Chapter 3

130 9 1
                                    

Kailangan ko nalang akyatin pa ang tatlong floors.Bwesit! Walangyang CEO iyon!Halos mawalan na ako ng hininga sa apat na floors na inakyat ko.Ang sakit na ng paa ko eh pati na likod!

Nagulat nalang ako nang may kumuha sa box mula sa kamay ko.

"Francis?"Isang ngiti lang ang binigay niya sakin.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"May pupuntahan sana ako kaso sira iyong elevator at eto nakita kita."Pagpaliwanag niya.

Hinatid niya ako hanggang sa floor na pupuntahan ko.Laking pasalamat ko at dumating siya dahil kung hindi, ewan ko nalang kung ano na ang naging itsura ko ngayon.Iniwanan niya rin ako dahil nasa itaas pa ang floor na pupuntahan niya.Kawawang Francis, nadamay pa tuloy sa kalokohan ng CEO.

Pagkarating ko sa opisina ni Ms.Zura, nagulat naman ito sa bitbit kong kahon.

"Pinabibigay po ni Sir."

"Para saan?Wala namang sinabi sakin." 

Pesteng buhay oh!Sinasabi ko na nga ba na pinaglalaruan lang ako nun

"Ahh..ilalagay ko nalang po ito dito."Sabi ko at inilagay iyon sa gilid ng mesa ni Ms. Zura bago ako lumabas.

Dederetso sana ako sa CR para mag retouch,nasa baba naman pala ang make up kit ko! Inayos ko nalang ang buhok ko habang pababa ng hagdan.

Halos mawalan na ako ng hininga nang marating ko ang floor ko, dumeretso ako sa bag para mag retouch nang may napansin akong papel sa mesa. Nakatupli ito at binuksan ko naman at may sulat.

See you later at 8 sa labas ng building.Wear something formal.May pupuntahan tayong meeting.

Angelo Montellano

Matapos ang araw na puro pagsama ko sa kanya sa mga meetings niya,nandirito na ako ngayon sa labas at exactly 8 pm ay dumating siya dala ang sasakyan niya.Wala kaming imikan hanggang sa marating ang isang restaurant. Pagdating namin doon, may limang lalaki na naghihintay.Tumayo naman ang mga ito pagkarating niya.

Nasa round table kami at naka pwesto ako sa gilid niya. We had dinner first before sila nag proceed sa meeting.As his secretary,wala akong ibang ginawa kundi ang mag take note sa mga pinag-uusapan nila. But one thing bothered me, yung dalawang middle aged na mga lalaki na nasa harapan ko eh pasimpleng sumusulyap sakin.

Tusukin ko iyang mga mata niyo eh.

Inayos ko ang sarili ko.Ang damit ko ay itinaas ko ng kaunti, mahirap na baka minamanyakan ako ng matatandang ito.

"So, ang sinasabi mo hindi natin pwedeng i expand ang business sa Europe?"Kaswal na sabi ni Angelo at inilagay ang kamay niya sa balikat ko.Medyo nagulat naman iyong mga lalaki sa ginawa niya pero ipinagwalang bahala din nila.

Anong bang probema niya?Alam niya bang dapat siya maging pormal lalo na't importanteng meeting ito?At eto siya, nakalagay ang kamay sa balikat ko. Pasimple kong tinanggal ang kamay niya sa balikat ko at umirog ako ng kaunti palayo para hindi niya ako hawakan.

Nang matapos ang meeting, isa-isa na silang nagsipag alisan. Hinintay kong tumayo si Angelo, nakaupo lang ito eh. Naiwan ko ang kotse ko sa building, di bale na mag ta-taxi nalang ako pauwi.Bukas ko nalang kukunin ang sasakyan ko.

Natauhan ako nung tumayo siya at sumunod ako sa kanya. Pagkalabas namin sa restaurant, lumihis ako ng lakad para maghanap ng taxi.

"Sydney!"Tawag niya sakin, natigil ako at hinarap siya.

"Ano?!"Sigaw ko pabalik.Luminga linga muna siya sa paligid bago ako nilapitan.

"Saan ka ba pupunta?"Tanong nito na nakatagpo ang kilay.

And I'm YoursOn viuen les histories. Descobreix ara