Prologue

15 2 3
                                    

"Aliya, baby anak, magiging okay ang lahat ah?"

Walang humpay ang kabang nararamdaman ko habang nagmamaneho nitong sinasakyan namin ng anak kong si Aliya. Isang taon pa lamang siya at alam kong hindi pa niya lubos na naiintindihan ang mga sinasabi ko pati ang nangyayari sa amin ngayon.

"Maaa-ma." Maligayang sagot ni Aliya habang nasa kinauupuan niya at masayang pumapalakpak.

"Yes, baby. Gusto mo talagang nasa car tayo? Yehey! Pero magmamadali lang tayo ng kaunti para hindi nila tayo abutan."

Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Alam kong mapanganib ito pero kailangan kong magmadali para hindi nila kami maabutan, at mapatay.

"Shit!"

Napalingon ako nang makarinig ako ng salaming nabasag. Nakita kong pinapaputukan pala kami ng mga humahabol sa amin at nabasag na ang salaming bintana sa may passenger's seat.

Lalo akong natakot para kay Aliya kaya naman mas binilisan ko ang pagpapatakbo sa sasakyan.

Mukhang hindi naman napapansin ni Aliya ang mga nangyayari dahil abala siya sa pagtingin at paglinga sa mga nadadaanan namin.

"Unting tiis nalang anak, makakaalis din tayo sa sitwasyon na 'to."

Liko sa kanan, liko sa kaliwa. Hindi ko na malaman kung saan kami pupunta. Basta mabilis parin ang pagpapatakbo ko sa sasakyan. Hindi ako pwedeng tumigil. Kailangan kong magpatuloy!

"HINDI!"

Nagulat ako sa paparating na truck kaya naman agad kong kinabig ang manibela pakanan, mabilis na bumangga ang sasakyan namin sa isang konkretong harang at nabuwag iyon, saka ko lamang napansin na nahuhulog na pala ang aming sinasakyan mula sa dinaan naming tulay.

Agad ko inalis ang seatbelt ko at niyakap si Aliya.

"Anak, ako ang bahala sayo. Tandaan mo palagi na mahal na mahal ka ni mama."

Bumagal ang oras. Pinagmasdan ko ang kabuuang mukha ng maganda kong anak, ang mapungay niyang mga mata na may mahahabang pilik mata, ang matangos niyang ilong, ang mapula niyang mga labi at ang maputi niyang balat. Ang lahat ng iyon, walang sawa kong tinignan. Hinalikan ko ang kanyang noo at saka niyakap siya ng mahigpit.

Diyos ko, ikaw na po ang bahala sa aking anak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ChoiceWhere stories live. Discover now