AVA'S POV
Nangangatog ang tuhod na sumunod ako kay Sir Sandro. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Inhale, exhale.
Nang makarating sa opisina ay dumiretso siya sa kaniyang upuan. Walang umiimik saaming dalawa. Ilang minuto na ang nakalipas ngunit nanatili lamang siyang tahimik.
"Kung wala po kayong sasabihin, aalis na po ako." akma na akong tatalikod nang magsalita ito.
"I'm sorry." biglang nanlamig ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig. Dahan dahan akong tumingin sakaniya nang magtama ang mga mata namin. "I'm sorry for what happened—"
"It's okay, Sir. I mean, nangyare na po. Ako rin naman po ang may kasalanan. Huwag na lang nating pag-usapan. Kung wala na po kayong ibang sasabihin, aalis na po ako. May klase pa po ako." pagkatapos ay dali dali akong lumabas. Nanginginig ang buo kong katawan. Nang makalabas ay dumiretso ako sa comfort room. Doon ay tahimik akong umiyak. Hindi ko siya pwedeng sisihin, dahil alam ko na pareho lang kaming naging biktima ng sitwasyon.
--------
1 month ago
AVA'S POV
"Ava, ano ba! Huwag ka ngang KJ! Just drink this!" sigaw ni Bea habang inaabot saakin ang isang basong tequila.
Si Bea, classmate ko sa college. Mahiyain sa school, pero halimaw sa bar. Kasalukuyan kami ngayong nasa Rockwell, birthday kasi niya kaya niyaya niya ako.
"Uhm, nasaan na ba sila?" nagtatakang tanong ko.
"Ha? Ah, nagtext sila sakin. Malapit na raw sila. Drink this muna habang wala pa sila. Kasi mamaya, sila naman ang paiinumin ko."
"Alam mo naman na hindi ako umiinom diba?"
"Just drink this one, please? Birthday ko naman e." dahil sa mapilit, napilitan akong kunin ang iniaalok niya. Kaagad ko itong tinungga. Ang isang baso ay nadagdagan pa ng ilang ulit.
Makalipas ang ilang inom ay nakaramdam na ako ng hilo.
"Sabi ng hindi ako umiinom e."
Dahil na rin sa epekto nang alak, parang nawala na ako sa sarili. Tumayo ako at pumunta sa dance floor. Pilit akong nakikipagbanggaan sa mga taong sumasayaw. Giling dito, giling doon. Wala na akong pakialam sa mga nakakakita saakin.
"For tonight's party, let's all welcome our beloved disc jockey! Sandro Marcos!" naghiyawan ang lahat, maging ako ay nakipagsigawan na rin. Teka, sino ba 'yon?
Nag umpisang muli ang tugtog, puno ng hiyawan ang buong paligid. Halos magwala ang mga tao sa pagsasayaw. Hinawi ko ang ibang tao at tinungo ang unahan kung saan naroon ang DJ. Mukhang nakainom na rin ito. Patuloy lang ito sa pagpapatugtog habang tinutungga ang isang boteng beer.
Nang lumingon ito ay nagtama ang paningin namin.
"Ava, kanina pa kita hinahanap." nagulat ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Jordan. "Let's go, umuwi na tayo lasing ka na."
"Mamaya pa ako uuwi."
"What? Walang maghahatid sayo. Umalis na si Bea." napalingon ako sa table namin ngunit wala na si Bea doon.
"Edi, mag tataxi ako. Bakit ka ba nandito?"
"Pinasundo ka sakin ni Bea." tinignan ko ito. Siya si Jordan, alam ko na meron siyang pagtingin sakin ngunit hindi ko lang pinapansin. Hindi siya yung tipo ng lalaki na gusto ko. Masyado kasi siyang mayabang at bastos.
YOU ARE READING
Invisible String (Ongoing)
FanfictionAnother fanfiction of Sandro Marcos. This is just a short story. Warning!! Slow update XD
