Special Chapter: Sneak Peek 1

Start from the beginning
                                        

'Tss. kala mo pogi?' inis na sabi ko pa bago nag sip sa iniinom kong shake

Halatang nagpapacute yung lalaki kay Savy. He's even blushing.

'Tsk tsk, inaabala ang Lovey ko sa work. Ekis to' bulong ko pa sa sarili ko

Kinuha ko yung phone ko sa pocket ko. To message Gianna and Savys' assistant

To: Ms. Jia (Savy Sec)

Hi. May problema pa ba sa outfits?

Nagreply naman si Ms. Jia na wala na

To: Ms. Jia (Savy Sec)

Thanks Ms. Jia, Pahiram muna sa asawa ko.

Sabi ko pa dito. I saw her chuckle with my last message

To:Ms. CEO

File us a leave. A week. Thanks!

Mabilis pa sa segundo ang reply nito.

From: Ms. CEO

Pasalubong. Thanks!

A smile formed on my lips as i did something on my phone pa. Wala naman akong plan talaga, but I realized not to prolong this set up that we have.

Lumapit ako sa kanila. Madami naman agad nakapansin sakin greeting me. Nagulat pa sila kasi, wala naman akong kinalaman sa creatives but here I am.

Bitbit ang bulaklak na binili ko kanina. I made my way to Savy na may ginagawa sa tablet niya.

Nang mapansin ang presensya ko ay nag angat ito ng tingin sakin at nagulat pa.

"Hi. Flowers for you" sabi ko dito sabay ngiti

Tinanggap niya naman ang bulaklak. I can hear people talking about us.

"Bakit ka nandito? Di ba may tinatapos ka?" Tanong pa nito, worry is visible in her eyes

"I miss you" sabi ko dito, ngumiti naman ito ng bahagya. I can also see sadness in her eyes bago tumayo at niyakap ako

"I'm sorry Princess" bulong ko dito bago bumitaw sa yakap. I can see her eyes tearing up

"Tara na" sabi ko pa dito, she look confused tapos pumaling pa sa mga tao sa set. Jia just thumbs up on us

I held her hand and gently guide her paalis sa lugar

"Saan tayo pupunta?" Tanong pa nito sakin

I just gave her a smile

---
"Jusko Jhorgina. Saan mo ba ako dadalhin?" Reklamo nito ng makaupo kami sa eroplano kaya natawa ako

"Surprise yon. Hehe, for now. Sleep ka muna" sagot ko dito

"Teka, paano yung work nating dalawa?" Tanong pa nito sakin

"I got it covered. Don't worry" sagot ko dito. She laugh bago sinandal yung ulo niya sa balikat ko

"Okay, sige, sabi mo eh"

---
I look at Savy na tulala sakin, akala mo naman na trauma e. Nasa hotel na kami ngayon pagkatapos naming puntahan yung pakay namin dito

"Lovey, mukha kang natrauma sa lagay na yan" sabi ko pa dito at natawa

Tumabi ako sa kanya sa sofa at inakbayan siya.

"Who would've thought. Kung gaano ka bongga ang proposal mo? Magiging ganito ka simple yung kasal natin" sabi nito bago natawa

"Hindi ako nakapag-prepare ng vows" sabi nito sabay kurot sa tagiliran ko na ikinangiwi ko. Napakasakit.

"Alam mo Lovey, kahit hindi ka magsalita. Ramdam na ramdam ko yung love mo sakin. But you did well on your vows. Super genuine, naiyak pa nga ako e" i told her while still imagining what happened earlier.

"So, bakit naman biglaan?" Tanong niya pa sakin

"Ayaw ko ng patagalin e" sagot ko pa sa kanya

"I'll marry you in different country Savy. I'm sorry kung biglaan" i suddenly felt bad. She deserves the best in the world, pero gusto ko lang kasi na maikasal na kami.

She look at me. Putting her hand on my face at ipinaling ako sa kanya

"Why are you sorry?" Tanong pa nito sakin

Yung bigat sa puso ko was still there. Ang dami ko na namang pagkukulang sa kanya.

"I'm sorry Love. Napapasobra na naman ako" sabi ko sa kanya. She put the lose strands of my hair behind my ears

Dang. Bakit hanggang ngayon, kitang kita ko pa din sa mata niya kung gaano niya ako kamahal. What did I do in my past life to experience such genuine love?

"Listen Jho. We're family now. Soon, madadagdagan na ang members ng family natin. The first thing we have to do is take care of ourselves para maalagaan din natin ang pamilya natin ng maayos" mahinahong sabi ni Savy

Humarap ito sakin and held my hands.

"Paano natin aalagaan ang future kids natin, kung hindi natin kayang alagaan ang sarili natin?" I feel like tearing up. Ang corny lang, but I can see my future with her. I can see the family I want to build with her.

"Hindi kita mapagsabihan kasi ayaw kong makadagdag sa stress kaya mas pinili kong manahimik" sabi pa nito sakin

I kissed her hands. Naiintindihan ko.

"I'm sorry Lovey. Hindi na ako malulunod ulit. I asked the HR to hire me some staff para mas may oras na ako sayo. Hindi na mauulit to" sabi ko ulit dito. She kissed me on my forehead bago ako niyakap

---
"Wifey..." Tawag ko kay Savy ng makalabas ako mula sa kwarto. Nagprepare na sya for dinner and kakain na kami

"Wow" sabi ko pa at natawa bahagya. Can't believe, I'll go home married.

"Para kang sira. Halika na dito" sabi nito sakin

"What do you mean? Halikan....na?" Pag uulit ko sa sinabi niya bago natawa, binato niya ako tissue at nakitawa din

"Sira. Utak mo Jhorgina" sabi pa nito habang umiiling iling

"Wifey.." tawag ko muli sa kanya, I can see her blushing every time na tinatawag ko sya ng ganon kaya I keep on calling her wifey

"Jho.. kung ano man yang trip mo. Awat na. Hindi na maganda sa puso" sabi pa nito bago ako sinubuan ng pagkain

"Hays, patay na patay ka pa rin talaga sakin" pagyayabang ko pa, dahilan para makatanggap ako ng kurot sa tagiliran

"Mahal kita" sabi ko kay Savy that made her stopped from eating at hindi makapaniwalang tumingin sakin

"I love you" sagot niya kahit alam kong naweweirduhan na siya sakin, at hinalikan ako sa lips

I put my hands on my chest. Kinikilig pa din ako whenever she's initiating something like that.

---

"Shall we see Ray tonight?" Pakiramdam ko, napunta lahat ng dugo ko sa ulo

"Wifey..te..teka lang.." utal utal kong turan dito

Seeing my wife tonight wearing that silk night dress is making me weak on another level.

"Ray, come on" sabi pa nito bago ako hinila palapit sa kanya

The tension is not giving. Aatakihin pa ata ako sa puso ngayong gabi.

When she kissed me near my ears. I felt goosebumps all over my body.

Huy. Ano ba? Gagu.. habang nasisiraan ako ng ulo ay naramdaman ko ang pagtaas at pagbaba ng balikat ni Savy dahilan para lumayo ako sa kanya

She's laughing. Damn it.

"Sorry Lovey. You're just too cute. Ano ba yan!" Tawa nito.

I feel offended somehow. Pinaglalaruan niya ba ang ako. Porket alam niyang weakness ko siya.

"You want games huh?" Sabi ko bago siya nginitian ng kakaiba, her expression changed too.

"Jhooooo!!!" Sigaw nito as I gently pushed her on our bed

"Ako taya" sabi ko pa sa kanya...

---

An update

Just because I miss them.

Hehez.

Decoding the Super Model Coded (BINI Series #1) JhoCeyWhere stories live. Discover now