"Ayoko nga, okay? Kaya kong umuwi mag-isa. Ikaw ang umuwi na, tsupi!"

Nagulat ako nang bigla nitong hawakan ang bewang ko.

"Ano ba??" pilit akong kumakawala sa hawak niya ngunit sadyang malakas ito. "Tumigil ka nga, nasasaktan ako!"

"Ihahatid na nga kita bakit ba ang kulit mo?!" natigilan ako nang biglang umiba ang awra nito. "Ava—" hindi na nito natuloy ang kaniyang sasabihin nang may biglang nagsalita.

"Huwag pilitin kung ayaw." nakangiting sambit nito.

"Pero, uuwi na kami—"

"Hindi ganyan ang pagtrato sa babae, Bro." mariin nitong hinawakan ang kamay ni Jordan saka dahan dahang inalis sa bewang ko.

"Sino ka ba ha?!" akmang susugod si Jordan nang pumagitna ako sakanilang dalawa.

"Jordan, umalis ka na."

"Pero—"

"Aalis ka o tatawag ako ng security?!" nanlilisik ang mga mata nitong umalis sa harapan ko. Nakahinga ako ng maluwag.

"Thank you." humarap ako sa lalake kanina, kung hindi ako nagkakamali siya si Sandro, yung DJ kanina.

"Are you okay?"

"Oo, uuwi na rin siguro ako. Baka nakaalis na 'yon." sa aking paghakbang ay parang biglang nanghina ang aking tuhod.

"Oh, are you really okay?" tanong nito habang inaalalayan ako. "May iba ka pa bang kasama? Can I take you home?" hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare dahil sa hindi inaasahang dahilan ay bigla akong nawalan ng malay.





-------

Napabalikwas ako mula sa pagkakatulog nang bigla akong makaramdam ng uhaw. Parang nanunuyo ang lalamunan ko. Kahit masakit ang ulo ay inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa kwarto, basta ang nasisiguro ko lang ay wala ako sa condo ko. Kahit hilong hilo ay pinilit kong tumayo at lumabas. Madilim pa ang paligid, tumingin ako sa orasan, alas dos pa lang ng madaling araw.

Unang hinanap ng mata ko ang refrigerator. Nang makita ito ay kaagad akong kumuha ng tubig. Ngunit labis ang taka ko nang halos dalawang baso na ang naiinom ko pero hindi pa rin nawawala ang aking uhaw. Umiinit na rin ang buo kong katawan. Hindi ako mapakali, parang may ibang hinahanap ang katawan ko. Uminom ako muli ng tubig, ngunit wala pa rin. Iinom pa sana ako nang biglang magsalita si Sandro.

"May balak ka bang ubusin ang tubig ko sa ref?" napalingon ako sakaniya. Hawak hawak nito ang isang boteng beer. Agaw pansin din ang suot nitong boxer shorts at sando. Hindi ganoon kaganda ang hubog ng katawan nito ngunit tila naaakit ako.

Napalunok ako. Hindi, hindi ito maaari.

Lalapit na sana siya sa direksyon ko ng bigla akong umiwas. Napansin niya naman ito. Tumingin ito na parang nagtataka.

"Are you okay? Bakit parang namumula ka?" mas lalong nag init ang pakiramdam ko nang bigla nitong idampi ang kaniyang palad sa noo ko. "I'm sorry dito na kita dinala sa condo ko, hindi ko kasi mahanap yung ID mo kaya hindi ko nalaman ang address mo." pagpapaliwanag nito.

"O-Okay lang ako. Salamat sa tulong, huwag kang mag-alala bukas na bukas din uuwi ako." akma na akong aalis nang bigla nitong hawakan ang braso ko.

"Mainit ka. Dito ka muna kukuha ako ng gamot."

"H-Hindi.. o-okay.. l-lang.." dali dali akong tumakbo sa kwarto. Nilock ko ito upang siguradong hindi siya makakapasok. Ngunit lingid sa kaalaman ko na meron siyang spare key.

Nakaupo lang ako sa may gilid ng kama, pawis na pawis nang biglang bumukas ang pinto.

"Why did you lock the door? Nagdala ako ng gamot—"

"B-Bakit ka p-pumasok.. please.."

"What's happening? Pawis na pawis ka." napatingin ito sa bukas na aircon.

"Please.. lumabas ka na.. parang awa mo na.."

"Ha? Why?"

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan ang aking sarili. Nanginginig akong tumayo at nilapitan siya pagkatapos ay sinunggaban ito ng halik. Ramdam ko ang pagkabigla niya. Hindi siya gumagalaw kaya ipinulupot ko ang aking braso sa kaniyang leeg at mas lalo kong idiniin ang sarili ko sakaniya.

"What the hell??" buong lakas niya akong itinulak dahilan para mapaupo ako sa kama. Napayakap ako sa aking sarili.

"Umalis ka na.. please.." umiiyak na pagmamakaawa ko.

Natatakot ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyare. Wala na akong control. Wala na ako sa katinuan. Pakiramdam ko ay nalason ako sa kakaibang sensasyon.

"You're.. you're.." hindi niya maituloy ang kaniyang sasabihin. Batid ko na alam na niya ang nangyayare saakin. Ngunit hindi ito umalis. Bandang huli ay hinayaan niya akong halikan siya.

Ilang segundo na ang nakalipas ngunit wala pa rin nangyayare. Hindi siya tumutugon sa mga halik ko. Akma na akong bibitaw nang hilahin niya ang bewang ko papalapit sakaniya pagkatapos ay naramdaman ko na ang unti unting paggalaw ng kaniyang labi. Nalalasahan ko pa ang beer sa kaniyang bibig.

Marahas niya akong binuhat pabalik sa kama at doon inihiga. Ipinasok niya ang kaniyang kamay sa loob ng aking damit. Ramdam ko ang init ng kaniyang palad habang hinahaplos ang aking katawan. Mas lalong uminit ang aking nararamdaman.

I want him, I want more. Paulit ulit na pumapasok sa isipan ko.

Bumaba ang kaniyang halik sa aking leeg. Nanginig ang buo kong katawan sa paraan ng kaniyang paghalik sa aking leeg. Bumaba ito ng bumaba hanggang sa aking dibdib. Alam na alam niya ang kaniyang ginagawa. Alam na alam niya kung paano ibsan ang init na aking nararamdaman.

Dahan dahan niyang inalis ang pantaas kong damit at muli niya akong hinalikan sa labi. Naramdaman kong nahihirapan siyang tanggalin ang suot kong pang ibaba kaya ako na mismo ang nag alis nito habang hindi napapatid ang halik.

Mas mainit at mas mabilis ang mga pangyayare. Pareho na kaming walang saplot. Naibaling ko na lamang ang aking paningin nang maramdaman siya sa loob ko. Para akong kinokuryente sa bawat galaw at haplos niya.

Maingat niya akong inangkin. Mula sa mabagal hanggang sa naging mabilis ang kaniyang galaw. Masakit, mahapdi ngunit masarap sa pakiramdam. Nakakaubos ng lakas. Napuno ng ung*l ang bawat silid. Nanginginig ang buo naming katawan nang maramdaman ko na parang may mainit na dumaloy sa loob ko.

Pagkatapos ng mga nangyare ay hingal itong nahiga sa tabi ko.

Napayakap na lamang ako ng mahigpit sa walang saplot kong katawan. Nang mahimasmasan ay tahimik na lamang akong napaiyak. Ang pinakaiingatan kong sarili ay ibinigay ko lamang sa isang tao na hindi ko kilala. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyare sakin. Yung init na nararamdaman ko kanina ay bigla na lang nawala matapos ang nangyare saamin.

"Hindi ko ito ginusto." halos masabunutan ko ang aking sarili sa kapabayaan na nagawa ko.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mapagod at makatulog.

Kinabukasan, nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mata ko. Kaagad kong ibinaling ang aking paningin sa aking tabi. Umaasa na panaginip lamang ang lahat ng nangyare, ngunit bigo ako. Nakita ko siyang mahimbing pa rin na natutulog. Dahil sa liwanag ng sikat ng araw na tumama sa mukha nito ay doon ko lamang napagmasdan ang kaniyang mukha.

Napakaperpekto ng kaniyang mukha, mula sa kaniyang mga mata, ilong at sa kaniyang labi.

Napakaamo.

Ilang minuto ko siyang pinagmasdan hanggang sa maisipan kong tumayo na para mag ayos ng sarili. Nais kong makaalis dito bago pa man siya magising.


-------

Invisible String (Ongoing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora