Chapter 7 Senior Life! Wait, Why Is He..

71 4 5
                                    

Naglalakad ako sa may hallway namin, which is hallway naming mga SENIORS. OhMyyy.Senior na rin ako! Hahaha. Excited na ako magcollege! Hihi =)))

3rd Day na namin ngayon. Magkakakahiwalay kami ng lokaret kong mga kaibigan. Ang kasama ko lang sa section ko ay si Gail. Hindi ko siya kasabay papunta ng school. Ang aga ko kasi e. >:D Hahaha. Ang sama ko, nang-iwan.

Papasok na sana ako ng room ng may naramdaman akong may lumapit sa likod ko. Akala ko kasunod ko lang sa pagpasok pero bigla na lang akong hinawakan sa magkabilang balikat ng biglaan.

"AY, KAPENG MATABANG!"

Hala. anu daw sabi ko.

"Hahaha!" Natawa naman siya. Aba?! May gana pa siyan tumawa ha? Sino ba 'tong bwisit na 'to?!

"Tsss." Napa-tss na lang ako.

Lilingon na sana ako sa kanya nang pumasok na siya sa room at nilampasan ako. Tumingin naman siya ulit sa'kin at parehas kaming natigilan. S-siya.

Siya 'yung creepy na nasa FB kahapon? (Fully Booked)

"Ikaw?" Malumanay na nagkasabay pa kaming nagtanong.

Tumawa siya ng mahina. Shocks. Bat' ba ang gwapo gwapo netong lalaking 'to? Para talaga siyang familiar sa'kin.

Nakatitig pa rin ako sa anghel na hulog ng langit-- este, sa lalaking 'to. Napansin naman niya 'yun at lumapit sa'kin.

Dug. Dug. Dug. Dug

^Mabilis kong heartbeat 'yan.

Teka, bakit nga ba bumibilis at parang sumasabog na 'yung puso ko? Waaaaah! Ang gwapo naman kasi e. >_____<

Teka, sa gwapo nga LANG ba siya? Ahhhhhhh!

Ini-extend niya 'yung kamay niya para makipag-shakehands sa'kin at sabay na pagsabi ng..

"KB. Nice to meet you." Nakangiting sabi niya sa'kin.

"U-uhh. Hikari." Nakangiti kong sabi at inabot 'yung kamay ko. Kaya, hindi Ayane ang sinabi ko dahil sina Gail nga lang diba ang tumatawag sa akin ng gano'n? Close ko sila e. E hindi ko naman 'to close. Nyehee~

"Yieeeeeeeeeeeeeeeeee!"

"Kasal na 'yan!"

"Nice, tol!"

"Wooooooooooooooooot!"

"Ako ninong!"

NAKAKAHIYA. >.<

Nag-iwasan na lang tuloy kami ni KB at pinipilit na h'wag tumingin sa mata ng isa't-isa. >.>

It Was Her After All ONGOINGWhere stories live. Discover now