"Don't tell me na," nakita ni Alex kung saan..mali, kung kanino ako nakatingin. He sighed, "Kung yan ang makakasagabal saming dalawa ni perfect grades para sa midterm. You left me no choice."

"What do you mean?"

"Hoy Zamora!" Nakita ko yung reaksyon ni Gatorade nung tinawag siya ni Alex. "Di makapagconcentrate 'to oh. Kaya alam mo na!"

"Hoy Alex! Wala akong sinasabing ganyan!"

"Pero halata sayong di ka makapag-focus!"

Madami na tuloy napatingin samin. Sino bang hindi mapapatingin? Narinig nila ang apelido ng isa sa mga sikat na ngayong pangalan sa CK University. Pasimple akong tumingin kay Gatorade, nakapoker face as usual. Tumango siya at naglakad palayo.

"Game and Match, Delos Reyes and Marilao!"

"Yosh!" Binuhat at niyakap ako ni Alex nung hindi nareturn ng kalaban yung tira ko. "Perfect sa Midterms at Semi finals!"

Nagkaroon kasi kami ng deal ng professor namin sa PE na kung sino mang makakakuha ng 100% sa Midterms, ipe-perfect na din niya sa Semi finals. Of course that's a big privilege since written at game ang magiging semis.

That's why we're so eager to win.

"Oy Gab san ka pupunta!?"

Tumakbo na ako palabas nung gym nung nakuha ko yung bag ko. Di ko na nilingon si Alex. Deep down, nagi-guilty ako. Hindi dapat ginawa ni Alex yun, it sounded unfair for him. Pero hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa sa nangyare.

Ba't kasi nagkaganun ako nung dumating siya at nanuod ng game!

Kinuha ko yung phone ko at dinial ang phone number niya, "Pick up, blue head."

Last day of exams na for Midterms kaya napakalaking luwag na ulit para samin. Pede na kaming mag-paeasy easy ulit since SportsFest at Foundation week namin next week. Lumiko ako sa may JP building pero di ko makita si Gatorade. San ba pumunta yun?

Wala na siyang NSTP dahil nagtake na siya ng exam kahapon. Sinabi niya sakin yun kahapon nung kakatapos lang ng exam namin sa Accounting. Kahit si Marcus, nagtake na din. Pinakausapan niya yung prof niya kung pede na siyang mag-take kasabay ng ibang klase kasi may plans kami para ngayon.

Boyfriend Corp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon