40

11.5K 203 0
                                    


Dennise's

"Den"

Lumingon ako sa nagsalitang yun. Dumating sya. Nandito sya.

"LA!" Tumakbo ako sa kanya na parang batang sabik sa pag unawa. Ngayon ko kailangan ng suporta nya.

"Shhh tahan na Den. Nandito na ako. Ako ng bahala sayo."

Umiiyak lang ako sa balikat niya ng biglang mahagip ng mga mata ko si Bea. Nakatayo lang syang nakatingin samin. Bumitaw muna ako sa yakap ko kay LA.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Nabalitaan ko yung nangyari Den. Please wag mo na sana isipin muna yung nangyari satin. Nandito ko para kay Mosh. Para sayo."

Tama sya. Galit man ako sa kanya, alam ko namang naging mabuting kaibigan naman siya sa kapatid ko. Hindi ko na sya pinansin pa.

Lumabas na din yung doctor. Nakahinga kaming lahat ng maluwag ng sabihin nyang walang major injury sa ulo ni mosh. Pero kailangan nya mag stay pa ng mga ilang days para imonitor pa yung condition nya lalo na kung may trauma pa. Thank God.

---

Nagpapasalamat ako dahil hindi ako iniwanan ni LA. Lalong lalo na ni Bea. Oo galit ako sa kanya pero hindi ko naman naisip na sa kabila ng lahat sya pa ang maiiwan para sakin. Naging mas malapit kami muling dalawa. Pero hanggang dun na lang yun. Hanggang kaibigan na lang ang turing ko kay Bei. Naka confine pa din si mosh. One week na sya halos na nandito. Atleast hindi naman ganun kagrabe yung nakuha ng baby brother ko.

"Babe ano na."

"Bei ilang beses ko bang sasabihing tigilan mo ako sa kakababe mo." Pagpapaalala ko.

Ang kulit nya kasi. Dito kami sa kwarto ni mosh sa hospital. Lalabas na sya today. Inaayos ko na yung things nya and yung release papers.

"Hahaha damot mo naman. Parang yun na nga lang eh, babe hahahaha."

Sinamaan ko lang sya ng tingin. Si LA umuwi muna sa kanila. Magdamag din akong sinamahan nun dito eh.

"Ang gulo mo. Ibili mo na nga lang muna ako ng food sa baba para manahimik ang buhay ko dali." Utos ko.

"Okay po. Babe" Sabi niya pa sabay karipas ng takbo palabas.

Ang kulit din talaga ni Bea. Nanahimik din ang kwarto sa wakas. Si mosh kasi nasa may garden sinama ni besh.

"Hay ang sarap sa labas ate den!" Ayan na si makulit kakapasok lang.

"Oh baby baka nagpagod ka? Nako ikaw ha." Sabi ko.

"Ate naman ang oa. Hindi. Inalagaan naman ako ni ate ells eh. Wait nawewewee ako." Paalam niya tas nag cr na.

"Ella thanks sa pag aalaga kay mosh ha."

"Wala yun ano ka ba besh. Uhm ano eh." Sabi niya.

Alam ko na kung saan patungo yung usap naming ganyan eh.

"Ella naman eh, nag usap na tayo about dyan di ba? About sa kanya di ba?"

Oo sa kanya.

Kay Alyssa.

Wala na akong balita sa kanya. Actually parang wala naman na akong pake. Kinalimutan nya ako, kami, ehdi magkalimutan na. Kinukulit kasi ako netong si Ella na hanapin kanila Ara.

"Besh kasi di mo ba sya namimiss?"

"E-ewan ko Ells. Tama na nga. Dito ka lang aasikasuhin ko muna mga papel ni mosh." Sabi ko sabay lumabas na.

Heartbreak GirlWhere stories live. Discover now