“Shut it, pinky.” Cleo retorted, then threw the table napkin on him.

Mom shook her head and turned to my side. “You earned a lively friends here. Masaya ako na nakilala mo sila.”

Naku, Ma. Kung alam mo lang. They're stubborn but still they're the best.

“We're also happy that we met Lucia. May instant dictionary kami sa school.” Sabi ni Cleo at tumawa na para bang iyon na ang pinaka-nakakatawang joke sa buong mundo.

Napapailing na lang ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng babaeng to. Samantalang si Dan ay tahimik lang pero paminsan-minsan ay iniinis niya din si Cleo, para siguro malabas kung ano talaga ugali niya. The careless and loud mouth Cleo.

They keep talking until the food arrived. The waiter served it on the table kaya saglit silang natahimik. But right after we started eating, nagsimula na din ulit si Cleo na mag interrogate kay mama. Parang ang tagal nilang magkakilala kung makapag-usap silang dalawa, hindi na nga kami masyadong napapansin si Dan.

Both of us focus on eating when Cleo suddenly opened up about the party.

“So, tita.” she started, getting my mom's attention.

Napatingin din naman si mama sa kanya.

“May birthday party kasi next week, and I would like to bring Lucia. Swear, chill lang po.” she said kaya napainom agad ako ng tubig.

I glanced at mom, waiting for her reaction. She set down her fork and asked casually. “Kaibigan niyo din?”

“Yes po.” she nodded eagerly. “Debut kasi kaya madami siyang ininvite para sa party. Nandito naman si Dan to accompany us.”

Mahinang tumango si mama pero bakas pa din sa mukha niya ang pagdadalawang-isip. “Mag-iinom ba kayo doon?”

“Ay hindi po. Hindi naman kami umiinom. Mabait na mga bata kami. Makulit lang pero di naman lasenggera” she laughed.

Nasapo ko na lang ang noo ko habang hopeless na tinignan si Cleo. Ang galing, ang galing talaga niya mambola. At mukhang makukuha pa niya pati si mama.

Dan, meanwhile, just cleared his throat, clearly holding back his comments because we knew she's clearly lying. Hindi lasenggera my ass.

“Mabuti naman kung ganoon.” Mom said, her tone turned serious. “Hindi naman ako strikto, pero ayoko lang na sumasali kayo sa mga ganyan kung may inuman. Mga bata pa kayo at nag-aaral pa”

Cleo straightened up and show off her dramatic side.

Pwede na pang dramatic actress ang babaeng to, ang galing umarte.

“Oo naman po tita. Pinaalalahan ko nga lagi si Lucia na mag-focus at wag muna magkakagusto para di ma-distract.”

My god, I can feel my face reddened when she mentioned it. Mukhang ipagkakanulo pa niya ako ngayon.

“Yan din ang lagi kong sabi sa kanya.” Mom added. “Nakakahiya at scholar siya kung di niya seseryosohin ang pag-aaral.”

Cleo snapped her fingers. “Mismo, tita. Pero don't worry mga good influence naman kami. Right, Dan?”

Dan hesitatedly nod his head and refuse to say a word. Napa face palm na lang din ako. Ayoko na. Sa bibig niya pa talaga nanggaling ang salitang good influence. Walang hiya talaga.

Mom finally decide. “Oh sige. Isama niyo na si Lucia at para hindi puro trabaho at pag-aaral lang ang inaatupag niya. I also want you to enjoy your youth.”

Biglang napalakpak si Cleo sa tuwa. Nakuha pa atensyon nang ibang tao pero parang wala lang sa kanya iyon.

We finished eating and they split the bill for us. Nang makalabas kami ay agad na nagpaalam si mama na uuwi na dahil inaalala niya ang mansion. They also offered her a ride but she refused. Hinatid na lang namin siya sa terminal ng taxi.

Spaces Between UsWhere stories live. Discover now