit lang ang ulo ko. Dumerecho ako sa office ko at isinara ang pinto. I sat down at my desk and moved my mouse. Magtatrabaho ako ngayon, and I'm going to forget that I have a new assistant.

Masamang panaginip lang ito. Magigising din ako.


AT SIX P.M., nag-shut down ako ng computer, took my bag and stood up. So far, hindi ako tinawagan n'ung ungas sa labas. No calls, no e-mails pero may lumalabas ng bagong dates sa shared calendar namin... na mamaya ay buburahin bago lalabas ulit. Minsan may lalabas na schedule pero walang laman, then mawawala na naman 'yung entry bago mag-re-re-appear na edited na. Naglalaro lang ba 'to?

Anyway, lumabas na ako ng kuwarto. Nand'un pa rin siya sa desk niya, nakatingin sa monitor niya, may binabasa. At least hindi Facebook na naka-block sa office. You can go to the page, but you can't log in. I think he found that out earlier.

I didn't realize that I was watching him while I was locking my door.

Fine, Alessa! I told my friend in my head. You win! Yes, guwapo siya! But kung mahangin naman at guwapong-guwapo sa sarili, di ba nakakabawas 'yun?

Falling for Ash MontesinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon