Naupo na rin ako at hinarap siya. Ano kaya ang pakay niya at ganito kaaga ay nandirito na siya?

"Una sa lahat ay nais ko munang iparating ang paghingi ni Madame ng paumanhin sa inyo sa hindi niya pagharap sa inyo ng pormal ngayon. May importante ho kasi siyang kailangang asikasuhin kung kaya't ako na lang ang nautusan niyang magpunta." Panimula ni Mr. Morgan.

"Madame?" naguguluhang tanong ko.

"Ang ina ni ginoong Jack Frost ang tinutukoy ko. Kakarating lang niya kahapon galing America at ang pakay niya talaga sa pagpunta rito ay ang makausap ka pero napakaraming sitwasyon ang biglang kailangan niyang asikasuhin."

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang mga sinabi niya. Ang ina ni Jack Frost? Hindi ba't ni minsan ay hindi siya umuwi sa Pilipinas kaya nga lumaki ng walang pag-aaruga si Jack? Gaano kaimportante ang pakay niya sa akin para umuwi pa siya ng personal at gustuhing makaharap ang isang tulad ko?

Bumuntong hininga muna si Mr. Morgan bago may isang envelope na ipinatong sa ibabaw ng lamesa. Nagtataka ko lang itong tiningnan at walang balak buksan.

"Ang envelope na iyan ay naglalaman ng mga papeles na tutulong sa iyong makapagsimula ng panibagong buhay." Saad niya.

Bigla na lang naging tahimik sa loob ng bahay ng marinig ang sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" pagsingit ni Papa sa usapan.

Tumingin sa kanya si Mr. Morgan at saka sumagot. "Iniisip ni Madame na masyadong malaking pinsala ang nagawa ni Ginoong Jack sa buhay ni Ms. Summer. Kaya upang makabawi ay nais niyang tulungan ang anak niyong si Ms. Summer na makapag-aral sa New York."

Sabay-sabay na napasinghap ang mga magulang ko nang marinig ang sinabi niya.

"Mula plane ticket, titirhan sa New York, kakainin, at allowance sa araw-araw ay sagot na rin ni Madame," dagdag pa ni Mr. Morgan.

Nagkatinginan sina Mama at Papa. Alam kong magandang balita iyon para sa kanila dahil narinig ko rin silang nag-uusap kagabi tungkol sa paglipat nanaman namin ng bahay at paglipat ko ng school dahil sa nangyare.

"Huwag kayong mag-alala dahil hindi naman ito pwersahan. Nasa sa inyo pa rin naman ang desisyon," pahabol pa niya.

"But what's the catch?" wala sa sariling tanong ko.

Pakiramdam ko kasi ay hindi lang nila iyon inoffer dahil they felt guilty and sorry towards what happened. Pakiramdam ko ay meron pang ibang dahilan.

"Walang catch, Miss Summer. Nais lang ni Madame na makabawi sa nagawang gulo ni Ginoong Jack sa buhay mo."

Parang mas lalong nagpintig ang tainga ko sa sinabi ni Mr. Morgan. Nagawang gulo ni Jack sa buhay ko? Paano nila nasabing ginulo ni Jack ang buhay ko? When all this time, he's been protecting me from everyone.

Tumingin si Mr. Morgan sa relos niya bago ibinalik ang tingin sa amin. "Paumanhin pero ayoko nang magtagal pa dahil alam kong kailangan na ni Ms. Summer ng pahinga. Kung sakaling nakapagdesisyon na kayo, here's my calling card. You may contact me anytime." Saad niya at saka ipinatong ang karampot na papel sa mesa.

Nang tumayo na siya ay tumayo na rin sina Mama at Papa upang ihatid siya sa pintuan. Pero bago pa man siya tuluyang makalabas ay tumayo ako at pinigilan siya. "Sandali lang, Mr. Morgan. Pwede ba tayong mag-usap ng tayong dalawa lang?" tanong ko.

Ngumiti siya sa akin at mabilis na tumango. Pagkatango niya ay sumunod ako sa kanya sa may pintuan at hinarap sina Mama at Papa. "Sa labas na lang kami mag-uusap. Sandali lang ako kaya huwag po kayong mabahala." Paalam ko.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon