Chapter 32 - PART 2

50 0 0
                                    

Oh kay tagal nanamang mag-update. Paano ba naman di ko man lang alam kung may nagbabasa ba neto. Oh sadyang display lang sa wattpad.

SIno po ba magaling gumawa ng cover? Book cover ha? Babayaran ko ng 20 pesos na load. Hihihi :"> Sige na po oh? :D

--

Previously on: One Day Done Forever to gooooo! :)

Bianca: Jc naman, pag-sinabi ko.. Hindi magbabago yung trato mo sa akin? 

Jc:  Di ko mapra-promise yun Ate.

Bianca: Ganito nalang. Hindi ka lalayo sa akin ha? :( :(

Jc:  Opo yun lang pala eh.

Yun lang ba.. Wow ha! Yun lang daw eh halos masisira ko nga yung dignidad ko eh. :(

Bianca: Gusto kita. :(

--

Waahhh. Bakit ba ako napaamin bigla bigla, JC kasi mahilig man-threat! Grabe tagumpay siya sa mga ganun samantalang ako lantang lanta na sa kahihiyan. Nasend ko na wala na akong magagawa pa ay kundi umiyak ng dahil sa pag-amin ko. MALAMANG SA MALAMANG hindi na ako papansinin ni Kuya, huhuhu! Ngayong close na kami hindi pa ako papansinin! Ngayong lagi kami nag-uusap sa phone. GALING MO KASI BIANCA EH! GALING! NAPAKA!

From : JC <3

Talaga totoo yun!? :"> . Sige nga sabihin mo sa akin na I Love You. Tatawagan kita ha? :)

----end------

Teka ano daw? Tatawagan? Teka? Ano yun kilig emoticon? Teka! ANO YUN MAG I LOVE YOU DAW AKO?!

*Bzzrrttt* *Bzzzrrttt!*

Oo, hindi pa nagsisink in ang pagtext niya sa akin, bigla na lang nagring ang phone ko. At lahat ng tao sa palagid ay napatingin sa akin. O diba? Ganda ng buhay! -.-   Bigla ko namang sinagot at lumabas muna sandali, nang may napaka hinang boses! WAAAHHH.       "Ate, bakit ang hina naman ng boses mo?" Tanong niya sakin nung naghello na ako at magsalita. Ilang seconds din siyang naghintay noh.    

"Sorry po!" (With a paawa effect) Maawa naman kaya? Linakasan ko na rin ang boses ko nasa labas nanaman na ako kaya okay lang.

"Okay lang yun Ate" Narinig ko naman ang boses niya na may tawa, kaya naman dali daling napangiti nalang ako ng biglaan. ABOT TENGA na nga ngiti ko eh.

"Sabi mo eh! Ikaw pa!" O diba? Crush ko nga eh. Love pa nga ata? hihihi :"> , KILIGY!

"Uy, si Ate gusto pala ako!" (Masaya na pang-inis tone) Nagulat na lang ako sa pag-iba niya ng topic, gusto ata ako talaga mapahiya netong lalaking to. Naku! Kung hindi lang kita mahal!

"Ehhhh! Jc naman eh! Nakakahiya na nga eh, papahiyain mo pa ako!" Minsan dapat act normal lang, kasi mas mahahalata nila na mahal mo silang talaga.

"Ate hindi naman nakakahiya yun eh, pero parang kinahihiya mo ata ako?" Grabe ang galing niyang ipa-feel sayo na guilty ka. Ugh! Pero mahal ko talaga yan. :* KISSY!

"Hindi kaya! Gusto nga kita, ikakahiya ba yun? Sa'yo ako nahihiya kasi ang panget panget ko para magustuhan mo ko." Yan nanaman ako sa looks! Kasi nga MATA nga unang nagmamahal!

"Ate ang ganda ganda mo nga eh, ang sexy sexy pa! Wag ka na mahiya!" Galing mambola noh? sama ng ugali! :))

"Bola mo Jc! Kakainis!" Ayan nanaman ako sa word na nakakainis. Hahaha, minsan naiinis na rin ako sa sarili ko eh.

"Ate masisisi mo ba ko? Kung yun ang sinabi ko kung katotohanan naman lahat ng yun." Seryoso niyang sabi na kinagulat ko naman ng sobra. 

"j---J---JC?" Takot ko naman sagot sa kanya. Wala akong maisip na isasagot sa kanya sapagkat natatakot ako sa kanya ng hindi malamang dahilan.

Gustong gusto ko na pindutin ang END CALL ang awkward na. Galit ata siya or nagtatampo dahil hindi ako naniniwala sa kanya. Ayan nanaman ako! At weakness ko.

"Ano? Wala ka man lang bang sasabihin?"  Tonong galit nga siya. WAAAAH! Ganito ang mga scene na gustong gusto ko burahin!

"Sorry na!" medyo sweet na sabi ko. Hindi ko naman kasi alam kung paano mang-suyo.

"Ate, bakit ba ayaw mo maniwala sa akin?" Malumanay na ng konti ang boses niya pero natatakot parin ako. Ayoko siya madis-aapoint.

"Kasi, hindi ko naman kasi yun nakikita sa sarili ko" Sagot ko naman na buong katotohanan, insecure ako Oo! Pagpasensyahan niyo na.

" *sighs* Ate, maganda ka, sexy ka. maniniwala ka na ba?" Sinabi niya ng may sinseridad.. Kahit papaano kinilig ako sa sinabi niya. 

"Talaga?" Pagtanong ko naman.

"Kung sasabihin ko bang mahal kita maniniwala ka?" Nagulat naman ako sa tanong niya pero buong puso ko sinagot ang kanyang tanong.

"Depende, kung mararamdaman ko talaga yun." Kaso nga diba indenial ako? Paano ko mararamdaman ang mga bagay na ganun?

"Bianca, mahal kita. Mapagbibigyan mo ba ako?" First time niya akong tinawag na Bianca, totoo bato? Totoo na ba tong pangyayaring eto? O magandang panaginip lang?

"Jc, I-- I --- I -- lov---" Biglang may pumigil sa akin ng pag-sabi..

"Iha, bumalik ka na dun. Hinahanap ka na nila" sinabi ng facilitator

"Ah okay po."

BACK TO JC....

"Uy Jc, mamaya nalang byee.." sabi ko naman sa kanya.

"I love you Bianca.." Biglang bilis ang kabog ng dibdib ko. Totoo na nga ito ang taong pinaka mamahal ko may gusto na rin sa akin! HEAVEN!!

'' Mas kaya ako!" sabay end ko na sa cellphone at balik party.

Tuwang tuwa ako ngayon siya na ata ang forever ko minsan ko lang maramdaman ang ganito ang may bumabalik ng pagmamahal na binibigay ko. Hindi sobra, hindi kulang sakto lang!

I think I found Mr. RIGHT!

--

SOMEONE'S POV

Taksil siya taksil bakit niya ako iniwan at pinagpalit sa bestfriend ko? Sa sandaling panahon meron na kaagad silang sweet moments samantalang ako? Kay tagal ko pang hinintay at sinuyo? Sisirain ko ang ang pagsasama nila! Walang kwentang buhay to! Kay bilis niyang nahulog sa

sa 

sa

KAIBIGAN KO!?

---end---

Yey! tapos na po ang part 2, konting kembot nalang din makakatapos na ako ng story, and then, edit edit din para mas appealing! OHA! :) Thank you sa new readers! kahit sobrang tagal mag-update! :D

One Day Done Forever To Go :&quot;&gt;Where stories live. Discover now