Chapter 34

3.1K 81 24
                                        

Savys' POV

During our stay sa New York with Mom. Namasyal kami, tapos kumain. Literal na nag bonding lang kami.

Sometimes, sumasaglit si Mom sa work kapag need na need sya. Pero babalik din agad dahil minsan lang daw kami makapag bonding ng ganito.

We celebrated Christmas together. Ngayon lang ulit kami nagcelebrate ni Mom ng magkasama. Now there's the three of us sharing some stories while drinking hot chocolate/coffee in the middle of the night. Mom gave me a gift. It's a necklace with pink gems. She also gave Jho a gift, a locket necklace with our photo. Ang sweet naman ni Mommy.

Close na close na sila ni Jho and that makes me happy. Seeing both of my loved ones getting along nicely is really a heartwarming scene.

Madalas nila akong inaasar. Magkasundong magkasundo sa pang aasar saken.

I even cried nung paalis na kami papuntang Japan.

May pinag usapan pa sila. Di nila ako sinali talaga. Tanungin ko na lang si Jho mamaya pag sakay na kaming eroplano

Pagkaupong pagkaupo sa eroplano. Yun agad ang bungad ko. Tinawanan lang ako nito

"Binilin ka lang saken ng Mommy mo" sabi pa nito bago pinatong ang kamay nya sa ulo ko na agad ko namang tinabig. Pinipikon na naman ako e

---
Touch down Japan.

Dumiretso kami sa bahay nila. Oo. Hindi sa condo. Kung hindi sa bahay nila.

Napakalawak dyay. Alam mo yung lumang bahay sa Japan. Yung malawak yung gardens. Tapos kahoy yung house. Na may divider na checkered na brown and white. Ganoon sya.

Ang ganda. May fountain pa.

Hinubad namin yung shoes namin at nagsuot ng tsinelas pang bahay.

No one's home. Mamaya pa daw dadating magulang nya. Nasa work daw ang mga ito.

"Tara mag grocery Love. Magpre-prepare ako ng dinner. Hot pot tayo" sabi niya

Tumango naman ako sa sinabi niya.

Nagpunta kami sa grocery store. Gagi. Marunong si Jho mag japanese. Pakiramdam ko dudugo na ilong ko sa sinasabi nila. Ikaw ba namang wala maintindihan maliban sa Arigato Gozaimasu (Thank you)

Tawang tawa si Jho. Halata siguro sa expression ko na nag ooverheat na utak ko sa sinasabi nila

Anyways. Kumuha sya ng push cart. Tapos kumuha ng mushroom, corns, pork and beef slices tapos broth base, tapos kung ano ano pang vegetables. Masarap daw kasi kapag madaming nilalagay.

Pagkauwi. Nilinisan nya lang lahat ng ingredients tapos pinatas sa Pot.

Mamaya daw ay padating na ang magulang nya. Inayos nya na din ang lamesa.

Yung lamesa nila is mababa. Tapos sa sahig ka uupo. Naka indian seat.

Ang kyut. Ngayon ko lang to na experience. Nagluto din sya ng sticky rice.

Kung tatanungin nyo yung nararamdaman. Eh di kinakabahan. Hahaha. Potek, ang daya. Kaya pala chill lang si Jho nung pumunta kami kay Mommy kasi magkakilala na talaga sila. Pero ang parents ni Jho. Ilang beses ko lang nakausap through phone call kasi busy daw talaga ang mga ito.

Bumukas yung main door. Kasabay non ang pagtibok ng malakas ng puso ko that made me stand up on instinct. Natawa naman si Jho bago hinawakan ang kamay kong nanlalamig na pala

"Calm down Love. Mukha ka ng kulang sa vitamins sa sobrang putla mo. Asan na si Confi?" Sabi pa nito saken

Nang aasar pa nga.

Decoding the Super Model Coded (BINI Series #1) JhoCeyWhere stories live. Discover now