"Ikaw ang gustong umalis, hindi ako."

He didn't step forward but I could feel him coming nearer. Walang nagsasalita sa amin at tanging ang tunog lang ng mga sasakyan na dumadaan ang naririnig ko.

"Hindi ako umalis," he said.

"Sorry, hindi ko na kasi alam ang pinagkaiba ng konsepto ng paglayo at pag-alis," I sarcastically told him. Nagbuga ako ng malalim na hininga bago ko kinuha iyong susi mula sa bag ko. "Gawin mo na kung ano ang gusto mo pero 'wag mo na akong idamay sa kaguluhan ng utak mo, Shiloah. Madami na akong problema; 'wag ka ng dumagdag pa."

Pumasok ako sa loob doon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. My mind was clouded with everything that's been going through. My mind just wanted to forget about it all and just quietly shut down...

Matapos kong pumasok, ilang minuto lang akong nakatayo, walang ginagawa. Pinapakiramdaman ko kung nasa labas pa rin si Shiloah. Paano kapag pumasok siya? Ano ang gagawin ko? Pakiramdam ko kasi hindi ko na kayang makipagtalo pa... Wala na akong lakas... Gusto ko na lang magpatulog at ipaubaya sa bukas ang mga problema ko.

I was done for the day. I was utterly spent.

Makalipas ang ilang minuto, kahit na kinakabahan ay tumingin pa rin ako sa labas. Laking gaan ng loob ko noong makita ko na wala na roon si Shiloah. Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa kanya. Ano ba ang gusto niya? Kung gusto niyang mawala sa buhay ko, iyon sana ang gawin niya. Ayoko ng ganito. Ayoko ng magulo. Kung ano ang gusto mo, iyon ang gawin mo.

Inayos ko ang mga gamit ko para kahit papaano ay mawala sa kanya ang problema ko. Kanina pa rin nagtetext si Parker. Pinatay ko iyong cellphone ko para hindi ko na siya isipin pa. Naguguluhan na ako sa lahat ng nangyayari. I just wanted to forget about it all and focus on what's at hand.

Sumakit na halos ang mata ko sa pagkakatapat ko sa laptop ko. Hindi ko alam kung ano'ng oras na akong nakatulog. Pagkagising ko, sumakit ang katawan ko dahil nakatulog pala ako habang nakaupo. I looked at the screen in front of me. Ganoon pa rin. Ni hindi ako nangalahati sa draft.

Hindi ko alam kung papasok pa ba ako. Alam ko na mapapagalitan ni Prof ang grupo namin dahil wala kaming maipepresenta na kahit idea man lang. Pero ayokong umabsent...

Ay bahala na nga! Kapag hindi pa nagtino ang mga ka-grupo ko, magpapalipat na lang ako ng grupo! Bahala talaga sila!

Pagdating ko sa classroom, nandon na ang mga kaklase ko. Tahimik akong naupo sa upuan ko. Kinakabahan ako sa bawat segundo na lumilipas dahil alam ko na malilintikan kami. Sobrang strikto ng professor namin... Patay talaga kami nito!

"Hey." Naputol ang pag-iisip ko nung makita ko si Candy na nakaupo sa tabi ko. She was smiling at me. "Imo, right?" I nodded. Dalawang sem na kaming magkaklase ni Candy pero hindi kami nag-uusap. Ngayon lang kami nag-usap talaga. "I'm Candy," she said while smiling.

Hindi naman ako bastos kaya ibinalik ko iyong ngiti niya. Mayroon siyang iniabot sa akin na envelope.

"Ano 'to?" I asked.

"Draft for our proposal," she said.

"Gumawa ka?"

She laughed at my statement. Ano ang nakakatawa roon?

"No. Not that diligent of a student," she said after laughing. "Well, partly, I think may naitulong naman ako d'yan," she said.

Hindi ako nagsalita pa. Tinignan ko iyong nasa loob. Namangha ako dahil hindi naman draft lang 'to! Halos kumpleto na, e!

"I actually watched Shiloah and entertained him kapag inaantok na siya."

Biglang nawala iyong pagkamangha ko sa narinig ko. Kailangan pa ba niyang sabihin iyon? Hindi niya ba alam na mayroong mga bagay na dapat mong sabihin sa iba at mayroon naman na dapat mo na lang itago sa sarili mo...

Just The Benefits (PUBLISHED)Where stories live. Discover now