24 :)

8.8K 187 1
                                    


Dennise's

Oo buntis sya. At her young age?

"Danssssss!" Sabi ni Alyssa tapos niyakap nya ng mahigpit.

"Hahaha sglit lang ate Alyssa, baka maipit si baby."

"Ay oo nga. Sorry. Sorry upo ka muna baka mapagod ka." Sabi ni Ly. Tas inalalayan nya makaupo si Dana.

"Ay Dans, si ate Den mo pala. And Den, si Dana."

"Hello Dana! Haha nice meeting you!"

"Haha nice meeting you din po ate. Grabe ate ly, ganda naman ng girlfriend mo."

"Hala hindi Dans, teammate ko si Den. Tska may girlfriend na yang iba."

"Ah ganun ba sorry ate den hahaha. Bagay kasi kayo eh."

Nahiya naman ako. Bakit ang daming nagkakamaling kami ni Ly. Kahit sa lugar namin pag pinupuntahan nya ako pag nasa village kami ganun din laging pagkakamali nung mga kapitbahay ko. Ganun ba talaga kami kabagay? Grabe Den, may Bea ka na ano bang iniisip mo -_-

"Kamusta na Dans, kamusta si baby?" Sabi ni Ly. Si Dana naman tumingin sa tyan nya. Mukha syang malungkot. Bakit ganun. Nacucurious ako.

"Eto, masya na din ate ly. Na kahit napaaga yung pagiging nanay ko may blessing si Lord. Nahihiya ako lumabas dahil di ba. 17 palang ako may anak na ako. Samantalang yung ibang kaedad ko nag aaral pa. Gago kasi talaga yung Joseph na yun! Akala ko mahal nya ako. Sex lang pala habol. Ang masama pa, ginalaw nya ako ate ly eh. Di ko to gusto!" Mangiyak ngiyak na kwento ni Dana.

Naiiyak din ako grabe. Nirape sya? Fuck talaga! Fuck talaga yung mga gumagawa ng ganyan.

"Shhh, tahan na baby. You know nandito lang ako lagi para tulungan ka. Tsaka di ba napakulong na natin yung gagong yun. Sa ngayon ang kailangan mong intindihin ay si baby mo diba? Tahan na."

"Alam ko naman yun ate ly. Kaya nga thankful ako dahil kahit minalas ako sa boyfriend, sinuwerte ako sayo."

Awwwww :')

"And Dana, ate den's here too" sabi ko.

Ngitian nya ko.

"Oh dba. Ang swerte ko talaga. Pahug nga mga ate." Sabi nya at hinug kami. Nagkatinginan kami ni Alyssa tapos nag thankyou sya sakin ng walang sounds.

Nag smile lang ako.

"Haha saglit lang, magluluto lang akong lunch natin." Sabi ni Ly tapos tumayo muna. Naiwan kaming dalawa ni Dana.

"Alam mo ate den, super thankful talaga namin dahil nakilala namin si Ate Alyssa."

"Paano nyo ba sya nakilala baby?"

"Naalala ko, siguro mga 2 years ago na din yun ate. Matagal na din kasi wala parents namin. Ako na po yung tumatayong nanay ng mga kapatid ko. Tapos one time po inapoy ng lagnat si Kim. Eh baby pa sya nun. Hindi ko po talaga alam kung saan ako kukuha ng pera sa gamot nya. Pero pumunta pa din ako ng drugstore kahit limang piso lang ang dala ko. Naalala ko pa nun pinagtabuyan talaga ako nung guard. Kasi wala talaga kong pera. Umuulan nun. Hinding hindi ko makakalimutan yung araw na yun. Yung moment na nakita ko yung savior ko. Yung naging at palaging magiging hero namin"

Nakikinig lang ako. Naiiyak sya sa pag aalala nya ng mga nangyari. Pati ako naluluha din.

