Chapter three

14 0 0
                                        

Weekend na ulit kaya balik ako sa dating gawi.

Gaya ng routine ko palagi, alas tres ay gising na ako para tumulong sa paglinis. Sabi nila may bisita na darating ngayon kaya naghahanda din ang lahat.

Huli na naman akong dumating so sakin ulit naka-toka ang banyo.

Una kong nilinis ang limang banyo sa baba pagkatapos ay sinunod ko ang mga nasa second floor.

Kumatok muna ako sa mga kwarto nila bago pumasok. Inuna ko na lang ang kay Joaquin. Pagbukas niya ay naka boxer pa siya at tayong tayo pa ang alaga niya. Wala namang malisya sakin dahil sanay na ako sa kanila.

“Morning and to you as well little buddy” I greeted as he opened his door.

He groaned when he realized what I was saying kaya mahina akong tumawa.

“Sorry, Lucia. I hate morning erection” Sabi niya at dumapa pabalik sa kanyang kama.

“Buti wala kayong visitor ngayon, mag-iilang araw na din ah” Tinapunan niya ako ng unan nang ma-gets niya ang ibig kong sabihin. Napangiti na lang ako pero agad kong napansin kong iba ang ngiti niya – na parang may tinatago.

Napansin ko din yun. Si Javier lang yata ang may dinala ditong babae noong isang gabi, pero itong si Joaquin wala na. Nakapagtataka dahil si Julio ay wala ding may inuwi.

“Nag-iba na ang type ko sa babae” sagot niya sakin habang nilalaro ang dulo ng unan. Halatang naiilang siya, but there was a hint of seriousness in his voice.

Muli ko siyang nilingon, bakas sa mukha ko ang pagtataka. “Akala ko ba gusto mo ng wild?” tanong ko sabay pulot ng unan at ibinalik sa kama. May halong tukso yung boses ko dahil imposible namang magbago ang trip niya, knowing him.

He shrugged, pero halata mong may something's sa ngiti niya. “Mas gusto ko pala kapag ako yung naghabol, alam mo yun– may thrill” As he said that, it seemed like he remembered something that brought a spark to his face.

Tinitigan ko siya, pilit binabasa kung sino o ano ang tinutukoy niya, pero ang galing niyang magtago. Sino naman kaya ang sinasabihan ng batang ‘to? Napakunot-noo ako habang iniisip, pero di ko rin maiwasang kiligin sa vibe niya.

I just clean his bathroom para matapos na din ako kaagad. I have plans on visiting Cleo later, may usapan kasi kami na mag group study.

Paglabas ko ng banyo, tulog ulit si Joaquin. Nakahilata habang nakabukaka. Napailing na lang ako.

Sunod akong kumatok sa kwarto ni Javier. Buti na lang walang babaeng nakadapa habang hubo't-hubad nang buksan niya ang pinto. Pero gaya ni Joaquin, bumati din sa akin si junjun niya.

“Morning” I greeted him, looking away from his visible bump.

Wala naman siyang sinagot sakin at bumalik lang sa paghiga.

Javier is like Julio, aloof din pero mas strikto at pormal ang isang to. Lagi siyang nakasuot ng suit kahit nasa bahay lang, lagi din siyang nakasunod sa papa niya at hindi ko pa yata siya nakitang ngumiti. Aside from sir Raul, the servants fear him also. Di naman ako takot sa kanya pero naiintimidate lang ako.

Mabilis kong tinapos na linisin ang banyo para isunod ang kwarto ni Jacob. It was also fast since kakalinis ko lang din non kahapon.

Now I'm on the fourth room, which is Julio's. Nagdalawang isip pa ako kung kakatok ako. Nasa isip ko na kailangan kong tapusin lahat para payagan ako umalis ni mama mamaya, kaya sa huli iyon ang ginawa ko.

I knocked fifth time but no one is opening it so I assume na wala na siya sa loob. Pinihit ko din ang doorknob at nakumpirma ko na wala talaga siya doon nang buksan ko.

Spaces Between UsOnde histórias criam vida. Descubra agora