4 (MEET THE BUTLERS)

11.9K 398 1
                                    

Habang naglalakad kami papasok sa Powerful Academy, nagkuwento si Mama...

Chelsea – "Yung portal na humigop sa inyo ay inutusan ko na dalhin kay Omen. Isa siyang puno na mapagkakatiwalaan ng Gubat na iyon. Naging alaga namin iyon ng Papa niyo. Hanggang sa umalis kami dito ay kaibigan pa rin naming siya. Kaya kayong dalawa, alagaan niyo ang sarili niyo pati na rin ang kalikasan dahil sila lamang ang mga mapagkakatiwalaan niyo kapag may problema kayo.. Oh andito na pala tayo."

Charles – Hindi kami magtatagal dito. Hello Butlers. (^_^)

Nagulat naman ang kambal sa inasal ng mga butlers. Kasi naman... Bigla silang yumuko na parang hari/reyna o Prinsipe/Prinsesa ang kaharap. Pagkaalis nina Mommy at Daddy ay nagsalita na ang mga butlers.

Butler – Good Afternoon. I am Butler King and this is Lewis, Wood, Green, Reed, Ann, and Kath. Okay guys, carry their bags and Follow me.

Pumasok kami sa loob ng Powerful Academy. Woaahh!! Kung anong ikinaganda ng labas, siyang lalong ikinamangha ng loob. Naglakad kami pakanan tapos derecho tapos kaliwa naman tapos derecho ulit tapos tumigil kami sa isang kulay Gold na pinto na may nakalagay na "Master Lee's Office. Knock before you enter."

*Knock Knock*

Master Lee – Come in!

Butler King – Master Lee. *yuko* Nandito na po ang anak nina Mr. and Mrs. Martin.

Master Lee – Sige lumabas muna kayo. Maiwan kayong dalawa.

Pagkalabas na pagkalabas ni Butler King at mga kasama niya, lumapit sa amin si Master Lee.

Master Lee – Ikinagagalak kong makilala kayo, kamahalan.

Cara – P-po? Kamahalan agad?

Clark – Paki paliwanag po bakit niyo kami tinawag na kamahalan?

Master Lee – "20 years ago, itinalaga ang mga magulang niyo bilang Prinsipe at Prinsesa ng Academy na ito dahil sila ang pinakamalakas na estudyante. Nuong magiging Hari at Reyna na sila nagkaroon ng ka-gimbal gimbal na pag aaway sa pagitan ng Powerful Academy at Black Magic. Napatay naman nila ang mga kalaban ngunit nagulat kami kasi bigla silang naglaho pagkatapos nuon. At hanggang ngayon ay hindi pa namin sila nakikita. Dahil nangako sila sa pinakamataas na nakaupo ng panahon na iyon na hinding hindi na sila babalik ditto at tanging kayo, na anak nila lamang ang makakapunta dito. Naging tahimik at maayos naman ang Academy pagkatapos ng 5 taon ngunit dunating sa akin ang balita na kayong dalawa, Clark Kent Martin at Cara Agatha Martin, ang susi upang hindi magtagumpay ulit sa pangalawang pagkakataon ang pananakop ng mga taga Black Academy."

Cara – Ano po yung Black Academy?

Clark – Bakit gusto nila na sakupin ang Powerful Academy?

Master Lee – Good Question. Ang Black Academy ay ang iskuwelahan para sa mga taong napuno ang puso at isip nila ng puro inggit, galit at paghihiganti. Gusto nila sakupin ang Powerful Academy upang lumakas at lumaki pa ang kanilang kampo. Magpahinga na muna kayo. Heto nga pala ang schedules niyo. At nasa kuwarto niyo na rin ang mga uniform niyo. Sa lunes na ang pasok niyo. Hiwalay ang rooms ng boys sa girls dito kung kaya magkikita lang kayo kapag pasukan na. At saka kapag walang pasok.

Cara – Pe-pero..

Clark – Pasensya na po.. Pero hindi po kami sanay na hiwalay ang kwarto. Hindi po ba pwedeng magkasama na lang kami?

Master Lee - Pero isa yan sa mahigpit na rules dito. Pasensya na. Makakaalis na kayo.

Agad namang lumabas ang dalawa at nag iiyak naman si Cara. Lumaki silang magkasama. Magkasundo sa lahat ng bagay. Minsan lang sila mag away pero nagkakabati rin. Nung nasa mundo pa lamang sila ng mga tao ay iisa lang ang kwarto nila, magkaiba lang ng kama. Kaya ganun na lang ang pagka lungkot sa mukha ni Cara na mahiwalay sa kuya niya.

Butler King – Cara this is your room. Girls, maiwan ko na kayo.

Pagkatapos ay ako naman ang hinatid ng mga butlers na ito. Grabe napaka strict naman ng Academy na ito. Ilang minute pa lamang kaming hindi nagkakasama ni Cara miss ko na siya agad. Haayyy...

********************

UPDATING..... 

kEEP VoTING AND ReaDING.. 

POWERFUL ACADEMY:FINDING THE MOST POWERFUL TWINS (COMPLETED)Where stories live. Discover now