"Dumating nun si ate alyssa. Naka scooter lang sya hahaha. Hinintuan nya ako. Tinanong nya ako kung anong nangyari. iyak lang ako ng iyak. Yung papel na dala ko kung saan nakasulat yung bibilhin kong gamot basa na din. Tanong sya ng tanong kung bakit. Para kaming tangang dalawa dahil sobrang lakas na ng ulan. Tapos kinuha nya yung papel sa kamay ko. Pumasok sya sa loob ng drugstore tapos paglabas nya dala dala nya na yung gamot. Inabot nya yun sakin. Yung moment na yun, niyakap ko talaga bigla si ate alyssa. Naalala ko pa. Sabi nya. 'Alam mo, hindi uuwe mag isa itong gamot na binili ko kaya lika na ihahatid na kita'"

Grabe goosebumps, napakabuti mo talaga Alyssa. Super blessed talaga ng nakakakilala sayo.

"Yun hinatid nya ako dito sa bahay. Tapos yun sobrang taas na ng lagnat ni Kim. Pati si Mark umiiyak na dahil nanginginig na si Kim sa sobrang lagnat. Nagpatawag si Ate Ly ng taxi sa labas. Nagpahatid kami sa hospital. Dun sa magandang hospital. Akala ko hindi na kami papapasukin dun dahil mga bata lang kami tapos si Ate Alyssa lang kasama namin. Pero hindi. Inasikaso kami agad nung mga doctor. Gumaling si Kim. Super iyak ko kay ate ly dahil wala man lang kaming binayaran nun sa kanya. Sya lahat nag ayos. Sobrang blessing samin si ate ly."

Wow. Grabe wow talaga sa kabaitan nitong si Valdez. Hindi lang samin pati din sa iba. Hindi lang sa court may ibubuga, pati sa kabaitan sa iba.

"Grabeng bait talaga ni Ly."

"Sinabi mo pa ate. Hindi nga doon natapos kabaitan ni ate alyssa eh. After kasi nun palagi na sya pumupunta dito after class nya. Dahil din sa kanya naihanap nya kaming scholarship na magkakapatid. May monthly allowance pa. Super bait ni ate ly talaga. Kaya lang di nya sakin sinasabi kung anong company yung nagshoulder nung scholarship. Confidential daw. Hinayaan ko na. Atleast po dba may tumutulong samin. Pero ito, since magkakaanak na po ako, di ko alam paano kami nito." Malungkot na sabi nya.

"Shhh wag ka masad dana, di ba lahat naman ng nangyayari, may reason behind that tsaka. Di ba, blessing kaya yang padating mong baby." Sabi ko.

"Hahaha thanks ate den." Sabi niya tas niyakap ako.

"Nandito lang si ate den ha."

"Nagluto lang ako ang dami ko ng namiss hahaha." si Alyssa.

"Kamusta naman kayo mga girls?" Sabi pa nya.

"Okay lang kami chef Alyssa hahaha." Sabi ni Danss.

"Grabe d ko alam na nagluluto ka." Sabi ko.

"Now you know den hahaha. Maswerte ka dahil ang luto ko ay ang specialty ko ang"

"Adobo!" sabay na sabi ni Alyssa at Dana.

Hahahahaha cutieee!

"Masarap ba yan?" Tanong ko.

"Hahaha tinatanong pa ba yun? Di mo lang alam kung ilang beses na nakakalimutan ni Danss ang pangalan nya dahil sa luto ko. Hahaha." Si Alyssa.

"Grabe wag ka maniwala dyan ate den. Pero masarap sya hahaha aaminin ko."

"Hahaha oh sabi sayo eh. Tikman mo na."

Tinikman ko nga. At wow ang sarap nga.

"Ano nga pala pangalan ko?" Biro ko hahahaha.

"Hahahaha oh diba masarap. Dennise pangalan mo hahaha. Inlove ka na sakin nyan." Loko nya.

"Baliw, sa adobo mo lang Valdez hahaha. Grabe ipagluto mo ko nito sa dorm ha."

"Ayoko nya. Edi malalaman ni Ella na masarap luto ko. Baka mamaya alilain ako nun at magpaluto lagi sakin takaw kaya nun hahaha."

"Haha ganun ba katakaw si Ella? Isusumbong kita!"

"Hala wag! Joke lang."

"Hahahaha ipagluto mo na ko."

"Basta d mo ko isusumbong kay Ella ha."

"Oo"

Pero gusto ko ipagluluto nya lang ako. Hindi buong team. Gusto ko ako lang makatikim ng adobo nya. Well except kanila Dana hahaha.

"Cute nyo po mga ate. Tara na kain na. Gutom na si baby oh hahaha."

Heartbreak GirlWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu