Simula
AVA'S POV
10 minutes
9 minutes
8 minutes
Pabalik balik ang tingin ko sa relo at sa kalsada. Ilang minuto na lamang ay malelate na ako. Panigurado ay sermon nanaman ang aabutin ko kay Mr. Li.
"Manong, para po!" sigaw ko. Kaagad namang huminto si Manong sa tapat nang isang malaking gusali. "Ito ho yung bayad ko." pagkaabot ng bayad ay dali dali na akong bumaba.
Takbo lakad ang ginawa ko upang makarating sa elevator. Sa sobrang pagmamadali ay hindi ko na napapansin ang mga dinaraanan ko.
"Sorry po."
"Sorry po." Iyan na lamang ang tanging lumalabas sa bibig ko sa tuwing may mga nakakabangga ako.
"S-Sorry..po.." sambit ko, ngunit hindi ko man lang ito tinapunan ng tingin.
"The heck?!" inis na singhal ng lalake. Ngunit sa halip na lingunin ay patuloy lang ako sa pagtakbo.
"Sorry po!" sigaw ko habang ikinakaway patalikod ang kamay ko.
Sa wakas, matapos ang limang minuto ay narating ko na ang Architecture Department.
"G-Good morning." habol hiningang bati ko sakanila. Kaagad naman silang napatingin saakin at sinuri ang kabuuan ko.
"Okay ka lang, Ava?" nag-aalalang tanong ni Maris.
"Oo nga, bakit ganyan ang itsura mo? Para kang nakipaghabulan sa aso." natatawang sambit ni Limuel.
Nabaling ang tingin ko sa salamin sa may gilid. Bumungad sakin ang gulo gulong buhok at gusot kong damit. Napapikit na lamang ako habang dahan dahang inaayos ang aking buhok.
"Siguro, late ka nanaman nagising." ani Sara.
"May tinapos pa kasi akong project." sambit ko sabay lapag ng aking gamit sa mesa.
"Natutulog ka pa ba, Ava?" Maris. Hindi ako umimik. Nagpatuloy lang ako sa pag-aayos ng gamit.
"Hoy, girl. Uso ang pahinga ha? Baka nakakalimutan mo na rin ang kumain." Sara.
"Oo nga. Tingnan mo ang sarili mo, nangangayayat ka na. Hindi ka naman ganyan nung una mong pasok dito." Limuel.
"Kaya ko pa naman." maikling tugon ko.
Bumalik na si Limuel at Sara sa kanya kanya nilang cubicle, habang si Maris naman ay pasimpleng sumusulyap sakin. Magkatabi lang kasi kami ng table kaya mas madalas na kami ang nagkakausap.
"Okay ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong nito.
"O-Oo naman." tipid akong ngumiti.
"Kaya mo pa ba? I mean, hindi ka ba nahihirapan sa sitwasyon mo?" malalim na paghinga ang pinakawalan ko. Sa totoo lang ay nahihirapan na ako sa sitwasyon ko.
I'm Avianne Martinez, 4th year college student. Sa kasalukuyan ay working student ako. Trabaho sa umaga, aral sa gabi ang routine ko. Mahirap, ngunit wala akong magagawa. Hindi na kasi ako kayang pag-aralin ng mga magulang ko dahil lubog na kami sa utang. Idagdag pa ang gastusin sa gamot ni Tatay. Taga Quezon Province ako, ngunit mas pinili ko ang mag-aral dito sa Manila dahil namulat ako sa paniniwala na mas maraming oportunidad dito kaysa sa probinsya.
YOU ARE READING
Invisible String (Ongoing)
FanfictionAnother fanfiction of Sandro Marcos. This is just a short story. Warning!! Slow update XD
