"Uuwi na."Matipid kong sagot.

"E di sumabay ka na sakin."Umiling ako.

"Huwag na, mag tataxi lang ako."Mas lalo namang nagtagpo ang kilay niya.

"Bakit?!"Singhal niya sakin.

"Eh kasi nga di ba naiwan ko ang sasakyan ko doon sa building dahil sasakyan mo ang ginamit!"

"Ke babae mong tao nagta-taxi ka sa ganitong oras.Alam mo bang napakadelikado? Wala ka bang takot na nararamdaman?" Nagulat ako sa tanong niya lalo na't narinig ko na ang mga salitang iyan noon. Napapikit nalang ako.

"Sige..sasabay ako"

"Ewan ko sayo!Abno ka talaga!"

"Kung ako abno! Ikaw naman baliw! Anong akala mo?Mapapansin ka nila?!Gumising ka nga!"Sigaw ni Adrienne sakin mula sa taas ng bahay nila.

Nandito ako ngayon sa kanila dahil makikigamit sana ako sa wifi para mag update sa fan account ko.Ilang araw na akong walang update dahil sinadya nina mama na ipapaputol ang wifi para mag-aral kami ng kapatid ko. Nag offer naman si abno sakin kaya pumayag ako.

We were laughing kaninang hapon pagkarating ko, eh ngayon gabi na hindi ko alam kung ano ang nangyari at nauwi kami ulit sa sigawan. Padabog akong umalis sa bahay nila, wala naman ang parents niya at mga maids lang.Ayaw ko sanang mang eskandalo don lalo na't bahay nila iyon pero di ko talaga maiwasang di sumigaw sa kanya. Rumesbak lang naman ako dahil nanlait siya sa boys(1D) at ayun! Nauwi kami sa away.

Lumabas ako sa bahay nila.Shit lang! Gabing gabi na tas subdvision pa naman ito, baka malayo pa ang lalakarin ko para maka hanap ng taxi. Naglalakad lang ako nang tumulo ang luha ko.Mabuti't gabi na at walang tao sa daan, baka akala ng mga tao dito eh baliw ako.

Hindi ko naman mapigilan, nanlalait siya tas sinabihan pa niya akong baliw.At isa pa, pinabayaan niya ako ngayon na maglakad sa madilim na daan pauwi.Alam naman niyang takot ako maglakad mag-isa sa daan eh lalo na't gabi.Kahit nag-away kami,kailangan pa rin naman niyang i fulfill ang pagiging boyfriend niya.Wala naman sigurong boyfriend na iniiwanan ang girlfriend nila sa dilim kahit magkagalit sila,di ba? Baka si Adrienne lang,demonyo iyon eh!Hanggang sa nakalabas ako ng subdivision, wala pa ring Adrienne na sumunod sakin.

Pinunasan ko ang aking luha.Ayaw kong maging mahina.Okay lang sana kung sumunod siya eh wala!Sige, hindi mo ako papansinin?Pwes, walang Sydney na magpapakita at kakausap sayo!

Kinuha ko ang phone at tinaggal ang battery.Bahala ka diyan, tumawag ka man o hindi, wala na akong pakialam.Naglakad lang ako nang may humawak sa braso ko at nasampal ko kung sino ito dahil sa gulat.

"Adrienne?!"Nakahawak ito sa mukha niya. Gusto ko siyang lapitan at mag sorry pero hindi ko magawa dahil nga galit ako sa kanya.

"Ang sakit non ah!"Reklamo niya.

"Oh?Ba't ka nandito?"Pagtataray ko sa kanya "Akala ko ba galit ka sa'kin?May puso ka pa pala para asikasuhin ang GIRLFRIEND mong naglalakad mag-isa?!"Hindi niya lang ako pinansin at sa likod ko lang nakatingin.

"Ano bang balak mo?Maglakad pauwi?"

"Magta-taxi ako."Sagot ko na hindi nakatingin sa kanya.

"Ano?! Ke babae mong tao magtataxi ka sa ganitong oras?! Alam mo bang napaka delikado ngayon?! Hindi ka man lang ba natatakot?"Sumbat niya sakin. So, ako pa ang pinapagalitan niya?

Sasagot pa sana ako nang pumara na siya ng taxi at binuksan ito.

"Sakay."Sabi niya coldly. Akala ko ipapasakay niya lang ako pero nagulat ako na pati siya ay sumakay din!

Tahimik ang biyahe papunta sa bahay namin.Nang nasa tapat na kami, ako sana ang magbabayad.

"Ako na."Sabi niya in a cold tone pa rin.

Naiinis na talaga ako sa kanya. Wala man lang akong natanggap na sorry man lang?! Wow! Tapos siya pa ang may gana magalit na siya naman talaga ang dahilan kung bakit kami nag-away.Okay,nasaktan ko rin naman siya.Pero kahit na!Alam na alam niya na ayaw kong iniinsulto iyong idol ko eh!

Padabog akong lumabas sa taxi at pumasok sa bahay. Dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig, kailangan kong magpa lamig.

"Asan ang kapatid mo?"

"Ewan ko.Baka nasa kwarto."Sagot ko in a cold tone na hindi humaharap sa kanya. Matagal din nakabalot ang katahmikan.Ilang baso na ng tubig ang nainom ko.Ayaw ko pa kasing humarap baka nandiyan pa si Adrienne kaya nag pa as if nalang ako na umiinom ng tubig para wala akong rason na humarap sa kanya. 

Nang tahimik na ang bahay at parang umalis na siya, ibinaba ko ang tubig at pinunasan ang luha na tumulo.Bwesit naman oh!Sabi ng hindi ako iiyak, ang abno pa iniwanan ako. Aakyat nalang ako sa kwarto at doon na mag drama ulit. 

Tatalikod na sana ako para pumunta sa taas nang may yumakap sa'kin mula sa likod at ibinaon ang mukha sa leeg ko.

"A-adrienne? Hindi ka pa umaalis?"Gulat na tanong ko, pinunasan ko naman ang luha.Potek! Nakita ba niya akong umiyak?

Hindi siya sumagot at umiling lang.Pilit kong tinatanggal ang yakap niya sa'kin pero di talaga niya binibitawan at mas lalo pang humihigpit.

"I'm sorry."Mahina niyang sabi.

Hinayaan ko nalang siyang yakapin ako.

"Para saan?Doon sa pag-iwan mo sakin at pinabayaan mo ako?"Tanong ko.This is a big deal for me lalo na't aware si Adrienne na ayaw kong iniiwanan na naglalakad tuwing gabi..Well,sino bang babae ang may gusto niyan?

"Sa lahat.I know, nadala lang talaga ako. Nung nakaalis ka, hindi naman sana kita hahabulin.."Tignan mo na, so wala talaga siyang plano? WOW! 

"Pero na realize ko na baka pag pinabayaan kitang galit sakin all night,baka iwan mo ako.Baka maghanap ka ng iba.Baka mawala ang feelings mo sakin."Lihim akong napangiti, kasi kahit playboy siya noon, wala pa rin siyang alam tungkol sa mga relasyon.I know wala din akong naging ka-relasyon noon pero alam kong hindi basta bastang mawawala ang feelings ng isang tao.

"At iyan ang ikinakatakot ko, ang mawala ka sakin.Halos mawalan ako ng hininga kakatakbo para hanapin ka."Tumawa naman ito ng mahina at mas lalong ibinaon ang mukha sa leeg ko, kulang nalang ang sakalin ako eh 

"Iyon na ata ang pinakamabilis na itinakbo ko."Ngayon ko lang napansin kasi galit ako sa kanya eh basa nga siya sa pawis. Naku! baka magkasakit ito "Pero huwag kang mag-alala, gagawin ko ulit iyon kahit ilang beses kung sakaling mawala ka. Wala akong pakialam mawalan ng hininga basta mahanap ka lang."

Halos maluha ako sa sinabi niya. I had no idea na pwede maging ganito ang lalaking katulad ni Adrienne.Maging ganito ka sweet. No wonder na mas lalo ko siyang nagugustuhan sa bawat araw na nagdaan because he can make a peasant into a queen at sobrang proud kong sabihin na ang lalaking 'to ang boyfriend ko.

And I'm YoursWhere stories live. Discover now