www.youtube.com(TÚ ERES EL PRÓXIMO)

155 4 0
                                    

Hating-gabi na't hindi pa rin ako makatulog. Paano ba naman? Nahack ko na naman ang wifi password ng kapitbahay ko.

"Sobrang bilis talaga!" namimilog ang matang sambit ko nang makapag-umpisa ako sa pagsusurfing.

Dahil sa isa akong certified youtuber, agad-agad kong binisita ang account ko para ma-check ang status ng mga videos na in-upload ko. At syempre, para makapanood na rin ng mga bago at trending videos na naroroon na talaga namang kinahihiligan ko.

"Wala man lang bago?" dismayadong ani ko nang bumungad sa akin ang mga recommended videos na halos pare-pareho lang naman ang topic.

Habang ini-scroll down ang page ng site, ay tumunog ang message alert tone ng aking gmail account.
Tumambad sa aking mga mata ang isang link nang buksan ko ang mensahe mula sa isang estranghero.

@LifelessEris

To: Me

Hi Mitchie! Looking for something new? This video was so sick! You should check this out. http//www.youtube.com//5CreepiestSuicidePhotosAndVideos

'Nice. Tamang tama lang ang timing nitong si Lifeless. I need something spooky right now.' ani ko sa aking isip.

Rereplyan ko na sana ang sender para magkapagpasalamat pero walang reply button, na siya namang ipinagtaka ko.
Dahil sa bored na bored na rin ako sa kakapanood ng mga videos na halos pare-pareho lang naman, pinindot ko na lang ang link na ibinigay ng strange sender.

Loading.

Loading..

Loading...

Then...

Viola!


1

Unang tumambad sa aking mga mata ang mga litrato na agad nagbigay kilabot sa aking katawan.

Sa mga litrato ay makikita ang isang babaeng lumuluha ng dugo't bumubula ang bibig. Nakahandusay ito sa sahig habang hawak-hawak ang isang ice pick na siyang ipinangtangal nito sa kanyang dalawang mata. Habang sa 'di kalayuan naman ay makikita ang isang boteng walang laman na hinihinalang naglalaman ng Zonrox liquid.

Ayon pa sa mga kaibigan ng babae, bago nangyari ang insidente ay nakapag-status pa raw ito ng 'drinking Zonrox' gamit ang facebook account nito bandang alas tres ng madaling araw. Lingid sa kanilang kaalaman na iyon na pala ang time of death ng kaibigan at hindi nila inaasahang iyon mismo ang siyang ikinamatay nito.

Hindi ko naman mapigilang mangilabot dahil sa ipinakitang pictures ng babae habang ang mga kamay nito ay may nakaukit na salitang,
'Tú eres el próximo'


2

Halos masuka naman ako sa sumunod na video clip.

Isang estudyanteng babae ang pinagsasaksak ang sarili habang nagkaklase sa isang pribadong eskwelahan. Hindi na naagapan pa ang babae sa tindi ng pinsalang natamo ng kanyang katawan. Durog-durog ang maseselang bahagi ng katawan nito na siyang naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Bago umaano nangyari ang insidente ay may binabasang "Horror Stories" ang biktima sa isang kilalang site na kung tawagin ay Wattpad.

Ang Horror stories na siyang huling binabasa raw nito ay naglalaman ng isang kakaibang lengguwahe.

'Yoka naggnikap, yoka naggnikap.
Waki an gna donusus.
Nidus gna gnika nihibasas.
Niwag gna gnika siananin.
Bidbid yom nikawkaw.'

Noong una ay napagkamalan pa ito na isang lumang lengguwahe. Ngunit hindi pala. Isang Professor ang nag-imbestiga sa mga letra kaya na-decipher agad ang mga salita.

Ang mga salita ay isinulat sa lengguwaheng Filipino at ibinaliktad lamang ito.


3

Isa na namang makapanindig balahibo ang sumunod din sa video. Sa isang video clip ay makikita ang pagtangis ng isang lalaki sa harap ng videocam recorder nito. Para itong nababaliw na bigla na lamang iiyak at biglang tatawa. Sa video ay may hawak itong baril na pabaling-pabaling na itinututok nito sa kung kanino. Para rin itong sira-ulong bumubulong at sumisigaw. Na para bang may kinakausap ito sa kawalan.

Ang hindi ko inaasahan ay nang bigla nitong itinutok ang baril sa kanyang sentido. Pero bago nito kalabitin ang gatilyo ng Calibre 45 na hawak ay namutawi muna sa kanyang mga labi ang salitang 'Tú eres el próximo'.

Kumalat ang nasabing video sa social media nang i-upload ito sa facebook ng mismong lalaki na nasa video.


4

Mas kahindik-hindik naman ang sumunod na litrato. Isang babaeng nakabitay sa isang puno ng Narra. Dilat ang mga mata nito na halos lumuwa na at labas ang dila. Halos hindi na rin makilala ang babae dahil sa naaagnas na nitong mukha.

Ayon sa nakakita sa bangkay, narecover sa babae ang isang ID. Napag-alaman na isa siyang exchange student na matagal nang pinaghahanap. At dahil sa ID na natagpuan malapit sa bangkay ay nabunyag ang kanyang pagkakilanlan.

"ERIS Delos Reyes" nanindig lahat ng balahibo ko nang mabasa ang pangalan ng babaeng nasa picture.

Pero ang mas nakapagpakilabot sa akin ay ang nakasabit sa babae na isang karatulang nagsasaad ng mga salitang "Tú eres el próximo".

"Syete! Ayoko na nga nito!" napamurang sambit ko kaya madali kong pinindot ang cancel button at nag-sign out sa aking account.

Naramdaman ko ang paglaki ng aking ulo dahil sa biglaang pag-pop up ng kani-kanina lang ay ikinansel kong video. Sinubukan kong i-refresh ang server ngunit patuloy pa rin ito sa pag-peplay. Halos maihi ako sa aking shorts dahil sa litratong bumulaga sa aking harapan.


5

Sa screen ay makikita akong nakaupo at mataman lamang na nakatitig sa PC. Nahintakutan ako sa mga sumunod na pictures.

Ako!

Mukhang demonyong nangingisi.

Nakataas ang kamay,

At may hawak na cutter!

Pinilit kong tumayo sa aking inuupuan dahil sa takot, ngunit hindi ko maigalaw ang aking katawan. Parang may pwersang pumipigil sa aking mga kamay upang makagalaw. Kaya halos manlaki ang mga mata ko nang kusa itong gumalaw, na para itong may sariling pag-iisip na kinuha ang cutter mula sa katabing table.

Impit akong napasigaw dahil sa mabilis na paglipat-lipat ng mga litrato sa video. Sa mabilis kasi nitong pagpalipat-lipat ay nakabuo ito ng motion na nagpapakita ng pag-ukit ko sa aking tiyan gamit ang cutter na hawak.

Pilit kong pinigilan ang kamay ko ngunit mas nanaig ang pwersang nag-uudyok sa akin para gawin ang nasa video.

Napahiyaw ako sa sakit nang maramdaman ko ang paglapat ng matulis na bagay na iyon sa aking tiyan. Sa bawat ukit ay ang pagtulo ng dugo mula rito.

Kasabay ng pagtigil ng sunod-sunod na paglipat ng litrato ay ang pagtigil ko rin sa pag-ukit sa aking tiyan.

Halos mawala ako sa sarili nang mapagtanto ang mga naka-ukit na letra.
"YOU'RE NEXT!"

At walang habas na pinaglalalaslas ko ang aking leeg.

***
(Message Alert Tone)

@LifelessMitchie

To: Me

Hi Kim! Looking for something new? This game was so sick! You should check this out. http//www.y8.com//EscapeTheHouseOfTerror.

***

Wakas.

Online Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon