CHAPTER FORTY-TWO

Magsimula sa umpisa
                                    

She was grieving to death.

Natauhan lang ako nang mapalingon sakin ang babae. Agad akong lumakad palayo mula sa ward na yun.

“Damn!”

Iniisip ko pa lang na si Kathy ‘yon, hindi na ako makahinga.

Nang makarating ako sa nurse station, tinanong ko kung pwede nang marelease si Kathy. Ang sabi nang nurse ay pwede na daw. Pumayag na daw nang doctor na mailabas siya ng ospital nang may magpuntang lalaki at inasikaso ang bayarin at mga papel niya sa ospital.

Napatunganga ako.

“Lalaki?”

Wala ako sa sariling nagpasalamat sa nurse. Wala na akong ibang maisip na pwedeng gumawa noon kundi si Erick lang.

Dumaan ako sa isa pang hallway kung saan mas mabilis akong makakabalik sa kwarto kung saan naroon si Kathy.

Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang marating ko ang silid na iyon. Wala na siya. Wala na si Kathy. I ran as fast as I could to find her.

“KATHY!!!” Sigaw ko sa buong hallway.

Hinanap ko siya sa buong hospital.

“KATHY!!!”



[KATHY’S POV]

“Damon ... gusto ko nang umalis sa lugar na ‘to. Umalis na tayo dito.” Pakiusap ko sa kanya.

“Sige.” Nakangiti niyang sagot sa akin.

“Ngayon na.”

“Kakausapin ko ang doctor mo. Pagbalik ko – aalis na tayo. Okay?”

I nodded.

“Stay here. I’ll be back.”

Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang makalabas siya ng silid.

Wala pa halos isang minuto na nakakaalis si Damon ay dumating naman si Erick. Nagulat ako pero hindi naman ako natakot sa kanya. Simula noong naging demonyo ako ay wala na akong kinatatakutan except from my own death.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko.

“I heard that you wanted to leave this place. Inasikaso ko lahat ng dapat asikasuhin dito sa ospital. Pwede ka nang lumabas.” Aniya.

“Yeah – thank you. I’ll wait for Damon. I want to go home.”

He smiled at me. “Sa tingin mo ba magandang idea yon?” Tanong niya. “Kapag dumating yung oras na kailangan mo nang umalis. Sa tingin mo ba makakayanan nila? Sa tingin mo hindi sila mahihirapan?”

Hindi ako nakapagsalita.

Tama siya. The more I choose to be with them the more it prolongs their agony. Pero kung lalayo ako ... masasanay sila. Masasanay silang wala ako.

“Hindi ka ba nagsasawa sa ginagawa mo Erick?”

“Hindi.”

“Bakit?”

“Why don’t you ask Damon the same thing?”

Hindi ako sumagot.

Bakit kasi hindi ko magawang mahalin ka Erick? Tanong ko sa sarili ko. Bakit nga ba? Siguro kasi’y alam kong demonyo siya. Nagbago siya. Pero kung nanatili siyang ganoon sa dati? Maybe ... just maybe, there’s a possibility na mahalin ko din siya – kahit kaunti lang.

“So ... are you coming with me or not?” Tanong ni Erick sakin.

“I ... I’ll come with you.”

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon