34

8.6K 186 1
                                    


Dennise's

Masama daw pakiramdam ni Alyssa. Kakauwe ko lang din eh hinatid ako ni LA. And yun, liligawan nga daw nya ko. Ewan ko okay lang naman eh. Okay nga lang ba? Ay ewan.

Umakyat na ako para din icheck si Alyssa kung okay lang sya. Pagpasok ko nakita kong hindi man lang sya nagpalit ng damit at naghubad ng sapatos. Nakadapa na sya sa bed nya. Mukhang tulog na.

"Pasaway ka talaga Ly. Di ka man lang nagpalit ng damit mo." Sabi ko kahit alam kong tulog na kausap ko haha.

Tinatanggal ko yung shoes nya.

"Alyssa liligawan daw ako ni LA. Okay lang kaya yun sayo?" Muka na kong tanga.

"Sana okay lang sayo. Bilang kaibigan naman na kita di ba? Ikaw kaya sinong mahal mo?"

Sino nga bang mahal neto?

---

Maaga akong nagising. Tinignan ko yung bed ni Ly. Nagulat ako dahil tulog pa din sya. Usually kasi hindi ko na yan nakikita ng umaga dahil nag jajogging sya ng super maaga kahit isa lang sya. Since wala na naman kaming training dahil vacation na, hinayaan ko na muna sya magsleep tapos bumaba na ko.

"Oh ayan na pala yung princess natin eh." Sigaw ni Marge.

"Hahaha goodmorning princess Dennise!" Bati pa ni Mich.

Ano bang nangyayari?

"Anong problema nyo guys? Umagang umaga hahaha."

"Good morning Denden"

"LA? Anong ginagawa mo dito?"

Si LA? Ang aga naman niya.

"I just wanted to spend this day kasi with you. Here oh. Flowers for you."

"Thanks haha."

"Ayun ang haba ng hair hahaha." Asar pa ni Bea T.

"Osya tama na asaran girls. Kainin na natin tong dala ni LA." Sabi ni Mae.

"At talagang nag abala ka pa ng breakfast para sa team ha?"

"Hahaha ano ka ba. Maliit na bagay. Kung para sayo naman eh."

"Nako mga pakulo mo haha. Salamat." Sabi ko. Tapos umupo na. Si Alyssa tulog pa din.

"Oh maupo na kayo. Pagsaluhan natin tong dala ni LA. Thanks pala LA ha." Paalala ulit ni Ella.

"Walang anuman Ella. Basta kayo haha." Sabi pa niya.

Okay naman si LA para sakin eh. I mean, he's a nice guy.

Umupo na sa tabi ko si LA.

"Hala si ate ly pa pala." Sabi ni baby jia.

"Teka po mga ate ako na ang tatawag." Sabi pa ni Jho tapos tumayo na.

"Ay andyan ka na pala ate ly eh."

Napatingin naman ako sa may gawing hagdan. Nakatayo lang siya dun matamlay. Naalala ko dito nga pala sa tabi ko nakaupo si Alyssa.

"Ay Ate Alyssa dito ka muna sa tabi ko oh" Offer naman ni Marge.

Buti na lang niyaya sya ni Marge.

"Ah thanks na lang. Hindi pa naman ako gutom eh. Iinom lang sana akong tubig." Walang ganang sagot niya.

Okay na kaya siya?

"Okay ka na ba baldo?" Tanong ni Ella.

"Hmm? Okay lang ako."

Bakit parang hindi naman.

Heartbreak GirlWhere stories live. Discover now