Chapter Six

4K 54 9
                                    

"TARA, sa labas." Napatingin si Dionne sa gawi ng nakangiting si Sean. Ginantihan niya rin ito ng ngiti. Hindi lingid sa kaalaman niya ang nangyari noong isang araw. Para sa kanya, ay kinalimutan niya na lamang ang nakita. Alam niya namang nagsasabi ng totoo ang binata sa kanya. Inayos niya muna ang kanyang sarili at sumunod na lumabas kay Sean. Tanghaling tapat na at mahangin ngayon sa mga oras na 'yon. Nanatiling nakatayo silang dalawa habang nakatingin sa malawak na karagatan. Lihim na napasulyap si Dionne sa gawi ng binata at saglit ngumiti. Napabuntong hininga siya. Kung si Jaye ka lang talaga mamahalin kita araw-araw. Kaso hindi, e. Hindi kita kayang mahalin. Napaismid na lamang siya sa inisip.

Hinawakan ni Sean ang kamay niya at may kung ano'ng kuryenteng dumaloy sa katawan niya. Animo'y mga ilang boltahe iyong naramdaman ng dalaga. Tumakbo silang dalawa nang nakangiti. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman kasi ang alam niya ay masaya lang siyang kasama si Sean. Sa haba ng tinakbo nilang dalawa ay napahinto sila sa maliit na gubat. May kaunting puno ng mangga pero hindi iyon ang pakay nila. Dinala siya ng binata sa isang punong nakatirik sa 'di kalayuan. Nangunot naman ang noo niya baka kasi, iniengkanto na siya roon. Napailing na lamang siya sa iniisip.

"T-Teka, ba't dito tayo sa nag-iisang punong 'to? At ano'ng puno ito, Sean? Ikaw ba iyan, huh?" Tadtad na tanong niya sa binata. Ngumisi naman ito 'tsaka umiling.

"Hindi ka iniengkanto, Dionne. Si Sean 'to, siyempre." Anito sa kanya sabay pa-cute. Hinampas niya naman iyon sa braso nito.

"Feeler!"

Tumawa na lamang ang binata bilang ganti. Saglit na napatigil si Dionne. Iyong tawa niya... Napailing muli siya dahil gumugulo kaagad sa kanya ang konsiyensiya niya. No, hindi siya iyan! Ang gulo ng mundo. Maybe coincidence. Mariin siyang pumikit at umiling-iling.

"Okay ka lang?" Tanong ng binata sa kanya. Tumango naman siya 'tsaka umiwas ng tingin.

"Diyan ka lang, ah?" Turan ni Sean at agad itong lumayo sa kanya. Nagulat siya at biglang nagkaroon ng takot sa kanyang dibdib. Baka kasi hindi na siya babalikan nito. Unang beses niya pa lang kasing napunta roon. Napakamot na lamang siya ng ulo, mayroon naman siyang tiwala sa binata kaya alam niyang babalik iyon. Napasandal naman siya sa puno at napatingin sa taas. Maraming mga bunga itong punong 'to. Nanlaki ang mga mata niya.

"Kasuy ba 'to?" Nagtatakang tanong niya.

"Hey!" Nabaling naman ang tingin niya sa binatang may dalang panungkit ng bunga ng kasuy. Kunot-noo siyang lumapit dito.

"Kasuy ba ito?" Tumango na lamang ang binata bilang sagot.

"Hawakan mo 'to," anito at inilahad sa kanya ang panungkit. Kinuha niya naman iyon at sumandal muli sa puno. Napansin naman niyang biglang naghubad ng pang-itaas na damit ang binata. Hala! Ano'ng gagawin niya?! Nagpa-panic na sabi ng kanyang isip. Nanatiling nakadilat ang kanyang mga mata habang nakatitig sa binata.

Dinig niya'ng tumawa ito at tinapik siya.

"'Di kita aanuhin, 'no. Pahawak muna ng t-shirt ko. Puti kasi baka mamantsahan kaya hinubad ko." Anito at preskong kinuha sa kanya ang panungkit. Kumindat pa ito sa kanya! Pakiramdam niya tuloy namuo ang dugo niya sa kanyang mga pisngi. So kailangan kumindat 'tsaka magpapakita ng abs kung susungkit ng bunga ng kasuy? Ano 'yon? Bagong tema ng The Naked Truth? Naisaloob-loob niya at tumawa na lamang siya sa iniisip.

"Nakita mo lang abs ko natawa ka na kaagad. 'Di bale, mati—"

"Manahimik ka nga!" Inis na turan niya rito. Pero ang totoo niyan ay medyo kinilig siya sa binata. Ewan nga ba, ang hirap niya ring basahin minsan. Lumayo na siya sa pagkakasandal sa puno at tiningnan niya na lamang ang binata na tahimik na nanunungkit ng bunga ng kasuy. Ang buong akala niya'y ang buto lang ang kinakain doon iyon pala pati iyong bunga nito. Hindi niya kasi alam kung paano gawin ang kasuy, e. Ngayon lang din siya nakakita ng puno nito.

Lost In Paradise (HSS: Dionesia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon